TULONG PARA SA PAMILYA | PAGPAPALAKI NG MGA ANAK
Kung Paano Kakausapin ang Iyong Anak Tungkol sa Sexting
ANG HAMON
Nabalitaan mong usung-uso sa mga kabataan ang sexting. Baka maitanong mo, ‘Ginagawa rin kaya ito ng anak kong tin-edyer?’
Gusto mong kausapin ang anak mo tungkol dito
ANG DAHILAN
May mga tin-edyer na nagpapadala ng mahahalay na mensahe para mag-flirt sa taong gusto nila.
May mga kaso naman na nagpapadala ang babae ng mahalay na litrato niya dahil pine-pressure siya ng lalaki.
Kung minsan, ipinadadala ng lalaki sa mga kaibigan niya ang mahalay na litrato ng isang babae bilang katuwaan o para makaganti matapos siyang hiwalayan nito.
Anuman ang dahilan, ang isang tin-edyer na may cellphone ay puwedeng masangkot sa gulo. “Sa isang pindot lang,” ang sabi ng aklat na CyberSafe, “maraming buhay ang nasisira.”
Hindi naiisip ng marami na kapag nailagay sa Internet ang isang litrato, hindi na kontrolado ng nagpadala kung saan ito gagamitin. Sa isang kaso, ayon sa report ng U.S. Federal Bureau of Investigation (FBI), isang 18-anyos na babae ang “nagpakamatay dahil ang litrato niyang nakahubad na ipinadala niya sa kaniyang boyfriend ay naipadala rin sa daan-daang tin-edyer sa kanilang paaralan. Diumano, ang babaing ito ay dumanas ng pangha-harass mula sa mga estudyanteng patuloy na nag-forward ng larawan niya.”
Lumilikha rin ng legal na mga usapin ang sexting. Halimbawa, sa ilang lugar, ang mga menor-de-edad na nagpadala ng mahahalay na litrato sa ibang menor-de-edad ay kinasuhan ng child pornography at inobligang magparehistro bilang mga sex offender. Kung isa kang magulang, puwede ka ring managot kung nakapangalan sa iyo ang linya ng cellphone o kung hindi mo pinigilan ang iyong anak na masangkot sa sexting.
ANG PUWEDE MONG GAWIN
Magtakda ng malinaw na mga tuntunin. Bagaman hindi mo talaga makokontrol ang paggamit ng iyong anak sa kaniyang cellphone, puwede mong sabihin sa kaniya ang mga tuntunin mo
Tulungang mangatuwiran ang iyong anak. Puwede mong sabihin: “Maraming opinyon tungkol sa sexting. Para sa iyo, ano ang ibig sabihin nito?” “Sa palagay mo, anu-anong litrato ang masagwa?” “Sa ilang lugar, ang menor-de-edad na nagpapadala ng litrato ng isang nakahubad na menor-de-edad ay itinuturing na nakagawa ng krimen. Sa palagay mo, ganoon ba talaga kasamâ iyon?” “Bakit labag sa kagandahang-asal ang sexting?” Pakinggang mabuti ang pangangatuwiran niya, at tulungan ang iyong anak na mag-isip muna bago mag-send.
Mag-isip muna bago mag-send
Bumanggit ng mga senaryo. Puwede mong sabihin sa anak mong babae: “Halimbawang pine-pressure ng isang lalaki ang babae na ‘makipag-sext’ sa kaniya. Ano’ng dapat gawin ng babae? Pumayag na lang para hindi masira ang pagkakaibigan nila? Tumanggi pero mag-flirt pa rin sa kaniya? Putulin ang ugnayan nila? Magsabi sa isang adulto?” Tulungan ang iyong anak na mangatuwiran. Puwede mo rin itong gawin sa iyong anak na lalaki.
Antigin ang likas na kabutihan ng iyong anak. Halimbawa, tanungin siya: Gaano kahalaga sa iyo ang magandang reputasyon? Sa anong mga katangian gusto mong makilala ka? Ano ang madarama mo kung may napahiya dahil sa pagpapadala mo ng masagwang litrato? Ano ang madarama mo kapag nanindigan ka sa kung ano ang tama? Tulungan ang iyong anak na magtaglay ng “isang mabuting budhi.”
Magpakita ng magandang halimbawa. Sinasabi ng Bibliya na ang makadiyos na karunungan ay malinis at hindi mapagpaimbabaw. (Santiago 3:17) Nakikita ba sa iyo ang mga katangiang iyan? “Kailangang tayo mismo ang magpakita ng magandang halimbawa, at huwag tumingin sa mga larawan at Web site na masasabing masagwa o ilegal,” ang sabi ng aklat na CyberSafe.
^ par. 5 Ang “sexting” ay ang pagpapadala ng mahahalay na mensahe, litrato, o video gamit ang cellphone. Para sa higit pang impormasyon, magpunta sa Web site na jw.org/tl at basahin online ang artikulong “Tanong ng mga Kabataan