PAGMAMASID SA DAIGDIG
Pagtutok sa Africa
Maraming organisasyon at indibiduwal ang patuloy na nagsisikap na pagandahin ang kalidad ng buhay sa Africa. Pero sinasalot pa rin ito ng napakaraming problema.
Ilegal na Pangangaso ng mga Rhino
Noong 2013 sa South Africa, 1,004 na rhino ang ilegal na pinatay kumpara sa 13 lang noong 2007. Pero sa kabila ng pagdami na ito ng suplay ng sungay ng rhino, marami pa rin ang naghahanap nito. Kaya naman mas mahal pa ang isang kilo nito kaysa sa isang kilo ng ginto. Ang isang sungay ay maipagbibili nang hanggang kalahating milyong dolyar.
Pag-isipan: Maaalis pa kaya ng mga gobyerno ang kasamaan?—Jeremias 10:23.
Panunuhol na Hindi Inirereport
Nasa mga bansa sa East Africa ang ilan sa pinakamatataas na kaso ng panunuhol sa buong mundo, ang sabi ng Transparency International. Pero mga 90 porsiyento ng mga taong napaharap sa panunuhol ang hindi nagrereport nito sa kinauukulan. Ganito ang sinabi ng isang tagapagsalita ng organisasyong iyan sa Kenya: “Parang walang tiwala ang mga mamamayan na aaksiyunan ng kanilang gobyerno ang mga report tungkol sa korapsiyon.”
Ang sabi ng Bibliya: “Ang suhol ay bumubulag ng mga taong malinaw ang paningin.”—Exodo 23:8.
Paggamit ng Internet
Sa pagtatapos ng 2014, inaasahang halos 20 porsiyento na ng mga Aprikano ang gumagamit ng Internet, ayon sa International Telecommunication Union. Doble ang bilis ng pagdami ng mobile Internet subscription sa Africa kumpara sa pandaigdig na average.