Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

STUDY PROJECT

Malalim na Pag-aaral​—⁠Tutulong Para Manatili Kang Alerto

Malalim na Pag-aaral​—⁠Tutulong Para Manatili Kang Alerto

Basahin ang Daniel 9:​1-19 para makita kung gaano kahalaga ang malalim na pag-aaral.

Pag-isipan ang konteksto. Ano ang mga nangyari, at paano ito nakaapekto kay Daniel? (Dan. 5:29–6:5) Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa kalagayan ni Daniel?

Pag-aralan. Anong “banal na mga aklat” ang posibleng pinag-aralan ni Daniel? (Dan. 9:​2, tlb.; w11 1/1 22 ¶1) Bakit ipinagtapat ni Daniel ang mga kasalanan niya at ng bansang Israel? (Lev. 26:​39-42; 1 Hari 8:​46-50; dp 182-184) Paano makikita sa panalangin ni Daniel na malalim siyang mag-aral ng Salita ng Diyos?​—Dan. 9:​11-13.

Hanapin ang mga aral. Tanungin ang sarili:

  • ‘Paano ko maiiwasan na sobrang maapektuhan ng mga nangyayari sa mundo?’ (Mik. 7:7)

  • ‘Paano ako makikinabang kung gagawin kong malalim ang pag-aaral ko sa Salita ng Diyos gaya ni Daniel?’ (w04 8/1 12 ¶17)

  • ‘Anong mga paksa ang puwede kong pag-aralan para manatili akong alerto?’ (Mat. 24:​42, 44; w12 8/15 5 ¶7-8)