TIP SA PAG-AARAL
Mga Puwedeng Gawin sa Personal Study at Family Worship
Sinasamba natin si Jehova nang magkakasama sa mga pulong, asamblea, at kombensiyon. Pero ginagawa rin natin iyan kapag mag-isa tayo at kapag kasama ang pamilya natin. Ito ang ilan sa mga puwede nating gawin sa personal study at family worship natin:
-
Maghanda para sa mga pulong. Puwede rin ninyong praktisin ang mga kakantahin at tulungan ang buong pamilya na makapaghanda ng komento.
-
Magbasa ng isang ulat sa Bibliya. Pagkatapos, i-drawing ang nangyari sa ulat na iyon o isulat ang natutuhan mo.
-
Magbasa ng isang panalangin na nasa Bibliya, at pag-isipan kung paano mo pa mapapasulong ang mga panalangin mo.
-
Manood ng isang video na nasa jw.org. Pagkatapos, puwede ninyong pag-usapan ang mga nagustuhan ninyo sa video. Puwede mo ring isulat ang mga natutuhan mo.
-
Maghanda para sa ministeryo. Puwede rin kayong magkaroon ng practice session.
-
Obserbahan ang mga nilalang at pag-isipan o pag-usapan ang itinuturo nito tungkol kay Jehova. a
a Tingnan ang artikulong “Obserbahan ang mga Nilalang ni Jehova Para Mas Makilala Siya” sa Bantayan, isyu ng Marso 2023.