Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

TIP SA PAG-AARAL

Mag-drawing Para Matandaan Mo

Mag-drawing Para Matandaan Mo

Nahihirapan ang marami na matandaan ang pinag-aaralan nila. Pero napansin mo ba na madaling tandaan ang mga itinuro ni Jesus? Dahil gumamit siya ng mga ilustrasyon, nai-imagine natin ang mga itinuro niya kaya mas madali natin itong natatandaan. Makakatulong din sa atin ang mga visual aid para mas matandaan natin ang mga pinag-aaralan natin. Isang halimbawa niyan ang pagdo-drawing habang nag-aaral.

Nasubukan ng ilan na kapag may bago silang natutuhan, nakakatulong ang pagdo-drawing para mas matandaan nila iyon. Hindi lang mga salita ang naaalala nila, kundi ang pinakapunto ng pinag-aaralan nila. Hindi naman nila masyadong pinapaganda ang drawing—nakakatulong na ito kahit simple lang. At lalo nang nakakatulong ang paraang ito sa mga may-edad.

Bakit hindi mo subukang i-drawing ang mga matututuhan mo sa susunod mong pag-aaral? Baka makatulong iyan sa iyo na mas matandaan ang pag-aaralan mo.