“Punung-puno ng Kahulugan”
“Punung-puno ng Kahulugan”
ITO ang komento sa mga larawan sa literatura ng mga Saksi ni Jehova sa isang internasyonal na eksibit sa sining sa Kassel, Alemanya. Ikinuwento ng 16-na-taóng-gulang na si Katja kung ano ang nangyari nang pumunta silang magkakaklase sa eksibit at tumingin-tingin sa ilang relihiyosong mga gawa ng sining:
“Tinanong ng aming guide ang mga estudyante kung nasuri na ba nila ang mga magasin ng mga Saksi ni Jehova. Nang sabihin ng lahat na hindi pa, sinimulan niyang papurihan ang mga ilustrasyon sa Ang Bantayan at Gumising! Sinabi niya na napakaganda ng pagkakaguhit ng mga larawan at napakahusay ng pagpili sa mga litrato at binanggit din niya na ang mga ito ay ‘punung-puno ng kahulugan.’
“Sinabi niya sa amin na mas mabuti kung maingat naming susuriin ang kawili-wiling mga larawang ito,” anupat binanggit niya na pinadadali ng makabagong pagsasalarawan ng mga pangyayari sa Bibliya na maunawaan kung paano kumakapit ang mga ito sa ating panahon. Pagkatapos ay hinimok niya ang mga estudyante na tanggapin ang mga magasin kapag inialok ang mga ito sa kanila, anupat sinabi niya na hindi lamang nila dapat tingnan ang mga litrato kundi dapat din nilang basahin ang lubhang nakapagtuturo at kawili-wiling mga artikulo.