Maaasahang Payo Para sa mga Kabataan
Maaasahang Payo Para sa mga Kabataan
Samantalang nag-aalok ng mga magasin malapit sa isang hukuman sa California, E.U.A., si Bill, isang Saksi ni Jehova, ay nilapitan ng isang lalaki na humiling na makita ang lahat ng magasing Gumising! na dala niya. Inilahad ni Bill: “Bago nito ay binigyan ako ng mas lumang mga magasin ng ilang mamamahayag sa kongregasyon, kaya naipakita ko sa lalaki ang iba’t ibang labas ng Gumising!
“Agad na ibinukod ng lalaki ang mga magasin at isinalansan ang mga magasin na hindi pa niya nababasa. Tinanong niya kung maaari niyang makuha ang salansan ng mga magasin. Ipinakilala niya ang kaniyang sarili na isang empleado sa hukuman ng lalawigan at sinabing siya ang nangangasiwa sa pagpapayo sa mga kabataang may problema. Ipinaliwanag niya na kumukuha siya ng Gumising! upang mai-seroks niya ang mga artikulong ‘Ang mga Kabataan ay Nagtatanong.’ Saka niya isinasalansan ang mga artikulo ayon sa paksa at ipinamimigay ito sa mga kabataang pinapayuhan niya. Ganito ang sabi ng lalaki: ‘Ang mga paksang tinatalakay rito ay karaniwan nang tungkol sa mga problema ng mga kabataan sa ngayon.’ Pinapurihan niya ang mga Saksi ni Jehova sa paglalathala ng gayong kapaki-pakinabang na impormasyon upang tumulong sa mga kabataan. Sinabi pa niya na hahanapin niya ako sa darating na mga linggo upang kunin ang anumang bagong mga magasing Gumising! na maibibigay ko.”
Ang karamihan sa mga impormasyong inilathala sa seryeng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong” ay lumilitaw sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. Maaari kang humiling ng isang kopya ng 320-pahinang aklat na ito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.