Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Ano ang Mali sa Larawang Ito?

Basahin ang Exodo 12:1-8, 17-20, 24-27; Marcos 14:12, 22-26; Juan 13:1, 21-30. Ngayon, tingnan mo ang larawan ng Hapunan ng Panginoon. Anu-ano ang mali rito? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot.

1. ․․․․․

2. ․․․․․

3. ․․․․․

PARA SA TALAKAYAN:

Bakit tinapay na walang lebadura ang ginamit ni Jesus bilang sagisag ng kaniyang katawan?

CLUE: Basahin ang 1 Corinto 5:6-8; Hebreo 4:14, 15.

KILALA MO BA SI HARING SOLOMON?

4. Sino ang nanay ni Solomon?

CLUE: Basahin ang 2 Samuel 12:24.

․․․․․

5. Ilan pa ang naging anak na lalaki ni David sa nanay ni Solomon?

CLUE: Basahin ang 2 Samuel 11:26, 27; 1 Cronica 3:5.

․․․․․

PARA SA TALAKAYAN:

Bakit napakatalino ni Solomon?

CLUE: Basahin ang 1 Hari 3:5-14.

Paano ka magiging matalino?

MGA BATA, HANAPIN ANG LARAWAN

Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?

MULA SA ISYUNG ITO

Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.

PAHINA 19 Ang pagbubulay-bulay sa mga bagay-bagay ay tanda ng ano? Kawikaan 1:․․․

PAHINA 19 Pinayuhan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na manalangin saan? Mateo 6:․․․

PAHINA 28 Ano ang nagagawa ng “banal na mga kasulatan”? 2 Timoteo 3:․․․

PAHINA 29 Ano ang maibibigay sa atin ng “kaaliwan mula sa Kasulatan”? Roma 15:․․․

● Nasa pahina 14 ang mga sagot

MGA SAGOT SA PAHINA 31

1. Dapat 11 lang ang apostol, hindi 12.

2. Ang tinapay ay dapat na walang lebadura at hindi nakaalsa.

3. Ang karne ay tupa, hindi baboy.

4. Bat-sheba.

5. Sina David at Bat-sheba ay may apat pang anak na lalaki bukod kay Solomon.