Bakit Kailangan Nating ‘Patuloy na Magbantay’?
“Hindi ninyo alam kung anong araw darating ang inyong Panginoon.”—MAT. 24:42.
1. Ilarawan kung bakit napakahalagang maging mapagbantay sa oras at sa nangyayari sa paligid natin. (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
FIVE, four, three, two, one! Habang nakikita natin ang relo na nagka-countdown sa video screen, alam nating oras na para maupo at makinig sa panimulang musika ng sesyon ng kombensiyon. Panahon na para tahimik na pakinggan ang magandang musika ng orkestra ng Watchtower, at higit sa lahat, ihanda ang ating isip at puso para sa mga pahayag na mapapakinggan natin. Pero paano kung ang ilan ay hindi nagbibigay-pansin, palakad-lakad, o nakikipagkuwentuhan, at hindi namamalayan na nagsisimula na ang programa? Maliwanag na hindi sila naging mapagbantay sa oras at sa nangyayari sa paligid nila—nasa plataporma na ang chairman, tumutugtog na ang musika, at nakaupo na ang mga tagapakinig. Makatutulong ang senaryong ito para makita natin ang kahalagahan ng “countdown” para sa isang mas malaking pangyayari na magaganap sa malapit na hinaharap. Ano iyon?
2. Bakit sinabihan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na ‘patuloy na magbantay’?
2 Nang tukuyin ni Jesu-Kristo ang “katapusan ng sistema ng mga bagay,” hinimok niya ang kaniyang mga alagad: “Manatili Mat. 24:3; basahin ang Marcos 13:32-37.) Ipinakikita rin ng ulat ni Mateo na binabalaan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na manatiling alisto: “Patuloy kayong magbantay, kung gayon, dahil hindi ninyo alam kung anong araw darating ang inyong Panginoon. . . . Maging handa rin kayo, sapagkat sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.” Muli, sinabi niya: “Patuloy kayong magbantay, kung gayon, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”—Mat. 24:42-44; 25:13.
kayong mapagmasid, manatiling gising, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang takdang panahon.” Pagkatapos nito, paulit-ulit silang pinayuhan ni Jesus: “Patuloy kayong magbantay.” (3. Bakit tayo nagbibigay-pansin sa babala ni Jesus?
3 Bilang mga Saksi ni Jehova, sineseryoso natin ang babala ni Jesus. Alam nating nabubuhay na tayo sa huling bahagi ng “panahon ng kawakasan” at napakalapit nang magsimula ang “malaking kapighatian”! (Dan. 12:4; Mat. 24:21) Kitang-kita natin ang mga digmaan, paglala ng imoralidad at katampalasanan, kalituhan sa relihiyon, kakapusan sa pagkain, salot, at mga lindol sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Alam natin na isinasagawa ng bayan ni Jehova sa buong daigdig ang pangangaral ng Kaharian. (Mat. 24:7, 11, 12, 14; Luc. 21:11) May-pananabik nating hinihintay ang pagdating ng Panginoon at ang katuparan ng layunin ng Diyos.—Mar. 13:26, 27.
ANG “COUNTDOWN”
4. (a) Bakit natin masasabing alam na ni Jesus kung kailan magaganap ang Armagedon? (b) Bagaman hindi natin alam kung kailan magsisimula ang malaking kapighatian, sa ano tayo nakatitiyak?
4 Alam natin na may takdang oras ang pagsisimula ng bawat sesyon ng kombensiyon. Pero anuman ang gawin natin, hindi natin matutukoy ang eksaktong taon, lalo na ang araw at oras, kung kailan magsisimula ang malaking kapighatian. Noong nasa lupa si Jesus, sinabi niya: “May kinalaman sa araw at oras na iyon ay walang sinuman ang nakaaalam, kahit ang mga anghel sa mga langit kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” (Mat. 24:36) Pero dahil si Jesus ang inatasang manguna sa digmaan ng Armagedon, malamang na alam na niya kung kailan sisiklab ang digmaang ito. (Apoc. 19:11-16) Dahil hindi natin alam kung kailan iyon, napakahalagang manatili tayong mapagbantay hanggang sa maganap ang kapighatiang iyon. Itinakda na ni Jehova kung kailan eksaktong darating ang wakas. Umaandar na ang “countdown” para sa pagsisimula ng malaking kapighatian, at “hindi iyon maaantala.” (Basahin ang Habakuk 2:1-3.) Bakit natin natitiyak ito?
