Paano Mo Sasagutin?
Paano Mo Sasagutin?
IPALIWANAG ANG TALINGHAGA
Sino ang tatlo sa mga tauhan sa talinghaga ni Jesus na nakaulat sa Lucas 10:29-37? Isulat ang iyong sagot sa ibaba.
1. ․․․․․․․․․․․
2. ․․․․․․․․․․․
3. ․․․․․․․․․․․
◼ Para sa Talakayan: Ano ang nagustuhan mo sa ikinilos ng Samaritano? Paano ka magiging isang mabuting kapuwa?
KAILAN ITO NANGYARI?
Sabihin kung sino ang (mga) sumulat ng bawat aklat sa Bibliya na nasa ibaba, at gumuhit ng linya na magdurugtong sa aklat at sa tinatayang petsa kung kailan ito natapos isulat.
537 B.C.E. 460 455 50-52 C.E. 66-70 C.E.
4. 2 Cronica
5. Ezra
6. Galacia
SINO AKO?
7. Sumangguni ako kapuwa sa matatanda at sa mga kabataan, pero nakinig lamang ako sa mga kabataan.
SINO AKO?
8. Itinulad ako ni Pablo sa isang tipan, sa Bundok Sinai, at sa Jerusalem.
MULA SA ISYUNG ITO
Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.
Pahina 9 Paano magiging katulad ni Noe ang mga naglilingkod sa Diyos? (2 Pedro 2:____)
Pahina 10 Ano ang mamanahin ng matuwid? (Awit 37:____)
Pahina 12 Ano ang makapagpapabagal sa iyong galit kapag inihahambing ka sa iba? (Kawikaan 19:____)
Pahina 26 Paano tayo magiging kaibigan ni Jesus? (Juan 15:____)
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Mahahanap mo ba ang mga larawang ito sa ibang pahina ng isyung ito? Sa sarili mong salita, sabihin ang nangyayari sa bawat larawan.
(Nasa pahina 29 ang mga sagot)
SAGOT SA PAHINA 31
1. Saserdote.
2. Levita.
3. Samaritano.
4. Ezra, 460 B.C.E.
5. Ezra, 460 B.C.E.
6. Pablo, 50-52 C.E.
7. Rehoboam.—2 Cronica 10:3-14.
8. Hagar.—Galacia 4:22-25.