Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

STUDY PROJECT

Magpakita ng Lakas ng Loob Kapag Pine-pressure

Magpakita ng Lakas ng Loob Kapag Pine-pressure

Basahin ang Jeremias 38:​1-13 para malaman kung paano nagpakita ng lakas ng loob ang propetang si Jeremias at ang mataas na opisyal na si Ebed-melec.

Pag-isipan ang konteksto. Paano nagpakita si Jeremias ng lakas ng loob para sabihin sa mga tao ang hatol ni Jehova? (Jer. 27:​12-14; 28:​15-17; 37:​6-10) Ano ang naging reaksiyon nila?​—Jer. 37:​15, 16.

Pag-aralan. Ano ang gusto ng mga tao na gawin ni Jeremias? (jr 26-27 ¶20-22) Tingnan kung paano ginagamit ang mga imbakan ng tubig noong panahon ng Bibliya. (it-1 1073-1074) Ano kaya ang naramdaman ni Jeremias noong nasa maputik na imbakan ng tubig siya? Bakit kaya natakot si Ebed-melec?​—w12 5/1 31 ¶2-3.

Hanapin ang mga aral. Pag-isipan:

  • ‘Ano ang itinuturo ng ulat na ito tungkol sa proteksiyong ibinibigay ni Jehova sa mga tapat sa kaniya?’ (Awit 97:10; Jer. 39:​15-18)

  • ‘Kailan ako dapat magpakita ng lakas ng loob?’

  • ‘Ano ang mga puwede kong gawin para magkaroon ng lakas ng loob na gawin ang tama kapag pine-pressure ako ng iba?’ (w11 3/1 30) a

a Para sa iba pang impormasyon tungkol sa study project, tingnan ang “Study Tip” sa Hulyo 2023 na isyu ng Bantayan.