MAGULO ANG MUNDO
1 | Ingatan ang Kalusugan Mo
BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?
Maraming masamang epekto sa kalusugan ang krisis o sakuna.
-
Nakaka-stress ang mga sakuna, at kapag nagtagal ang stress, mas madaling magkasakit ang isa.
-
Dahil sa krisis, posibleng hindi maalagaan ng mga ospital ang lahat ng maysakit at baka hindi sapat ang suplay ng gamot.
-
Apektado ng mga kalamidad ang pinansiyal na kalagayan ng mga tao. Nahihirapan tuloy silang bumili ng mga kailangan nila gaya ng masusustansiyang pagkain o gamot.
Ang Dapat Mong Malaman
-
Kapag may malalang sakit ka o nai-stress, baka mahirapan kang gumawa ng tamang desisyon. Dahil dito, baka mapabayaan mo ang kalusugan mo at lalo kang magkasakit.
-
Kung ipagwawalang-bahala mo ang sakit mo, lalo itong lalala at baka manganib pa nga ang buhay mo.
-
Kung malusog ka, mas madali kang makakagawa ng tamang desisyon kahit napakaraming problema.
-
Mayaman ka man o mahirap, puwede mong ingatan ang kalusugan mo.
Ang Puwede Mong Gawin Ngayon
Kadalasan nang pinag-iisipan ng matalino ang mga posibleng panganib at gumagawa ng paraan para maiwasan ang mga ito. Ganiyan din sa pagkakasakit. Kadalasan nang puwede itong maiwasan o hindi na lumala kung malinis tayo sa katawan at sa bahay. Maging maingat para hindi magkasakit.
“Kung malinis tayo sa katawan at sa bahay natin, hindi na natin kailangang magpadoktor at bumili ng gamot.”—Andreas. a
a Binago ang ilang pangalan sa magasing ito.