5. Magbigay ng halimbawa na nagpapakitang laging natutupad ang mga hula ni Jehova nang eksakto sa panahon.
5 Laging natutupad ang mga hula ni Jehova nang eksakto sa panahon! Halimbawa, isip-isipin ang araw nang palayain niya ang mga Israelita mula sa Ehipto. Tungkol sa Nisan 14, 1513 B.C.E., sinabi ni Moises: “At nangyari sa pagwawakas ng apat na raan at tatlumpung taon, nangyari nga sa mismong araw na ito na ang lahat ng hukbo ni Jehova ay lumabas mula sa lupain ng Ehipto.” (Ex. 12:40-42) Nagsimula ang “apat na raan at tatlumpung taon” na iyon nang magkabisa ang tipan ni Jehova kay Abraham noong 1943 B.C.E. (Gal. 3:17, 18) Pagkalipas ng ilang panahon, sinabi ni Jehova kay Abraham: “Tiyak na malalaman mo na ang iyong binhi ay magiging naninirahang dayuhan sa lupain na hindi kanila, at paglilingkuran nila ang mga ito, at tiyak na pipighatiin sila ng mga ito sa loob ng apat na raang taon.” (Gen. 15:13; Gawa 7:6) Maliwanag, ang “apat na raang taon” na iyon ng kapighatian ay nagsimula noong 1913 B.C.E. nang hamakin ni Ismael si Isaac nang panahong awatin ito sa suso, at nagwakas ito nang ang mga Israelita ay umalis sa Ehipto noong 1513 B.C.E. (Gen. 21:8-10; Gal. 4:22-29) Oo, apat na siglo patiuna, itinakda na ni Jehova ang eksaktong panahon ng paglaya ng kaniyang bayan!
6. Bakit tayo makatitiyak na ililigtas ni Jehova ang kaniyang bayan?
6 Si Josue ay kasama sa mga nakalaya sa Ehipto. Pinaalalahanan niya ang lahat ng Israelita: “Nalalaman ninyong lubos ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa na walang isa mang salita sa lahat ng mabubuting salita na sinalita sa inyo ni Jehova na inyong Diyos ang nabigo. Ang mga iyon ay nagkatotoong lahat para sa inyo. Walang isa mang salita sa mga iyon ang nabigo.” (Jos. 23:2, 14) Makatitiyak tayo na hindi rin mabibigo ang pangako ni Jehova na kaligtasan sa dumarating na malaking kapighatian. Pero kung gusto nating maligtas, kailangan nating patuloy na magbantay.
MAGING MAPAGBANTAY PARA MALIGTAS
7, 8. (a) Ano ang papel ng bantay noong sinaunang panahon, at anong aral ang itinuturo nito sa atin? (b) Magbigay ng halimbawa ng maaaring mangyari kapag nakatulog ang mga bantay.
7 May matututuhan tayong aral mula sa sinaunang panahon tungkol sa kahalagahan ng pananatiling mapagbantay. Noon, maraming malalaking lunsod—gaya ng Jerusalem—ang napalilibutan ng matataas na pader. Ang mga pader na ito ay proteksiyon mula sa mga sumasalakay. At mula sa matataas na lugar na ito, makikita ang lupain sa palibot ng lunsod. Araw at gabi, ang mga bantay ay nakapuwesto sa ibabaw ng mga pader at sa may pintuang-daan. Magbababala sila sa mga nakatira sa lunsod kung may paparating na panganib. (Isa. 62:6) Buhay ang sangkot dito kaya dapat na manatiling gising at atentibo ang mga bantay.—Ezek. 33:6.
8 Inilahad ng Judiong istoryador na si Josephus na noong 70 C.E., nakubkob ng mga hukbong Romano ang Tore ng Antonia na karugtong ng pader ng Jerusalem dahil nakatulog ang mga bantay. Mula roon, mabilis na napasok ng mga Romano ang templo at sinunog ito, na siyang wakas ng pinakamatinding kapighatian na naranasan ng Jerusalem at ng bansang Judio.
