Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Nasa Isang Kastilyo Noong Edad Medya ang Pangalan ng Diyos

Nasa Isang Kastilyo Noong Edad Medya ang Pangalan ng Diyos

Nasa Isang Kastilyo Noong Edad Medya ang Pangalan ng Diyos

MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA SLOVAKIA

ANG Slovakia ay isang bansang maliit subalit may napakagandang tanawin sa pinakapusod ng Europa. Ang kaakit-akit na mga lalawigan ay nakakalatan ng mga kastilyo na nagsilbing mga monumento sa mahaba at mayamang kasaysayan ng rehiyon. Kabilang sa pinakanatatanging kastilyo ay ang Orava Castle, na itinayo sa taluktok ng 112-metrong dalisdis na batong-apog na mas mataas kaysa sa karatig na nayon.

Unang nabanggit sa kasaysayan ang Orava Castle noong 1267. Simula noon, marami na ang nagmay-ari nito. Noong 1556, ang kastilyo ay naging pag-aari ng mayamang pamilya ng Thurzó. Bukod sa iba pang pagpapaganda at mga pagdaragdag dito, ang pamilyang Thurzó ay nagtayo ng kapilya sa kastilyo.

Taun-taon, ang Orava Castle at mga eksibit nito ay umaakit ng sampu-sampung libong bisita mula sa maraming bansa. Sa looban, makikita ng mga bisita ang isang natatanging bagay na naingatan sa relyebe ng batong-buhangin ng eskudo de armas (coat of arms) ng pamilyang Thurzó. Ang relyebe ay nagtataglay ng pangalan ng Diyos sa Bibliya​—Jehova​—sa Latin.