Pagmamasid sa Daigdig
Spain
Naniniwala ang isang grupo ng mga siyentipiko na posibleng may kinalaman ang mga tao sa naganap na lindol noong 2011 sa Lorca, sa timugang bahagi ng Spain, na kumitil ng siyam at puminsala ng marami. Nakita ng mga geologist na may koneksiyon ang napakalakas na lindol na iyon at ang mga lugar na pinagkunan ng pagkarami-raming tubig sa ilalim ng lupa para sa irigasyon.
China
Ang mga turista mula sa China ay gumastos ng $102 bilyon (U.S.) sa pamamasyal sa ibang bansa noong 2012. Sinabi ng UN World Tourism Organization na dahil sa halagang ito, sa kauna-unahang pagkakataon, China ang may pinakamalaking nagastos sa internasyonal na turismo
Japan
Isang pag-aaral na iniulat sa BMJ, isang medical journal sa Britain, ang sumubaybay sa halos 68,000 katao sa Japan sa loob ng mga 23 taon. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga babaing ipinanganak sa pagitan ng 1920 at 1945 na nagsimulang manigarilyo bago mag-20 anyos ay mas maikli nang sampung taon ang buhay kaysa sa mga babaing hindi kailanman nanigarilyo; ang mga lalaki naman ay mas maikli nang walong taon.
Mauritania
Ipinagbawal ang pag-angkat, paggawa, at paggamit ng mga plastic bag na puwedeng ikamatay ng mga hayop na makakakain nito. Sa halip, ipino-promote ng gobyerno ang paggamit ng biodegradable na mga lalagyan bilang kapalit.
Daigdig
Taun-taon, ang mga insurance company ay nagbabayad ng mga $50 bilyon (U.S.) dahil sa mga pinsalang dulot ng masamang lagay ng panahon. Ang halagang iyan, na tumataas pa dahil sa implasyon, ay nagiging higit pa sa doble bawat dekada mula noong dekada ’80.