Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Matutulungan ka ba ng Bibliya na maharap ang kabalisahan?
Ano ang sagot mo?
Oo
Hindi
Siguro
Ang sabi ng Bibliya
‘Ihagis ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.’ (1 Pedro 5:7) Tinitiyak ng Bibliya na matutulungan ka ng Diyos na harapin ang kabalisahan.
Ano pa ang matututuhan natin sa Bibliya?
Sa tulong ng panalangin, magkakaroon ka ng “kapayapaan ng Diyos,” at mababawasan ang kabalisahan mo.—Filipos 4:6, 7.
Makatutulong din sa iyo ang pagbabasa ng Salita ng Diyos para makayanan ang stress.—Mateo 11:28-30.
Mawawala pa ba ang kabalisahan?
Naniniwala ang ilan . . . na bahagi na ng buhay ng tao ang kabalisahan at stress, samantalang naniniwala naman ang iba na mawawala lang ang kabalisahan sa kabilang-buhay. Ano sa palagay mo?
Ang sabi ng Bibliya
Aalisin ng Diyos ang mga dahilan ng kabalisahan. “Hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.”—Apocalipsis 21:4.
Ano pa ang matututuhan natin sa Bibliya?
Sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos, mamumuhay ang mga tao nang payapa at panatag.—Isaias 32:18.
Hindi na maaalaala ang kabalisahan at stress.—Isaias 65:17.