Ipinadpad Ito ng Hangin
Ipinadpad Ito ng Hangin
Isang lalaki ang naglalakad sa mga lansangan ng Mumbai, India, nang ipadpad ng isang malakas na hangin ang isang pulyeto sa kaniyang paanan. Ito ang Kingdom News Blg. 36, na pinamagatang “Ang Bagong Milenyo—Ano ang Laan ng Kinabukasan Para sa Iyo?” Nakatawag-pansin sa kaniya ang paksa. Karaka-raka, dinampot niya ito at binasa ang buong pulyeto. Napukaw ang kaniyang interes, at palibhasa’y nagnanais na makaalam nang higit pa, humiling siya ng isang Bibliya at ng iba pang mga publikasyon.
Ang pulyeto, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova, ay nagtataglay ng mga kaisipang nakapagpapatibay ng pananampalataya. Malinaw na ipinaliliwanag nito na ang sanhi ng mga problemang nakakaharap natin, kalakip na ang sakit, karalitaan, at digmaan, ay ang “kasakiman, kawalan ng pagtitiwala, at kaimbutan—mga ugaling hindi maaalis sa pamamagitan lamang ng makasiyentipikong pagsasaliksik, teknolohiya, o pulitika.” Ipinakikita rin ng pulyeto na sa malapit na hinaharap, aalisin ng Diyos sa lupang ito ang lahat ng kabalakyutan.
Gusto mo bang malaman ang higit pa tungkol sa mga pangako ng Bibliya sa hinaharap? Ang mga Saksi ni Jehova ay nagtuturo ng Bibliya sa mga tahanan ng milyun-milyong tao, na ginagamit ang mga publikasyong salig sa Bibliya, kasali na ang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Sinasagot ng brosyur na ito ang mga tanong na gaya ng: Sino ang Diyos? Ano ang layunin ng Diyos para sa lupa? Ano ang Kaharian ng Diyos? Paano mapasusulong ng Bibliya ang iyong buhay pampamilya?
Kung nais mong dumalaw sa iyong tahanan ang mga Saksi ni Jehova upang tulungan kang maunawaan kung ano ang gagawin ng Diyos sa malapit na hinaharap, magagalak silang gawin iyon at magbibigay sila sa iyo ng higit pang impormasyon tungkol sa Kaharian ng Diyos. Pakisuyong punan ang kupon na nasa ibaba upang makatulong sila sa iyo.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
Ilagay kung anong wika.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.