Pagkakaiba na Kitang-kita ng mga Guro
Pagkakaiba na Kitang-kita ng mga Guro
● Si Irena, isang estudyante sa ika-8 grado, ay nakatira sa Kurtovo Konare, isang nayon sa Bulgaria. Binigyan ng nanay niya ang kaniyang guro ng librong Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas sa isang miting ng mga magulang at guro.
Pagkalipas ng ilang araw, habang hawak ng guro ang aklat, tinawag niya si Irena sa harap ng klase. “Ikaw ang magtuturo ngayon sa klase,” ang sabi niya kay Irena. “Pumili ako ng isang kabanata sa libro na babasahin mo. Pagkatapos, ikuwento mo sa klase kung paano sinusunod ng pamilya ninyo ang mga mungkahi rito.” Ang kabanatang pinili ng guro ay “Bakit Ko Dapat ‘Igalang ang Aking Ama at ang Aking Ina’?”
Nang papunta si Irena sa harap, ang ilan sa kaklase niya ay nagsabing naiiba ang mga magulang niya. Sinabi naman ng guro: “Alam ba ninyo kung bakit naiiba ang pamilya nila? Iyon ay dahil nag-aaral sila ng Bibliya. Naging estudyante ko ang mga kuya niya. Naiiba sila sa lahat. Napakahusay ng pagpapalaki sa kanila at gayon na lang ang paggalang nila sa kanilang mga magulang.”
Pagkatapos, pinabasa na ng guro kay Irena ang aklat. Matapos niyang basahin ang parapo na nagsasabing ibinigay ng Diyos sa mga magulang ang karapatang magtakda ng mga tuntunin, itinanong ng guro: “Irena, paano iyan sinusunod ng inyong pamilya? Itinuturing mo bang batas ang lahat ng sinasabi ng mga magulang mo?”
“Lahat tayo ay may sariling opinyon,” ang sabi ni Irena, “pero sinasabi ng Bibliya na dapat igalang at sundin ng mga anak ang kanilang mga magulang. Ganoon ang ginagawa namin. Puwede pa rin naman naming pag-usapan ang mga bagay-bagay, at may pagkakataon kaming sabihin ang niloloob namin.” Nang matapos ang klase, naintindihan ng lahat ang paliwanag ni Irena.
Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.