Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

May Nagdisenyo ba Nito?

Ang Ovipositor ng Wood-Boring Wasp

Ang Ovipositor ng Wood-Boring Wasp

● Inilalagay ng babaing wood-boring wasp (isang uri ng putakti) ang mga itlog nito sa loob ng mga pine tree. Ito ang naging inspirasyon ng mga siyentipiko para makagawa ng mas ligtas at epektibong mga surgical probe.

Pag-isipan ito: Binubutas ng putakting ito ang pine tree gamit ang isang ovipositor​—isang tubo na tulad-karayom at may dalawang balbula na parehong may mga ngiping nakapalabas. Ang mga ngipin ng isang balbula ay kumakagat sa kahoy, habang umaabante naman nang bahagya ang isa pang balbula. Pagkatapos, ang mga ngipin naman nito ang kakagat sa kahoy para makaabante nang bahagya ang naunang balbula. Magsasalitan ang dalawang balbula sa paggawa nito hanggang sa makabutas nang mga 20 milimetro sa ubod ng kahoy nang walang kahirap-hirap at hindi man lang nababaluktot o nababali.

Ginaya ng mga siyentipiko ang ovipositor ng putakting ito at nakagawa sila ng isang prototype ng neurosurgical probe. Ang silicon needle nito ay may dalawang balbulang nagsasalitan at may napakaliliit na ngipin. Nakakapasok ito sa utak nang walang gaanong pinsala. Pero may iba pa itong magagawa. “Di-tulad ng mga surgical probe sa ngayon, ang instrumentong ito ay malambot kaya makakapasok ito sa pinakaligtas na ruta, at maiiwasan ang delikadong mga parte, ang isang halimbawa ay kapag nag-oopera sa utak,” ang sabi ng magasing New Scientist. Hindi na rin kailangan ng napakaraming hiwa para sa mga bahagi ng katawan na mahirap pasukin.

Ano sa palagay mo? Nagkataon lang ba ang ovipositor ng babaing wood-boring wasp? O may nagdisenyo nito?

[Dayagram sa pahina 25]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Habang kumakagat sa kahoy ang isang balbula, umaabante naman ang isa pang balbula

Kahoy

Pagsasalitan ng mga balbula

[Picture Credit Lines sa pahina 25]

Wasp: David R. Lance, USDA APHIS PPQ, Bugwood.org; diagram: J. F. V. Vincent and M. J. King, (1996). The mechanism of drilling by wood wasp ovipositors. Biomimetics, 3: 187-201