Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Habambuhay Kang Pagpapalain ng Isang Mapagmahal na Diyos

Habambuhay Kang Pagpapalain ng Isang Mapagmahal na Diyos
  • Gusto mo ba ng isang mundong walang digmaan, karahasan, at gulo?

  • Gusto mo bang mawala na ang sakit, pagdurusa, at kamatayan?

  • Gusto mo ba ng buhay na wala nang problema at álalahanín?

  • Gusto mo bang mabuhay sa isang lugar na walang sakuna?

Ipinangako ng ating mapagmahal na Diyos, ang Maylalang ng magandang planeta natin, na pagpapalain niya ang mga tao para mabuhay sila nang payapa at masaya magpakailanman. Hindi ito isang panaginip.

Sa susunod na mga artikulo, sasagutin natin ang mga tanong na:

  • Paano natin malalaman na mahal tayo ng ating Maylalang?

  • Ano ang mensahe ng Diyos para sa atin?

  • Ano ang sinabi ng mga propeta ng Diyos tungkol sa mga pangako niya?

  • Ano ang puwede nating gawin para maging maligaya ngayon at sa hinaharap?

Alamin muna natin ang mga ginawa ng Maylalang para ipakitang mahal niya ang mga tao.