Kapag Namayani Na ang Pagkakaisa sa Buong Daigdig
Kapag Namayani Na ang Pagkakaisa sa Buong Daigdig
NAKAPANOOD ka na ba ng magkaparehang mananayaw ng baléy, ice skater, o sirkero habang ginagawa nila ang kanilang mga rutin? Ang bawat galaw nila ay likhang-sining, na nagtatanghal ng napakahusay na pagtutulungan at koordinasyon. Talagang kaiga-igaya nga kung ang buhay sa ngayon ay tulad nito—nagkakaisa at walang alitan at hidwaan. Sa halip, ang mga tao ay “hindi bukás sa anumang kasunduan,” gaya ng inihula sa Bibliya hinggil sa ating panahon.—2 Timoteo 3:1-5.
Gayunman, sa mahirap na kalagayang ito, milyun-milyong tapat-pusong indibiduwal ang natututong mamuhay nang magkakasama sa tunay na kapayapaan at pagkakaisa. Paano? Sa pamamagitan ng pagtanggap sa taimtim na paanyayang nakasulat sa Bibliya sa Isaias 48:17, 18. Sinasabi nito: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka, ang Isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran. O kung magbibigay-pansin ka lamang sana sa aking mga utos! Ang iyong kapayapaan nga ay magiging gaya ng ilog, at ang iyong katuwiran ay magiging gaya ng mga alon sa dagat.”
Kapag tinanggap natin ang taos-pusong paanyayang ito, sa diwa, si Jehova ay nagiging ating Tagapagpala. Ipinakikita niya sa atin kung paano ‘lumakad’ sa tunay na kapayapaan at pagkakaisa. Ang kabaligtaran nito—ang sumunod sa mga teoriya at pilosopiya ng di-sakdal na mga tao—ay Jeremias 10:23: “Ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.” Sa madaling salita, wala tayong kakayahang mamahala sa ating sarili at magtatag ng pamantayang moral na mabisa at katanggap-tanggap sa lahat. Ang Diyos lamang ang may karapatang gumawa nito.—Isaias 33:22.
kahangalan. Paulit-ulit na napatunayan ng kasaysayan ng tao ang saligang katotohanan na nakasaad saTunay na Kapayapaan at Pagkakaisa
Malapit nang pagkaisahin ng Diyos ang ating lupa. Ipinangangako niya na darating ang panahong “ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.” (Isaias 11:9) Oo, mamamayani sa wakas ang permanenteng kapayapaan.
Sa katunayan, mararanasan ng mga nabubuhay sa lupa ang isang bagong uri ng pagkakaisa, sapagkat tuturuan ng Diyos ang kaniyang tapat na mga lingkod kung paano maging mahuhusay na tagapag-alaga ng kanilang tahanang lupa. “Makikipagtipan” pa nga Siya, wika nga, sa lahat ng maninilang hayop, upang mamuhay ang mga ito na payapang nagpapasakop sa mga tao.—Oseas 2:18; Genesis 1:26-28; Isaias 11:6-8.
Hindi lamang ilusyon ang pag-asang ito. Sa katunayan, sa kaniyang Sermon sa Bundok pa lamang, dalawang beses na itong binanggit ni Jesus. Una, sinabi niya: “Maligaya ang mga mahinahong-loob, yamang mamanahin nila ang lupa.” Pagkatapos, nang ipakita niya sa kaniyang mga alagad kung paano manalangin, sinabi niya: “Ama namin . . . , mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” (Mateo 5:5; 6:9, 10) Bago mamatay, binuod ni Jesus sa iisang salita kung ano ang magiging kahulugan nito para sa mga tao—“paraiso.” (Lucas 23:43) Oo, tinitiyak ng itinigis na dugo ni Jesus ang pag-asang buhay na walang hanggan sa isang paraisong lupa!—Juan 3:16.
[Larawan sa pahina 12]
Sa darating na Paraiso ng Diyos, mararanasan ng mga nabubuhay sa lupa ang isang bagong uri ng pagkakaisa