Isang Ateista ang Nakasumpong ng mga Sagot
Isang Ateista ang Nakasumpong ng mga Sagot
“PAMBIHIRA ang mga artikulong inilathala sa inyong mga magasing Bantayan at Gumising! Talagang nakaaakit na basahin ang inyong pinakabagong isyu! Sinasagot ng mga ito ang napakaraming tanong at nagdudulot din ito ng kapayapaan ng isip.”
Ganiyan ang sinabi ng isang mambabasa mula sa timog India. Isinilang siya na isang Hindu, ngunit pinalaki siya ng kaniyang ama bilang isang ateista. Sinabi niya: “Wala akong masumpungang layunin sa buhay. Ang teoriya ni Darwin hinggil sa ebolusyon ay waring di-makatuwiran. Maraming taon akong binagabag ng mga tanong, gaya ng Sino ang Diyos? Bakit tiwali ang daigdig na ito? Saan tayo tutungo pagkatapos mamatay? Totoo ba ang mga balakyot na espiritu?”
Palibhasa’y nasumpungan ang mga sagot sa kaniyang mga tanong sa Ang Bantayan at Gumising!, ang mambabasang ito ay kumuha ng suskrisyon para sa dalawang magasin, nagpadala ng regalong mga suskrisyon sa kaniyang kapatid na babae, at ngayo’y namamahagi ng mga magasin sa mga taong nakikilala niya. Yamang siya ay isang potograpo at may kasanayan sa sining, ipinahayag niya ang pagpapahalaga sa gawang-sining sa mga magasin, na “nagsasalita sa ganang sarili.” Sa pamamagitan ng pagbabasa sa maiinam na magasing ito, mapapabilang ka sa milyun-milyon na nakasumpong ng sagot sa kanilang mga tanong at nakapagtamo ng kapayapaan ng isip.
Kung nais mo ng higit pang impormasyon tungkol sa Diyos at sa kaniyang layunin para sa atin, malulugod kaming padalhan ka ng malawakang ipinamamahaging brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? nang walang takdang halaga. Punan mo lamang ang kalakip na kupon at ipadala ito sa direksiyon na ipinakikita roon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa isang walang-bayad na pag-aaral sa Bibliya.
[Larawan pahina 32]
Pahina 32: Einstein: U.S. National Archives photo; Si Nicholas II at ang kaniyang pamilya: From the book Liberty’s Victorious Conflict; Gusali ng Liga ng mga Bansa: U.S. National Archives photo; Taong nasa buwan: NASA photo; Polusyon: Godo-Foto