Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)

C3

Mga Talata sa Gawa Kung Saan Lumitaw ang Pangalan ni Jehova Kahit Hindi Mula sa Tuwiran o Di-tuwirang Pagsipi

GAWA 1:24 “Ikaw, O Jehova, ang nakababasa ng puso ng lahat”

DAHILAN: “Panginoon” (Kyʹri·os) ang mababasa sa mga natitirang manuskritong Griego sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Madalas na mababasa sa Hebreong Kasulatan na ang Diyos na Jehova ang may kakayahang bumasa ng puso. (Deuteronomio 8:2; 1 Samuel 16:7; 1 Hari 8:39; 1 Cronica 28:9; Awit 44:21; Jeremias 11:20; 17:10) Kaya sa kontekstong ito, makatuwiran lang isipin na ginamit ng mga Judiong nagsasalita ng Hebreo ang pangalan ng Diyos sa pananalangin sa kaniya. Ang salitang Griego na kar·di·o·gnoʹstes (lit., “nakakakilala sa puso”) ay dito lang lumitaw at sa Gawa 15:8, kung saan malinaw na tumutukoy ito sa Diyos. Kahit Kyʹri·os (Panginoon) ang ginamit sa mga manuskritong Griego ng Gawa na mayroon tayo sa ngayon, ang konteksto at ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, pati na ang pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong Kyʹri·os, ay nagbibigay ng makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng The Anchor Yale Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1998, (Tomo 31) tungkol sa Gawa 1:24: “Panginoon, nababasa mo ang puso ng lahat. Ang Diyos ay tinatawag ng mga Kristiyano na Kyrie [isang anyo ng Kyʹri·os], isang titulo na ginamit ni Lucas sa iba pang bahagi ng ulat niya bilang panumbas sa Yahweh ng Lumang Tipan (Lucas 1:16, 32, 68; 4:8, 12; 10:27; 19:38; 20:37, 44; Gawa 2:39; 3:22; 5:9).” May kinalaman sa ekspresyong “nababasa mo ang puso,” sinasabi pa ng reperensiyang ito na “isa itong titulo para sa Diyos na mababasa lang sa mga akdang Kristiyano.”

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 1:24 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sa Apendise 98, “Divine Names and Titles in New Testament,” ng The Companion Bible, na may mga komentaryo ni E. W. Bullinger, na inilimbag noong 1999, inilista ang Gawa 1:24 sa pahina 143 sa ilalim ng “PANGINOON . . . Tumutukoy kay Jehova.”

  • Sinasabi ng Aramaic English New Testament (Ikatlong Edisyon), ni Andrew Gabriel Roth, 2008, tungkol sa tekstong ito: “Alam mo, Panginoong YHWH, ang laman ng puso ng lahat.” Sinasabi ng talababa sa talatang ito: “Ginagamit ng unang mga alagad ang Pangalan ni YHWH sa panalangin; pero naitago ito nang palitan ng mga Griegong pangngalang pambalana ang Personal na Pangalang YHWH na ginamit niya sa pakikipagtipan. Paglabag ito sa Utos na ‘huwag daragdagan o babawasan ang Salita,’ D’varim/Deut. 4:2, at ‘huwag gagamitin ang Pangalan ni YHWH sa walang-kabuluhang paraan,’ Sh’mot [Exo] 20:7.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 17, 22, 23, 29, 30, 32, 36, 44, 65, 66, 93, 96, 100, 106, 115, 125, 132, 138, 139, 145-147, 160, 164, 201, 310, 323, 324

GAWA 2:39 “sa sinumang piliin ng Diyos nating si Jehova”

