Ang Katotohanan Tungkol sa Diyos at kay Kristo
Maraming sinasambang diyos ang mga tao, pero iisa lang ang tanging tunay na Diyos. (Juan 17:3) Siya ang “Kadaki-dakilaan,” ang Maylalang ng lahat ng bagay, at ang Bukal ng buhay. Siya lang ang karapat-dapat sambahin.—Daniel 7:18; Apocalipsis 4:11.
Sino ang Diyos?
Ano ang Pangalan ng Diyos? Sinabi mismo ng Diyos: “Ako si Jehova. Iyan ang pangalan ko.” (Isaias 42:8) Lumitaw sa Bibliya ang personal na pangalan ng Diyos nang mga 7,000 ulit. Pero sa maraming salin ng Bibliya, may kamaliang pinalitan ang pangalan ng Diyos ng mga titulo na gaya ng “Panginoon.” Gusto ng Diyos na maging kaibigan ka niya, kaya gusto niyang “tumawag [ka] sa pangalan niya.”—Awit 105:1.
Titulo ni Jehova. Ginamit ng Bibliya ang mga titulong gaya ng “Diyos,” “Makapangyarihan-sa-Lahat,” “Maylalang,” “Ama,” “Panginoon,” at “Soberano,” para tukuyin si Jehova. Makikita sa maraming panalangin sa Bibliya na magkasamang ginamit ang kaniyang titulo at personal na pangalan, Jehova.—Daniel 9:4.
Juan 4:24) Sinasabi ng Bibliya na “walang taong nakakita sa Diyos.” (Juan 1:18) Pero sinasabi nito na mayroon siyang damdamin. Puwedeng mapalungkot o mapasaya ng mga tao ang Diyos.—Kawikaan 11:20; Awit 78:40, 41.
Anyo ng Diyos. Ang Diyos ay isang di-nakikitang espiritu. (Magagandang Katangian ng Diyos. Hindi nagtatangi ang Diyos—tinatanggap niya anuman ang lahi o pinagmulan ng mga tao. (Gawa 10:34, 35) Siya rin ay “maawain at mapagmalasakit, hindi madaling magalit at sagana sa tapat na pag-ibig at katotohanan.” (Exodo 34:6, 7) Pero may apat na pangunahing katangian ang Diyos.
Kapangyarihan. Dahil siya ang “Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat,” gagamitin niya ang kaniyang walang limitasyong kapangyarihan para tuparin ang lahat ng pangako niya.—Genesis 17:1.
Karunungan. Wala nang mas marunong pa sa Diyos. Kaya sinasabi ng Bibliya na siya ang “tanging marunong.”—Roma 16:27.
Katarungan. Laging tama ang ginagawa ng Diyos. “Walang maipipintas” sa mga ginagawa niya at “hindi [siya] kailanman magiging tiwali.”—Deuteronomio 32:4.
Pag-ibig. Sinasabi ng Bibliya na ang “Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Hindi lang siya nagpapakita ng pag-ibig—siya mismo ang personipikasyon ng pag-ibig. Ang kaniyang walang-kapantay na pag-ibig ay makikita sa lahat ng ginagawa niya, at napapabuti tayo dahil dito.
Pakikipagkaibigan ng Diyos sa Tao. Ang Diyos ang ating maibiging Ama sa langit. (Mateo 6:9) Kung mananampalataya tayo sa kaniya, magiging kaibigan niya tayo. (Awit 25:14) Ang totoo, gusto ng Diyos na lumapit ka sa kaniya sa panalangin at ‘ihagis sa kaniya ang lahat ng iyong álalahanín, dahil nagmamalasakit siya sa iyo.’—1 Pedro 5:7; Santiago 4:8.
Ano ang Pagkakaiba ng Diyos at ni Kristo?
Hindi si Jesus ang Diyos. Walang katulad si Jesus. Siya lang ang tuwirang nilalang ng Diyos kaya tinatawag siya ng Bibliya na Anak ng Diyos. (Juan 1:14) Pagkatapos lalangin si Jesus, ang kaniyang panganay na Anak, ginamit siya ni Jehova bilang “dalubhasang manggagawa” para lalangin ang lahat ng bagay, kasama na tayo.—Kawikaan 8:30, 31; Colosas 1:15, 16.
Juan 7:29) Nang kausapin niya ang isa sa kaniyang mga alagad, tinawag ni Jesus si Jehova na “aking Ama at inyong Ama” at “aking Diyos at inyong Diyos.” (Juan 20:17) Pagkatapos mamatay si Jesus, binuhay siyang muli ni Jehova sa langit at binigyan ng malaking awtoridad at ginawang kaniyang kanang kamay.—Mateo 28:18; Gawa 2:32, 33.
Hindi inangkin ni Jesus na siya ang Diyos. Sa halip, ipinaliwanag niya: “Ako ang kinatawan [ng Diyos], at siya ang nagsugo sa akin.” (Matutulungan Ka ni Jesu-Kristo na Mapalapít sa Diyos
Bumaba si Jesus sa lupa para magturo tungkol sa kaniyang Ama. Sinabi mismo ni Jehova tungkol kay Jesus: “Ito ang Anak ko, ang minamahal ko. Makinig kayo sa kaniya.” (Marcos 9:7) Wala nang mas nakakakilala sa Diyos kaysa kay Jesus. Sinabi niya: “Walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustong turuan ng Anak tungkol sa Ama.”—Lucas 10:22.
Makikita kay Jesus ang mga katangian ng Diyos. Talagang natularan ni Jesus ang kaniyang Ama, kaya masasabi niya: “Ang sinumang nakakita sa akin ay nakakita rin sa Ama.” (Juan 14:9) Napalapít ang mga tao sa Diyos dahil naipakita ni Jesus ang pag-ibig ng kaniyang Ama sa salita at gawa. Sinabi niya: “Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay. Walang sinumang makalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” (Juan 14:6) Sinabi rin niya: “Sasambahin ng tunay na mga mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, dahil ang totoo, hinahanap ng Ama ang mga gustong sumamba sa kaniya sa ganitong paraan.” (Juan 4:23) Isipin mo iyan! Hinahanap ni Jehova ang mga taong tulad mo na gustong malaman ang katotohanan tungkol sa kaniya.