“Patuloy Kang Gumawa ng Mabuti”
“Patuloy Kang Gumawa ng Mabuti”
“Ibig kong ipaalam sa inyo na ang inyong mga pagsisikap at kasipagan ay napapansin ng mga taong nagmamalasakit sa hitsura ng ating Bayan at kung ano ang tingin dito ng mga napapadaang manlalakbay. Ipinakikita ng inyong ari-arian na ipinagmamalaki ninyo ang inyong kapaligiran at ang Bayan mismo.”
Ang mga salitang ito ng papuri ay nagmula sa alkalde ng bayan ng Halton Hills, kung saan matatagpuan ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Canada. Pagkatapos nito, pinagkalooban ng alkalde ang sangay ng isang plake, na nagpapahayag ng “pagpapahalaga sa pagsisikap at matinding pagmamalasakit [nito] na itaguyod at pasulungin ang kalidad ng buhay ng lahat ng naninirahan sa Halton Hills.”
Pinatunayan ng komendasyong iyon mula sa mga awtoridad ng gobyerno ang katotohanan ng Roma 13:3, na nagsasabi: “Patuloy kang gumawa ng mabuti, at tatanggap ka ng papuri mula rito.” Subalit, angkop lamang na ang lahat ng papuri at karangalan ay mapunta sa Soberano ng sansinukob, si Jehova.