Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ganoon ba Talaga Kahaba ang Buhay Nila?

Ganoon ba Talaga Kahaba ang Buhay Nila?

Ganoon ba Talaga Kahaba ang Buhay Nila?

Ayon sa Bibliya, si Adan ay nabuhay nang 930 taon, si Set 912, at si Matusalem 969 na taon​—31 taon na lamang at isang libo na! (Genesis 5:5, 8, 27) Ang mga taon bang iyon ay kasinghaba ng mga taon natin sa ngayon, o mas maikli, katumbas marahil ng mga buwan natin, gaya ng sinasabi ng ilan?

Ipinahihiwatig ng patotoo mula sa Bibliya na literal ang mga taóng iyon at kasinghaba ng sa atin. Pag-isipan ito: Kung ang isang taon na binabanggit sa Bibliya ay kasinghaba lamang ng isang buwan, magiging ama ang mga lalaking ito sa napakabatang edad, na imposibleng mangyari: Si Kenan, bago pa mag-anim na taon; sina Mahalalel at Enoc, wala pang lima at kalahating taon.​—Genesis 5:12, 15, 21.

Bukod dito, alam ng mga tao noon ang pagkakaiba-iba ng araw, buwan, at taon. (Genesis 1:14-16; 8:13) Sa katunayan, tinutulungan tayo ng detalyadong kronolohiya ni Noe na malaman kung gaano kahaba ang isang buwan. Ipinakikita ng Genesis 7:11, 24 at Genesis 8:3, 4 na ang limang buwan​—mula ika-17 araw ng ikalawang buwan hanggang sa ika-17 araw ng ikapitong buwan​—ay katumbas ng 150 araw. Kung gayon, maliwanag na sa pagkalkula ni Noe, may 30 araw sa isang buwan at 12 buwan sa isang taon.​—Genesis 8:5-13. *

Subalit paano nabuhay nang 900 taon o higit pa ang mga tao noon? Sinasabi sa atin ng Bibliya na nilikha ng Diyos ang tao para mabuhay magpakailanman ngunit nagdulot ng di-kasakdalan at kamatayan sa sangkatauhan ang kasalanan ni Adan. (Genesis 2:17; 3:17-19; Roma 5:12) Ang mga taong nabuhay bago ang Baha ay mas malapit sa kasakdalan kung ihahambing sa atin ngayon, at tiyak na ito ang pangunahing dahilan kung bakit mahaba ang buhay nila. Halimbawa, si Matusalem ay ikapitong henerasyon lamang mula kay Adan.​—Lucas 3:37, 38.

Gayunman, ang lahat ng bahid ng kasalanang minana kay Adan ay malapit nang alisin ng Diyos na Jehova mula sa lahat ng nananampalataya sa itinigis na dugo ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. “Ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob na ibinibigay ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon.” (Roma 6:23) Oo, darating ang panahon na ang edad ni Matusalem na 969 ay magiging waring napakaikli na lamang!

[Talababa]

^ par. 4 Tingnan ang Insight on the Scriptures, Tomo 2, pahina 1214, inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

[Graph sa pahina 30]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

1000

Matusalem

Adan

Set

900

 

 

 

800

 

 

 

700

 

 

 

600

 

 

 

500

 

 

 

400

 

 

 

300

 

 

 

200

 

 

 

100

Tao sa ngayon