Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

ANO ANG MATUTUTUHAN NATIN KAY . . . Noe?

ALAM MO BA KUNG BAKIT NAPAKAHALAGANG SUMUNOD SA DIYOS?

• Kulayan ang mga larawan. • Basahin ang mga talata sa Bibliya, at ipaliwanag ang mga iyon habang isinusulat mo ang sinasabi ng mga karakter. • Hanapin sa larawan ang: (1) hagdan at (2) sapot ng gagamba.

Bakit mahalaga na sumunod si Noe sa Diyos?

CLUE: Jeremias 7:23; 2 Pedro 2:5.

Ano ang tutulong sa iyo na sumunod sa Diyos?

CLUE: 1 Cronica 28:9; Isaias 48:17, 18; 1 Juan 5:3.

Ano ang natutuhan mo sa kuwentong ito?

Ano sa palagay mo?

Para masunod mo ang Diyos, sino pa ang dapat mong sundin?

CLUE: Efeso 6:1-3; Hebreo 13:7, 17.

 Ipunin at Pag-aralan

BIBLE CARD 22 NEHEMIAS

MGA TANONG

  1. A. Si Nehemias ay naglingkod bilang ․․․․․ ng hari ng Persia na si ․․․․․.
  2. B. Ano ang kahulugan ng pangalan ni Nehemias?
  3. C. Nanalangin siya: “Alalahanin mo ako, O Diyos ko, ․․․․․.”

MGA SAGOT

  1. A. katiwala ng kopa, Artajerjes.​—Nehemias 1:11; 2:1.
  2. B. “Inaaliw ni Jah.”
  3. C. “. . . sa ikabubuti.”​—Nehemias 13:31.

Mga Tao at mga Lugar

  Kami sina Taonga, 6 na taon, at Mwelwa, 8 taon. Nakatira kami sa Zambia. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Zambia? Ito ba ay 90,000, 152,000, o 196,000?

  Bilugan ang marka kung saan kami nakatira. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalayo sa Zambia.

Mga Bata, Hanapin ang Larawan

Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?

 MGA SAGOT

  1.   Ang hagdan ay nasa eksena 3.
  2.   Ang sapot ng gagamba ay nasa eksena 2.
  3.   152,000.
  4.   C.