Ang mga Kabataan ay Nagtatanong
Paano Ko Ipaliliwanag ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Homoseksuwalidad?
Nagkagulo sa isang awards ceremony nang maghalikan ang dalawang sikat na aktres! Gulat na gulat ang mga manonood at pagkatapos ay naghiyawan. Para sa mga homoseksuwal, isa itong tagumpay. Para naman sa iba, nagpapapansin lang sa publiko ang mga aktres. Anuman ang dahilan, ang video clip na ito ay paulit-ulit na ipalalabas sa TV—at milyun-milyong ulit na panonoorin sa Internet—sa susunod na mga araw.
GAYA ng eksena sa itaas, kapag ang isang kilalang tao ay umamin na siya ay bakla, tomboy, o silahis, mas ginagawa itong kontrobersiyal ng media kaysa sa ibang mga balita. Hinahangaan ng ilang tao ang ganitong pag-amin. Hinahatulan naman ng iba ang ganitong kalaswaan. Pero marami ang nag-iisip na ang homoseksuwalidad ay isa lang ding paraan ng pamumuhay. “Nang nag-aaral pa ako,” ang sabi ng 21-anyos na si Daniel, “kahit ang matitinong bata ay nag-iisip na kung hindi ka sang-ayon sa homoseksuwalidad, nagtatangi ka at mapanghusga.” *
Maaaring iba-iba ang pangmalas sa homoseksuwalidad ng iba’t ibang henerasyon at ng iba’t ibang mga bansa. Pero ang mga Kristiyano ay hindi “dinadalang paroo’t parito ng bawat hangin ng turo.” (Efeso 4:14) Sa halip, sinusunod nila ang sinasabi ng Bibliya.
Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa homoseksuwalidad? Kung namumuhay ka ayon sa pamantayang moral ng Bibliya, ano ang puwede mong isagot sa mga nagsasabi na mapanghatol ka, nasusuklam sa mga homoseksuwal, o hindi ka patas? Pag-isipan ang sumusunod na mga tanong at mungkahing sagot.
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa homoseksuwalidad?
Malinaw na sinasabi sa Bibliya na ang pagtatalik ay nilayon ng Diyos para lang sa isang lalaki at babae na mag-asawa. (Genesis 1:27, 28; Levitico 18:22; Kawikaan 5:18, 19) Ang hatol ng Bibliya laban sa pakikiapid ay kapit kapuwa sa mga homoseksuwal at heteroseksuwal. *—Galacia 5:19-21.
Kung may magtanong sa iyo: “Ano ang pananaw mo sa homoseksuwalidad?”
Puwede mong sabihin: “Hindi sa ayaw ko sa mga homoseksuwal, hindi lang ako sang-ayon sa ginagawa nila.”
✔ Tandaan: Kung sinusunod mo ang pamantayang moral ng Bibliya, iyan ang pinili Josue 24:15) Huwag mong ikahiya ang pananaw mo.—Awit 119:46.
mong buhay, at karapatan mo iyan. (Hindi ba dapat na igalang ng mga Kristiyano ang lahat ng tao, pati na ang mga homoseksuwal?
Totoo iyan. Sinasabi ng Bibliya: “Parangalan ang lahat ng uri ng mga tao,” o gaya ng salin ng Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino, “Igalang ninyo ang lahat ng tao.” (1 Pedro 2:17) Kaya ang mga Kristiyano ay hindi nasusuklam sa mga homoseksuwal. Mabait sila sa lahat ng tao, pati na sa mga homoseksuwal.—Mateo 7:12.
Kung may magtanong sa iyo: “Hindi ba ang pananaw mo tungkol sa homoseksuwalidad ay nagtataguyod ng diskriminasyon sa mga homoseksuwal?”
Puwede mong sabihin: “Hindi. Ang ayaw ko ay ang ginagawa nila, hindi sila.”
✔ Puwede mo pang sabihin: “Halimbawa, ayokong manigarilyo. Isipin ko pa nga lang ang tungkol doon, nandidiri na ako. Pero halimbawa ay naninigarilyo ka at iba ang pananaw mo. Hindi kita huhusgahan dahil sa pananaw mo, kung paanong sigurado ako na hindi mo ako huhusgahan dahil sa pananaw ko, hindi ba? Ganiyan din pagdating sa magkaibang pananaw natin sa homoseksuwalidad.”
Hindi ba itinuturo ni Jesus na dapat nating tanggapin ang isa’t isa? Kung gayon, hindi ba dapat maging maluwag din ang mga Kristiyano tungkol sa homoseksuwalidad?
