‘Tinulungan Ako Nitong Suriin ang Aking Buhay’
‘Tinulungan Ako Nitong Suriin ang Aking Buhay’
IYAN ang sinabi ng isang 18-taóng-gulang na babae na nagngangalang Maria mula sa lunsod ng Cherepovets hinggil sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. Ganito ang isinulat niya sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova malapit sa St. Petersburg, Russia, mga 400 kilometro mula Cherepovets.
“Natulungan po ako ng publikasyong ito na suriin ang aking sarili, ang aking mga tunguhin, at ang mga tao sa aking paligid. Nasumpungan ko ang mga sagot sa mga tanong na labis kong ikinababahala. Habang binabasa ko po ang aklat, tumulo sa aking mga pisngi ang luha ng pasasalamat.”
Dagdag pa ni Maria: “Nadama ko po na para bang inalis ang lambong na nakatakip sa aking mga mata, na nandidilat sa pananabik. Ang aklat na ito ang pinakamaganda sa nabasa ko sa aking buong buhay. Wala nang maihahambing pa rito, yamang ito’y salig sa Bibliya at wala nang hihigit pa sa payo ng Diyos na Jehova.”
Kung nais mo ring makinabang sa impormasyong nasa Ang mga tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, makatatanggap ka ng isang kopya nito kung pupunan mo at ihuhulog ang kalakip na kupon sa direksiyong nasa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Padalhan ako ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. Isulat kung anong wika.
□ Pakisuyong makipagkita sa akin para sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.