9. Ano ang hindi alam ng karamihan ng tao sa ngayon?
9 Sa ngayon, maraming bansa ang may “mga bantay”—mga patrol sa mga hangganan at mga makabagong surveillance system. Binabantayan nila ang sinumang papasok sa kanilang teritoryo at ang mga kalaban na maaaring maging banta sa seguridad ng bansa. Pero hindi alam ng gayong “mga bantay” na ang Diyos ay may isang makalangit na gobyerno sa ilalim ng pamamahala ni Kristo Jesus na malapit nang makipagdigma sa lahat ng gobyerno sa lupa. (Isa. 9:6, 7; 56:10; Dan. 2:44) Samantala, kung mananatili tayong alisto at mapagbantay sa espirituwal, magiging handa tayo anumang oras dumating ang araw na iyon ng paghatol.—Awit 130:6.
HUWAG MAGAMBALA SA IYONG PAGBABANTAY
10, 11. (a) Sa ano tayo dapat mag-ingat, at bakit? (b) Ano ang nakakukumbinsi sa iyo na iniimpluwensiyahan ng Diyablo ang mga tao na ipagwalang-bahala ang hula sa Bibliya?
10 Isip-isipin ang isang bantay na magdamag nang gising sa kaniyang puwesto. Pagód na siya at malamang na makatulog bago matapos ang kaniyang pagbabantay. Sa katulad na paraan, habang papalapit tayo sa wakas ng sistemang ito ng mga bagay, mas matindi ang hamon na manatiling gising. Napakasaklap nga kung hindi tayo patuloy na makapagbabantay! Tingnan natin ang tatlong dahilan na makaaapekto sa ating pagiging alisto at mapagpuyat.
11 Sinisikap ng Diyablo na patulugin ang mga tao sa espirituwal para hindi sila magbigay-pansin. Bago mamatay si Jesus, tatlong beses siyang nagbabala sa kaniyang mga Juan 12:31; 14:30; 16:11) Alam ni Jesus na gustong bulagin ng Diyablo ang pag-iisip ng mga tao para hindi sila makadama ng pagkaapurahan sa mga hula ng Diyos tungkol sa hinaharap. (Zef. 1:14) Binubulag ni Satanas ang pag-iisip ng mga tao sa pamamagitan ng pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon. Ano ang napapansin mo kapag nakikipag-usap ka sa mga tao? Hindi ba nabulag na ng Diyablo “ang mga pag-iisip ng mga di-sumasampalataya” tungkol sa dumarating na wakas ng sistemang ito ng mga bagay at sa katotohanang namamahala na si Kristo sa Kaharian ng Diyos? (2 Cor. 4:3-6) Gaano kadalas mong marinig na sinasabi nila, “Hindi ako interesado”? Karamihan ay hindi nagbibigay-pansin kapag sinasabi natin sa kanila ang magiging kahihinatnan ng daigdig.
alagad tungkol sa “tagapamahala ng sanlibutang ito.” (12. Bakit hindi tayo dapat magpalinlang sa Diyablo?
12 Huwag mong hayaang maging sagabal sa iyong pagbabantay ang kawalang-interes ng iba. Alam mong mahalaga ang magbantay. Sumulat si Pablo sa kaniyang mga kapananampalataya: “Kayo mismo ang lubusang nakaaalam na ang araw ni Jehova ay dumarating,” at idinagdag niya, “na kagayang-kagaya ng isang magnanakaw sa gabi.” (Basahin ang 1 Tesalonica 5:1-6.) Nagbabala si Jesus: “Manatiling handa, sapagkat sa oras na hindi ninyo sukat akalain ang Anak ng tao ay darating.” (Luc. 12:39, 40) Di-magtatagal, malilinlang ni Satanas ang mga tao na maniwalang magkakaroon ng “kapayapaan at katiwasayan.” Mapapaniwala niya sila na maayos na ang kalagayan ng daigdig. Kumusta naman tayo? Para hindi tayo ‘abutan ng araw na iyon’ ng paghatol na “gaya ng sa mga magnanakaw,” kailangang “manatili tayong gising at panatilihin ang ating katinuan.” Iyan ang dahilan kung bakit dapat nating basahin ang nasusulat na Salita ng Diyos araw-araw at bulay-bulayin ang sinasabi ni Jehova sa atin.
13. Paano nakaaapekto sa mga tao ang espiritu ng sanlibutan, at paano natin maiiwasan ang mapanganib na impluwensiyang iyan?