Hindi hinihimok ni Jesus ang mga tagasunod niya na tanggapin ang lahat ng paraan ng pamumuhay. Sa halip, itinuro niya na ang maliligtas lang ay ang “bawat isa na nananampalataya sa kaniya.” (Juan 3:16) Kasali sa pananampalataya kay Jesus ang pagsunod sa pamantayan ng Diyos, na nagbabawal sa partikular na mga paggawi—kabilang na ang homoseksuwalidad.—Roma 1:26, 27.
Kung may magsabi sa iyo: “Hindi kayang magbago ng mga homoseksuwal. Ipinanganak na silang ganoon.”
Puwede mong sabihin: “Walang sinasabi ang Bibliya tungkol sa biyolohikal na kayarian ng mga homoseksuwal, bagaman sinasabi nito na may ilang paggawi na mahirap alisin. (2 Corinto 10:4, 5) Kahit nagkakagusto ang ilan sa kapuwa nila lalaki o kapuwa nila babae, sinasabi ng Bibliya na dapat iwasan ng mga Kristiyano ang homoseksuwal na paggawi.”
✔ Mungkahi: Sa halip na makipagdebate tungkol sa dahilan ng homoseksuwal na pagnanasa, idiin na ipinagbabawal ng Bibliya ang homoseksuwal na paggawi. Maaari mong sabihin: “Maraming nagsasabi na namamana raw ang pagiging marahas, kaya may ilang tao na may tendensiyang maging ganoon. (Kawikaan 29:22) Ipagpalagay nating tama iyan. Alam mo ba na hinahatulan ng Bibliya ang silakbo ng galit? (Awit 37:8; Efeso 4:31) Hindi na ba tama ang pamantayang ito dahil lang sa maaaring nasa dugo na ng ilan ang pagiging marahas?”
Paano masasabi ng Diyos sa isa na nagkakagusto sa kasekso niya na umiwas sa homoseksuwalidad? Parang ang lupit naman niyan.
Ang pangangatuwirang ito ay batay sa maling ideya na dapat sundin ng mga tao ang kanilang pagnanasa sa sekso. Binibigyang-dangal ng Bibliya ang tao sa pagtiyak nito na magagawa nilang pigilin ang kanilang maling pagnanasa sa sekso kung talagang gusto nila.—Colosas 3:5.
Kung may magsabi sa iyo: “Kahit hindi ka homoseksuwal, dapat baguhin mo ang pananaw mo tungkol sa kanila.”
Puwede mong sabihin: “Ipagpalagay na natin na hindi ako sang-ayon sa pagsusugal pero sang-ayon ka rito. Makatuwiran bang ipagpilitan
mong baguhin ko ang paniniwala ko dahil lang sa milyun-milyong tao ang nagsusugal?”✔ Tandaan ito: Maraming tao (kasama na ang mga homoseksuwal) ang may sinusunod na pamantayan sa kung ano ang mabuti o masama. Dahil dito, kinamumuhian nila ang ilang bagay—marahil gaya ng pandaraya, kawalang-katarungan, o digmaan. Ipinagbabawal ng Bibliya ang gayong mga bagay at ang ilang seksuwal na paggawi, kabilang na ang homoseksuwalidad.—1 Corinto 6:9-11.
Ang Bibliya ay makatuwiran at patas. Kung ano ang iniuutos nito sa mga heteroseksuwal, iyon din ang iniuutos nito sa mga naaakit sa kanilang kasekso—ang “tumakas . . . mula sa pakikiapid.”—1 Corinto 6:18.
Pagdating sa opinyon ng nakararami, hinihimok ang mga Kristiyano na sumalungat sa agos
Ang totoo, pinipigil ng milyun-milyong heteroseksuwal ang kanilang sarili dahil gusto nilang sundin ang pamantayan ng Bibliya anumang tukso ang dumating sa kanila. Kabilang sa kanila ang mga dalaga’t binata na maliit ang tsansang makapag-asawa at ang marami na ang asawa ay may kapansanan at hindi na puwedeng makipagtalik. Maligaya sila kahit hindi nasasapatan ang kanilang pagnanasa sa sekso. Magagawa rin iyan ng mga may tendensiyang maging homoseksuwal kung talagang gusto nilang mapaluguran ang Diyos.—Deuteronomio 30:19.
^ par. 4 Binago ang ilang pangalan sa artikulong ito.
^ par. 7 Ang terminong “pakikiapid” sa Bibliya ay hindi lang tumutukoy sa pakikipagtalik kundi pati sa paghimas sa ari ng iba, o oral o anal sex.
PAG-ISIPAN
-
Bakit nagbigay ang Diyos sa mga tao ng mga batas sa moral?
-
Ano ang magiging pakinabang mo kung susunod ka sa pamantayang moral ng Bibliya?