Naisiwalat ang Dakilang Disenyador
Naisiwalat ang Dakilang Disenyador
SASANG-AYON maging ang maraming siyentipiko na ang tinatawag na aklat ng kalikasan ay tumitiyak sa makatuwirang kaisipan nang walang alinlangan na may isang Disenyador, isang Maylalang. Malaon nang panahong sumulat ang Kristiyanong apostol na si Pablo na ang “di-nakikitang mga katangian [ng Diyos] ay malinaw na nakikita mula sa paglalang sa sanlibutan patuloy, sapagkat napag-uunawa ang mga iyon sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa, maging ang kaniyang walang-hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos.” (Roma 1:20) Subalit ang aklat ng kalikasan ay hindi isang kumpletong pagsisiwalat tungkol sa Diyos at sa kaniyang kalooban. Halimbawa, hindi nito isinisiwalat ang layunin ng buhay. Mabuti na lamang, isiniwalat ng Awtor ng paglalang ang kaniyang sarili sa isa pang aklat—ang kaniyang kinasihang Salita, ang Bibliya.—2 Timoteo 3:16.
Bagaman hindi isang aklat sa siyensiya, sinasagot ng Bibliya ang lahat ng mahahalagang katanungan na hindi sinasagot ng likas na daigdig. Sinasagot nito ang isa sa unang itinatanong ng karamihan sa mga tao kapag nag-aaral ng isang napakatalinong Apocalipsis 4:11: “Ikaw ay karapat-dapat, Jehova, na amin ngang Diyos, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan, sapagkat nilalang mo ang lahat ng mga bagay, at dahil sa iyong kalooban sila ay umiral at nalalang.” Oo, ang Diyos na Jehova ang Dakilang Disenyador, at ang kaniyang pangalan ay lumilitaw ng mga 7,000 ulit sa orihinal na mga manuskrito ng Bibliya.
piraso na gawang-kamay na bagay—Sino ang gumawa nito? May kinalaman sa paglalang, pansinin ang sinasabi ng Bibliya saMga 3,500 taon bago ang ating makasiyensiyang panahon, iniugnay ng isang lalaking nagngangalang Job, na maliwanag na isang matalinong tagamasid ng kalikasan at isang taong palaisip, ang pangalan ni Jehova sa paglalang. Ganito ang sabi ni Job: “Tanungin mo, pakisuyo, ang maaamong hayop, at tuturuan ka nila; gayundin ang mga may-pakpak na nilalang sa langit, at sasabihin nila sa iyo. O ipakita mo ang iyong pagkabahala sa lupa, at tuturuan ka nito; at ipahahayag iyon sa iyo ng mga isda sa dagat.” Ano ang itinuturo nilang lahat tungkol sa paglalang? Si Job ay sumasagot sa pamamagitan ng isang tanong: “Sino sa lahat ng mga ito ang hindi nakaaalam nang lubos na ang kamay ni Jehova ang gumawa nito?”—Job 12:7-9.
Ang Layunin ni Jehova Para sa mga Tao
Isinisiwalat din ng Bibliya ang layunin ni Jehova para sa sangkatauhan. Ano ang layuning ito? Na ang matuwid na mga tao ay magtamasa ng kaloob na buhay na walang hanggan sa Paraiso—dito mismo sa lupa. “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman,” sabi ng Awit 37:29. Sa katulad na paraan, sinabi ni Jesus: “Mapapalad ang maaamo: sapagkat mamanahin nila ang lupa.”—Mateo 5:5, King James Version.
Bukod pa riyan, dahil sa isang natatanging uri ng kaalaman, ang lupa ay mananatiling isang mapayapang paraiso. Ang Isaias 11:9 ay nagsasabi: “Hindi sila mananakit o maninira man sa aking buong banal na bundok; sapagkat ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman ni Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.” Sa katunayan, “ang kaalaman ni Jehova” ang susi sa walang-katapusang buhay, kapayapaan, at kaligayahan. Pinatunayan ito ni Jesus nang sabihin niya: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang-hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging Diyos na totoo, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.”—Juan 17:3.
Sa pagtatamo ng buhay na walang hanggan, sa wakas ay matatamasa ng mga tao ang lupa gaya ng orihinal na nilayon ng Diyos. At malayo sa pagiging nakababagot, ang buhay na walang hanggan ay isang walang-katapusang pambihirang karanasan ng pagtuklas at kagalakan.
Isang Nakatutuwang Atas!
Ang Eclesiastes 3:11 ay nagsasabi: “Ang lahat ng bagay ay ginawa [ng Diyos] na maganda sa panahon nito. Maging ang panahong walang takda ay inilagay niya sa kanilang puso, upang hindi kailanman matuklasan ng mga tao ang gawa na ginawa ng tunay na Diyos mula sa pasimula hanggang sa katapusan.” Sa malapit na hinaharap, kapag ang likas na pagnanais ng tao na mabuhay hanggang sa “panahong walang takda,” o magpakailanman, ay lubusang mabigyan-kasiyahan, magagawa nating ‘matuklasan ang gawa na ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa katapusan.’ Oo, ang buong lupa ay magiging ating silid-aralan, si Jehova ang ating magiging Guro, at ang buhay ay magiging isang nakatutuwa at walang-katapusang paglalakbay ng pagtuklas.
Ilarawan ang iyong sarili sa Paraiso, sakdal sa isipan at katawan. Handa mong tanggapin ang mga atas na hindi mo man lamang naisip tanggapin ngayon—at alam mo na matatapos mo ito, ito man ay gumugol ng daan-daang taon o sanlibong taon. Marahil ay magagamit mo pa nga ang iyong sakdal na isipan upang gayahin ang ilan sa mga disenyo ni Jehova—subalit sa mga paraan na mas nakahihigit sa mga pagsisikap ng tao sa ngayon, na kadalasang nakapipinsala at nagpaparumi. Oo, tulad ni Jehova, ikaw ay uugitan ng pag-ibig sa lahat ng ginagawa mo.—Genesis 1:27; 1 Juan 4:8.
Bakit natin nalalaman na hindi lamang ito isang magandang panaginip? Dahil sa dalawang kahanga-hangang “mga aklat” ni Jehova. Oo, ang Bibliya at ang paglalang ay nagbibigay ng di-mapasisinungalingang patotoo na walang imposible sa ating Dakilang Disenyador at Maylalang. Kaya bakit hindi higit na kilalanin siya at ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ngayon? Wala nang higit pang kawili-wili, kapaki-pakinabang, at may magandang kinabukasan na pagsisikap na magagawa mo.
[Mga larawan sa pahina 10]
Isinisiwalat ng Bibliya at ng aklat ng kalikasan ang Dakilang Disenyador