13 Inuudyukan ng espiritu ng sanlibutan ang mga tao para antukin sa espirituwal. Marami ang abalang-abala sa kanilang pang-araw-araw na mga gawain kaya hindi sila “palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.” (Mat. 5:3) Nakapokus sila sa materyal na mga pang-akit ng sanlibutan na nagtataguyod ng “pagnanasa ng laman at [ng] pagnanasa ng mga mata.” (1 Juan 2:16) Gayundin, dahil sa industriya ng paglilibang, ang mga tao ay nagiging “maibigin sa mga kaluguran,” at patindi nang patindi ang mga tukso taon-taon. (2 Tim. 3:4) Kaya naman sinabihan ni Pablo ang mga Kristiyano na “huwag magplano nang patiuna para sa mga pagnanasa ng laman,” na magpapaantok sa kanila sa espirituwal.—Roma 13:11-14.
14. Anong babala ang makikita natin sa Lucas 21:34, 35?
14 Sa tulong ng espiritu ni Jehova, nauunawaan natin ang mga mangyayari sa hinaharap kaya gusto nating ito ang makaimpluwensiya sa ating buhay at hindi ang espiritu ng sanlibutan. [1] (1 Cor. 2:12) Pero alam nating napakadali para sa isa na antukin sa espirituwal—kahit ang karaniwang mga bagay sa buhay ay maaaring makasagabal sa ating espirituwal na mga gawain. (Basahin ang Lucas 21:34, 35.) Baka tuyain tayo ng iba dahil sa ating pananatiling mapagbantay, pero hindi natin dapat maiwala ang ating pagkadama ng pagkaapurahan. (2 Ped. 3:3-7) Sa halip, regular tayong makisama sa mga kapuwa Kristiyano sa mga pagpupulong, kung saan naroroon ang espiritu ng Diyos.
15. Ano ang nangyari kina Pedro, Santiago, at Juan, at paano iyan maaaring mangyari sa atin?
15 Maaaring pahinain ng ating di-kasakdalan ang ating determinasyon na manatiling gising. Alam ni Jesus na may tendensiya ang di-sakdal na mga tao na magpadaig sa kanilang mga kahinaan. Isaalang-alang ang nangyari noong gabi bago patayin si Jesus. Para makapanatiling tapat, kinailangan niyang humingi ng lakas sa kaniyang makalangit na Ama. Sinabihan ni Jesus sina Pedro, Santiago, at Juan na ‘patuloy na magbantay’ habang siya ay nananalangin. Pero hindi nila lubos na binigyang-pansin ang kahalagahan ng babalang iyon. Sa halip na bantayan ang kanilang Panginoon, nagpadala sila sa kahinaan ng laman at nakatulog. Pagód na rin noon si Jesus, pero nanatili siyang gising at marubdob na nanalangin sa kaniyang Ama. Ganiyan din sana ang ginawa ng mga kasama niya.—Mar. 14:32-41.
16. Ayon sa Lucas 21:36, paano tayo tinuruan ni Jesus na “manatiling gising”?
16 Para “manatiling gising” sa espirituwal, hindi sapat ang basta pagnanais na hindi makatulog. Ilang araw bago ang pangyayari sa hardin ng Getsemani, sinabihan ni Jesus ang mga alagad ding iyon na magsumamo kay Jehova. (Basahin ang Lucas 21:36.) Kaya para makapanatiling mapagbantay sa espirituwal, dapat din tayong manalangin kay Jehova sa lahat ng pagkakataon.—1 Ped. 4:7.
LAGING MAGING MAPAGBANTAY
17. Paano natin matitiyak na handa tayo sa mangyayari sa malapit na hinaharap?
17 Yamang sinabi ni Jesus na darating ang wakas “sa oras na hindi [natin] iniisip,” hindi ito ang panahon para makatulog sa espirituwal, para magpadala sa mga ilusyon at pantasya na iniaalok ni Satanas at ng kaniyang sanlibutan, bagaman ninanasa ito ng ating makasalanang laman. (Mat. 24:44) Sa Bibliya, sinasabi sa atin ng Diyos at ni Kristo kung ano ang ilalaan nila sa atin sa malapit na hinaharap at kung paano tayo makapananatiling mapagbantay. Dapat nating bigyang-pansin ang ating espirituwalidad, ang ating kaugnayan kay Jehova, at ang interes ng Kaharian. Kailangan nating maging alisto sa panahon at mga pangyayari sa daigdig para mapaghandaan natin ang nakatakdang dumating. (Apoc. 22:20) Buhay natin ang nakataya!
^ [1] (parapo 14) Tingnan ang kabanata 21 ng aklat na Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!