“Dapat Itong Basahin”
“Dapat Itong Basahin”
Ganiyan inilarawan ng isang mambabasa mula sa California, E.U.A., ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. “Napakahusay ng pagkakasulat nito, magaganda ang larawan, at punung-puno ng maraming espirituwal na hiyas,” ang sabi niya. Nagtapos siya sa pagsasabing: “Maraming salamat sa napakagandang aklat na ito tungkol sa ating kahanga-hangang Diyos.”
Gayundin ang naging mga komento ng iba, gaya ng: “Ngayong tapos ko na itong basahin, medyo nalulungkot ako dahil sa natapos ko na ito. Pero pinananabikan kong mabasa itong muli—ngayon naman ay para pag-aralan itong mabuti at bulay-bulayin nang higit ang mga nilalaman.”
May sumulat pa ng ganito: “Nasaling ang kaibuturan ng aking puso ng impormasyong tungkol sa pagkamahabagin ng ating Diyos at ng kaniyang pagiging handang magpatawad at dahil dito ay talagang naging malapít ako sa ating makalangit na Ama at Tagapagbigay-Buhay.”
Naniniwala kami na magiging malapít ka sa ating makalangit na Ama, si Jehova, sa pamamagitan ng pagbabasa ng aklat na ito. Hinati ito sa apat na seksiyon na pinamagatang ‘Malakas ang Kapangyarihan,’ “Maibigin sa Katarungan,” “Marunong sa Puso,” at “Ang Diyos ay Pag-ibig.” Ang tatlong panimulang mga kabanata ay umaakay sa mga seksiyong ito, na nagtutuon ng pansin sa pangunahing mga katangian ng Diyos. Ang kabanatang “Lumapit Kayo sa Diyos, at Lalapit Siya sa Inyo” ang kahuli-hulihan sa 31-kabanatang aklat na ito.
Maaari kang humiling ng aklat na ito na may 320 pahina at malambot na pabalat kung pupunan mo ang kasamang kupon at ihuhulog sa koreo sa adres na ibinigay o sa isang angkop na adres na nasa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Maging Malapít kay Jehova.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.