Ang Pinakamahalagang Pulong sa Taóng Ito
Ang Pinakamahalagang Pulong sa Taóng Ito
Gunigunihin na mayroon kang sakit na nakamamatay. Magagamot ka sa pamamagitan ng operasyon, ngunit hindi mo kayang bayaran ang gastos para rito. Subalit ipagpalagay nang isang tagapagpala ang namagitan at nag-alok na babayaran niya ang gastos sa operasyon. Hindi mo ba pasasalamatan ang kaniyang nagliligtas-buhay na kaloob?
Itinuturo ng Bibliya na ipinamana ng unang mga tao, sina Adan at Eva, ang kasalanan at kamatayan sa lahat ng kanilang inapo. Samakatuwid, sa diwa, bawat isa sa atin ay isinilang na may terminal na sakit—at wala isa man sa atin ang may kakayahang ipagamot ito. (Awit 49:7-9) Gayunman, inilaan ng Diyos na Jehova ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, bilang pantubos upang ipambayad sa ating mga kasalanan. Dahil sa nagliligtas-buhay na kaloob na ito, nagkaroon tayo ng pagkakataong mabuhay magpakailanman sa Paraiso.—Roma 6:23.
Sa Miyerkules, Abril 16, pagkalubog ng araw, aalalahanin ng mga Saksi ni Jehova ang kamatayan ni Jesus. Nitong nakaraang taon, mahigit sa 15,000,000 ang dumalo—na karamihan sa mga ito ay hindi mga Saksi ni Jehova. Ikaw ay inaanyayahang dumalo sa Memoryal ng kamatayan ni Kristo sa taóng ito. Tunay na ito nga ang pinakamahalagang pulong sa taóng ito. Pakisuyong makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa eksaktong oras at lugar.