Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Labas Tungkol sa Kababaihan Maraming salamat sa mga artikulong tumatalakay sa mga babaing binubugbog (Nobyembre 22, 1988), tulong para sa mga pamilya ng mga alkoholiko (Mayo 22, 1992), at paggalang sa mga babae (Hulyo 8, 1992). Ipinakita ng mga artikulong ito ang kahanga-hangang kalaliman ng pag-unawa sa katauhan ng tao. Noong gabi ng aking kasal, nagdanas ako ng nakatutulirong traumatikong mga karanasan. Ako’y nagkaroon ng mga suliranin sa kalusugan at nagpatingin sa mga doktor at mga propesyonal sa pangkaisipang kalusugan. Ang bagay na gaya nito ay mahirap maunawaan ng marami, at kung hihingi ka ng tulong sa isang tao na hindi alam kung ano ang sasabihin, nagiging lalong mahirap ito. Sa paano man, sa wakas ay nadama ko na nalutas ang malaking suliranin at na ang kasalimuutan ay naisaayos, maraming salamat sa inyong mga artikulo.

N. H., Argentina

Niagara Hindi ko napigilang mangiti habang binabasa ko ang artikulong “Niagara Falls​—Walang-Hanggang Hiyas ng Amerikas.” (Oktubre 8, 1992) Kami’y may maliliit na talon dito sa mga kagubatan, subalit ang isipin lamang ang gayong kagila-gilalas na tanawin ay nagpangyari sa akin na bulaybulayin ang pag-ibig ni Jehova sa atin at ang kaniyang pagnanais na tayo’y magkaroon ng ganap na pagpapahalaga sa kaniyang nilikha.

P. J. O., Nigeria

Paggalang sa mga Babae Sa aking pagkabata, napatimo sa akin ang pangkulturang pagtatangi na nagpangyari sa akin na mamuhi sa mga babae. Walang-wala sa isipan ko ang pag-aasawa! Subalit dahil sa serye ng mga artikulo sa paksang “Mga Babae​—Karapat-dapat sa Paggalang” (Hulyo 8, 1992), nabago ko ang aking saloobin sa mga babae. Binasa ko nang makalawang ulit ang mga artikulo, at ngayon sa palagay ko balang araw ako’y maaaring maging mabuting asawang lalaki.

N. B. M., Côte d’Ivoire

Mga Tawag sa Telepono Ako’y humanga sa inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Ano ang Masama sa Aming Pag-uusap?” (Agosto 22, 1992) Ako rin ay nakikipag-usap sa isang di-kasekso sa telepono. Ako’y lumulutang sa tuwa! Subalit nang nakaharap ko ang taong ito at naipaalam sa kaniya ang aking damdamin, nabatid kong hindi naman siya seryoso sa akin. Ako’y naging biktima ng isang alembong. Sana’y nabasa ko na noong nakaraang taon ang inyong artikulo. Marahil hindi sana nadurog nang husto ang aking puso.

L. R., Estados Unidos

Paggagalugad sa Kalawakan Ako’y nagtatrabaho sa isang Italyanong sangay ng European Space Agency. Sa higit pa sa isang pagkakataon iminungkahi ko na ilakip sa brosyur ng rebista ng pamahayagan na inihanda para sa aming mga empleado ang mga artikulong mula sa Gumising!​—subalit walang nangyayari. Gayunman, ang mga artikulo sa “Paggagalugad sa Kalawakan” (Setyembre 8, 1992) ay ginamit at halos sumakop sa buong rebista namin sa pamahayagan! Salamat sa Gumising! Nagkaroon ako ng maraming pagkakataon na ipakipag-usap ang Bibliya sa aking mga kasamahan.

P. B., Italya

Paglilibang Ako’y 20 taóng gulang at katatapos ko lamang basahin ang seryeng “Paano Apektado ng Paglilibang ang Iyong Buhay?” (Nobyembre 8, 1992) Nasumpungan kong kapuwa napapanahon at timbang ang impormasyon. Inaakala ng ilang kabataan na sila’y pinipigilan ng lahat ng pagbabawal at mga tuntunin na kailangan nating sundin bilang mga Kristiyano. Halimbawa, iniwan na ng aking kuya ang pagiging isang Kristiyano sapagkat gayon ang akala niya. Subalit minamalas ko ang mga tuntuning ito na isang proteksiyon, at nadarama kong ako’y talagang ligtas at minamahal sa pagkakaalam na si Jehova ay nagmamalasakit sa atin upang tayo’y maihiwalay mula sa sanlibutan ni Satanas.

D. C., Estados Unidos

Lubha kong pinahalagahan ang labas tungkol sa paglilibang, subalit nais ko lamang malaman kung saan ninyo kinuha ang impormasyon anupat nagawa ninyong ilarawan ang mga detalye ng mga pelikulang gaya ng Basic Instinct?

A. A., Italya

Ang mga komento ay salig sa mga ulat ng balita sa kilalang mga pahayagan at mga magasin. Hindi na kailangan pang panoorin ng mga miyembro ng aming pangkat ng pananaliksik ang di-kanais-nais na pelikulang ito.​—ED.