Repaso Para sa Pamilya
Repaso Para sa Pamilya
Ano ang Kulang sa Larawang Ito?
Basahin ang Genesis 13:5-17. Ngayon, tingnan mo ang larawan. Anu-ano ang kulang sa larawan? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot. Pagdugtung-dugtungin ang mga tuldok para makumpleto ang larawan at kulayan ito.
1. ․․․․․
2. ․․․․․
[Dayagram]
(Tingnan ang publikasyon)
PARA SA TALAKAYAN:
Bakit nagkaroon ng di-pagkakasundo sa pagitan nina Lot at Abraham at ng kani-kanilang tagapagpastol? Bagaman may karapatan siya bilang ulo ng pamilya, paano sinikap ni Abraham na makipagpayapaan?
CLUE: Basahin ang Genesis 13:7-9.
Nagkimkim ba ng sama ng loob si Abraham kay Lot?
CLUE: Basahin ang Genesis 14:12-16.
Paano pinagpala si Abraham dahil sa kaniyang makadiyos na mga katangian?
CLUE: Basahin ang Genesis 13:14-17.
Paano mo maipakikita na itinataguyod mo ang kapayapaan?
CLUE: Basahin ang 1 Corinto 13:4, 5; Santiago 3:13-18.
PARA SA PAMILYA:
Gagampanan ng isang miyembro ng pamilya ang papel ng isa sa mga tauhan sa ulat na nasa Genesis 13:5-17 nang hindi nagsasalita. Huhulaan naman ng iba kung sino ang tauhang iyon.
Ipunin at Pag-aralan
Gupitin, tiklupin, at ingatan
BIBLE CARD 5 ABRAHAM
MGA TANONG
A. Ilang taon si Abraham nang isilang ang anak niyang si Isaac?
B. Ano ang ipinangako ni Jehova kay Abraham?
C. Kumpletuhin. Dahil sa kaniyang malaking pananampalataya at mabubuting gawa, si Abraham ay tinawag na ․․․․․.
[Chart]
4026 B.C.E. Nilalang si Adan
Nabuhay noong mga 1900 B.C.E.
1 C.E.
98 C.E. Isinulat ang huling aklat ng Bibliya
[Mapa]
Lumipat sa Canaan mula sa Ur
Ur
Haran
CANAAN
ABRAHAM
MAIKLING IMPORMASYON
Iniwan ng tapat na lalaking ito ang mayamang lunsod ng Ur para gawin ang kalooban ni Jehova bagaman hindi niya alam kung saan siya maninirahan. (Hebreo 11:8-10) Palagi niyang itinuturo sa kaniyang sambahayan na “ingatan nila ang daan ni Jehova at isagawa ang katuwiran.” (Genesis 18:19) Tinatawag siya ng Bibliya na “ama ng lahat niyaong may pananampalataya.”—Roma 4:11.
MGA SAGOT
A. Isang daang taóng gulang.—Genesis 21:5.
B. Sa pamamagitan ng kaniyang binhi ay tiyak na pagpapalain ng lahat ng bansa ang kanilang sarili.—Genesis 22:16-18.
C. “kaibigan ni Jehova.”—Santiago 2:21-24.
Mga Tao at mga Lugar
3. Kami sina Rahela at Andrei. Pareho kaming pitong taóng gulang, at nakatira sa Romania. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Romania? Ito ba ay 38,600, 68,300, o 83,600?
4. Bilugan ang marka kung saan kami nakatira. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalapit sa Romania.
A
B
C
D
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
● Nasa pahina 11 ang mga sagot sa “REPASO PARA SA PAMILYA”
MGA SAGOT SA PAHINA 30 AT 31
1. Isang baka.
2. Isang tupa.
3. 38,600.
4. C.