Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Talagang May Umiiral na Maylalang”

“Talagang May Umiiral na Maylalang”

“Talagang May Umiiral na Maylalang”

Isang 13-taóng-gulang na babae sa New Mexico, E.U.A., ang sumulat: “Sa isang talakayan ng klase sa siyensiya tungkol sa ebolusyon, buong-tapang kong ipinahayag ang tungkol sa lahat ng katibayan na mayroong Maylalang. Nagdala ako ng isang kopya ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You? sa aking guro sa siyensiya at hiniling ko sa kaniya na basahin ito, na ipinaliliwanag na nakatulong ito sa akin. May-kabaitang pinasalamatan niya ako at tinanggap ang aklat.

“Pagkalipas ng mga dalawang linggo, lumapit siya sa akin at nagsabi na nabasa na niya ang aklat at na sa palagay niya, ito ang isa sa mga aklat na pinakamahusay ang pagkakasulat na kailanma’y nabasa niya.

“Di-nagtagal pagkatapos nito, isa sa mga estudyante ang nagpatiwakal, isang magandang 15-taóng-gulang na babae. Umiiyak at lungkot na lungkot ang maraming estudyante habang pumapasok sila sa klase sa siyensiya. Laking gulat ko nang talakayin ng guro sa klase ang tungkol sa kamatayan ng batang babae. Nagsimula siya sa pagsasabing: ‘Alam ba ninyo kung ano ang nakatulong sa akin na magkaroon ng kaaliwan sa kabila ng pagkamatay na ito?’ Pagkatapos, sinabi niya na ito ay dahil sa ginawa ko para sa kaniya. Sinabi niya: ‘Ibinigay niya sa akin ang maliit na aklat na ito na pinamagatang Is There a Creator Who Cares About You? Tinulungan ako nito na malaman na talagang may umiiral na Maylalang na nagmamalasakit sa atin at kahit na walang makikinig sa atin, makikinig siya!’ Ang klase ay waring huminahon at naaliw sa kaniyang mga sinabi.”

Naisip mo na ba kung may matibay ngang ebidensiya ang siyensiya na nagpapahiwatig sa pag-iral ng isang Maylalang? Kung mayroon nga, makatuwiran bang maniwala na siya’y nagmamalasakit sa atin? Inaanyayahan ka naming basahin ang kawili-wiling 192-pahinang aklat na ito.

Maaari mong punan ang kupon na ito at ihulog sa koreo sa adres na nakasaad dito o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang libreng kopya ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You?

Ilagay kung anong wika.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

[Picture Credit Line sa pahina 32]

J. Hester and P. Scowen (AZ State Univ.), NASA