Nag-iisa sa Buhay
Nag-iisa sa Buhay
“SIYA ay isinilang sa isang di-kilalang nayon, ang anak ng isang mahirap na babae. Siya ay lumaki naman sa ibang nayon, kung saan siya ay nagtrabaho sa isang karpinterya hanggang sa siya ay sumapit ng tatlumpung taon. Pagkatapos sa loob ng tatlong taon siya ay naging isang naglilibot na mangangaral.
“Hindi siya kailanman sumulat ng aklat. Hindi siya kailanman nanungkulan. Hindi siya kailanman nagpamilya o nagmay-ari ng isang bahay. Hindi siya nag-aral sa kolehiyo. Hindi siya kailanman nagtungo sa isang malaking lungsod. Hindi siya kailanman naglakbay ng dalawang daang milya mula sa dakong sinilangan niya. Wala siyang ginawang mga bagay na karaniwang iniuugnay sa kadakilaan. Wala siyang mga kredensiyal maliban sa kaniyang sarili.
“Siya ay tatlumpu’t tatlo lamang nang ang daluyong ng opinyon ng madla ay bumaling laban sa kaniya. Siya’y nilayuan ng kaniyang mga kaibigan. Siya ay ibinigay sa kaniyang mga kaaway at dumanas ng panlilibak ng paglilitis. Siya’y ipinako sa isang [tulos] sa pagitan ng dalawang magnanakaw. Habang siya’y naghihingalo, pinagsugalan ng mga pumatay sa kaniya ang kaniyang kasuutan, ang tanging pag-aari niya sa lupa. Nang siya ay mamatay, siya’y inilibing sa isang hiram na libingan sa awa ng isang kaibigan.
“Labinsiyam na dantaon ang lumipas, at ngayon siya ay nananatiling ang pinakamahalagang tao sa lahi ng sangkatauhan, at ang lider sa pag-unlad ng sangkatauhan. Lahat ng mga hukbo na nagmartsa kailanman, at lahat ng mga hukbong-dagat na naitatag kailanman, at lahat ng batasang inupuan kailanman, lahat ng mga haring namahala kailanman, kahit na pagsama-samahin pa, ay hindi nakaapekto sa buhay ng tao sa planetang ito nang gayong katindi na gaya ng isang nag-iisa sa buhay na iyon.” a—An anonymous commentary on the life of Jesus Christ.
[Talababa]
a Ang mga detalye tungkol sa nag-iisa sa buhay na iyon ay lumitaw sa aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.