Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Maiiwasan Mo ba ang Pagtanda?

Maiiwasan Mo ba ang Pagtanda?

Maiiwasan Mo ba ang Pagtanda?

“Hanggang pitumpung taon lamang kami​—walumpung taon kung malakas kami; . . . napakaikli ng buhay, at wala na kami.”​—AWIT 90:10, TODAY’S ENGLISH VERSION.

ISIP-ISIPIN na lagi kang bata at masigla. Hindi humihina ang iyong pangangatawan at hindi pumupurol ang iyong pag-iisip. Pangarap lamang ba para sa iyo ang magandang pag-asang ito? Buweno, pag-isipan mong mabuti ang nakapagtatakang bagay na ito: Bagaman may ilang uri ng loro na nabubuhay nang hanggang sandaang taon, ang mga daga naman ay bihirang mabuhay nang mahigit tatlong taon. Dahil sa ganitong pagkakaiba-iba ng haba ng buhay, naisip ng ilang biyologo na posibleng may sanhi ang pagtanda, at kung may sanhi nga ito, may gamot para rito.

Sa pag-asang makahanap ng mabisang gamot laban sa pagtanda, namuhunan ang mga kompanya ng gamot upang makatuklas ng bagong panlunas dito. Isa pa, ang mga taong ipinanganak noong matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at tumutuntong na ng 60 anyos ay nag-aalala na rin kung paano mapababagal ang kanilang pagtanda.

Pangunahin na ring pinag-aaralan ng maraming mananaliksik sa larangan ng henetika, molecular biology, zoology, at gerontology ang pagtanda. Ganito ang sabi sa aklat na Why We Age, ni Steven Austad: “Bagaman pigíl, halata ang pananabik ng mga gerontologist kapag nagpupulong sila. Malapit na nating maunawaan ang mahahalagang proseso ng pagtanda.”

Napakaraming opinyon tungkol sa sanhi ng pagtanda. Ang isa rito ay dahil nagiging gastado na ang mga selula; ayon naman sa iba, nakaprograma raw ito. May nagsasabi naman na parehong tama ang dalawang opinyong ito. Gaano na ba karami ang nalalaman hinggil sa pagtanda? May maaasahan bang mabisang gamot laban dito?

[Tsart/​Mga larawan sa pahina 2, 3]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

KARANIWANG HABA NG BUHAY

Bubuyog

90 araw

Daga

3 taon

Aso

15 taon

Unggoy

30 taon

Buwaya

50 taon

Elepante

70 taon

Tao

80 taon

Loro

100 taon

Higanteng pawikan

150 taon

Higanteng sequoia

3,000 taon

Bristlecone na pino

4,700 taon

[Larawan sa pahina 3]

Nabubuhay nang 100 taon ang ilang loro, samantalang mga 80 taon lamang ang mga tao. Tanong ng mga mananaliksik: “Ano ang sanhi ng pagtanda?”