‘Ang Pinakamagaling Hinggil sa Paksa’
‘Ang Pinakamagaling Hinggil sa Paksa’
IYAN ang opinyon ng isang Lutheranong guro na taga-San Diego, California, E.U.A., matapos bigyan ng aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. Isinulat niya ang sumusunod na pasasalamat.
“Pinasasalamatan ko ang panahon at pagsisikap na ginawa mo upang maibigay sa akin ang pananaw ng Saksi hinggil sa baliw na sanlibutang ito na pinamumuhayan natin. Paulit-ulit ko nang nabasa ang paksa hinggil sa paghahanap ng tao sa Diyos. Ito ang pinakamagaling na nabasa ko hinggil sa paksa. Maaaring hindi ko pa gaanong nasusuri ang literatura namin na mga Lutherano na dapat sanang ginawa ko, subalit lumilitaw na ang literatura ng mga Saksi na buong-giliw mong inilaan sa akin ay lubhang nakahihigit sa nakita ko na sa amin. Salamat sa patuloy mong pagpapakita ng interes sa aking espirituwal na kapakanan.”
Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos ay may mga kabanata hinggil sa mitolohiya, mahika at espiritismo, Hinduismo, Budismo, Taoismo, at Confucianismo, Shinto, Judaismo, Kristiyanismo, at Islam. Naglalaan din ito ng patnubay kung paano sasambahin ang Diyos sa paraang sinasang-ayunan niya. Makahihiling ka ng isang kopya ng 384-pahinang aklat na ito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ipadadala sa direksiyong nasa kupon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.