DAHILAN: Sa mga natitirang manuskritong Griego sa ngayon, Kyʹri·os (Panginoon) ang ginamit dito, pero gaya ng makikita sa konteksto (Gawa 2:33-38), “ang pangakong” tinutukoy ni Pedro sa talatang ito ay ang binabanggit sa Joel 2:28-32 na pagbubuhos ng banal na espiritu. Kaya ang pariralang “sa sinumang piliin ng Diyos nating si Jehova” ay lumilitaw na galing sa dulong bahagi ng Joel 2:32. Tatlong beses na ginamit sa tekstong Hebreo ng Joel 2:32 ang pangalan ng Diyos, at espesipiko nitong binanggit na si Jehova ang tumatawag sa sinumang piliin niya. Isa pa, ang kombinasyon ng Kyʹri·os (Panginoon) at The·osʹ (Diyos) na may kasamang personal na panghalip (isinalin ditong “Diyos nating si Jehova”) ay karaniwan sa mga pagsipi sa Hebreong Kasulatan o may kahawig na ekspresyon dito. (Ihambing ang ekspresyong “Diyos ninyong si Jehova” sa Lucas 4:8, 12; 10:27; at Gawa 3:22.) Kapansin-pansin din na walang tiyak na pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Kaya ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, ang kawalan ng tiyak na Griegong pantukoy, at ang pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong Kyʹri·os ay nagbibigay ng makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.—Tingnan ang paliwanag sa Lucas 1:16.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi sa pahina 110 ng The Interpretation of the Acts of the Apostles, ni R.C.H. Lenski, 1934, tungkol sa talatang ito: “Κύριος ὁ Θεὸς [Kyʹri·os ho The·osʹ] = Yahweh Haelohim . . . ginagamit ng Panginoon ng tipan at ng pinakamakapangyarihang Diyos ang kapangyarihan niya para sa Israel.”

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 2:39 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sa ΙΗΣΟΥΣ ΚΥΡΙΟΣ [I·e·sousʹ Kyʹri·os] Their Usage and Sense in Holy Scripture, ni Herman Heinfetter, 1857, nakalista ang Gawa 2:39 sa mga teksto kung saan “ang Kawalan ng Pantukoy bago ang Κυριος [Kyʹri·os] . . . ay nagpapakitang ang Titulo ay tumutukoy sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.”

  • Sa isang komentaryo sa Gawa 1:24 ng The Anchor Yale Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1998, (Tomo 31), isa ang Gawa 2:39 sa mga halimbawa kung saan ang titulong Kyʹri·os ay “ginamit ni Lucas sa iba pang bahagi ng ulat niya bilang panumbas sa Yahweh ng Lumang Tipan.”—Tingnan ang paliwanag sa Gawa 1:24.

  • Ginamit sa Complete Jewish Bible, ni David H. Stern, 1998, ang malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa salitang “ADONAI sa talatang ito. Sa introduksiyon ng Bibliyang ito, sinabi ng tagapagsalin: “Ang salitang ‘ADONAI ay ginagamit . . . kapag naniniwala ako bilang tagapagsalin na ang salitang Griego na ‘kurios’ ay ipinampalit sa tetragrammaton.”

  • Ang The Companion Bible, na may mga komentaryo ni E. W. Bullinger, na inilimbag noong 1999, ay gumamit ng malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa PANGINOON sa mismong teksto ng Gawa 2:39 para ipakita na tumutukoy ito kay Jehova. Sa Apendise 98, “Divine Names and Titles in New Testament,” nakalista ang Gawa 2:39 sa pahina 143, sa ilalim ng “PANGINOON . . . Tumutukoy kay Jehova.”

  • Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Gawa 2:21: “‘Si Jehova;’ gayundin sa [talata] 39.”

  • Sinasabi ng The Scofield Reference Bible, ni C. I. Scofield, 1909, sa isang marginal note sa Gawa 2:39: “Jehova. Joel 2.32.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 17, 18, 22-24, 32-35, 37, 40, 41, 43, 44, 46, 48, 52, 61, 65, 66, 88, 90, 95, 100-102, 105, 106, 114, 115, 117, 125, 138, 144-147, 154, 163-167, 172, 181, 185-187, 201, 202, 223, 236, 243, 244, 271, 273, 275, 293, 306, 310, 323, 324

GAWA 2:47 “patuloy na idinaragdag sa kanila ni Jehova ang mga inililigtas niya”

DAHILAN: “Panginoon” (ho Kyʹri·os) ang mababasa sa mga natitirang manuskritong Griego sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos. Sa Gawa kabanata 2, walong beses na lumitaw ang Kyʹri·os. Sa dalawang paglitaw nito, maliwanag na si Jesus ang tinutukoy, kaya isinalin itong “Panginoon.” (Gawa 2:34b, 36) Sa natitirang anim na paglitaw, apat ang sinipi mula sa Hebreong Kasulatan (Gawa 2:20, 21, 25, 34a), kung saan ginamit ang pangalan ng Diyos sa orihinal na tekstong Hebreo, kaya isinalin itong “Jehova.” Ang isa pang paglitaw (Gawa 2:39) ay maliwanag na galing sa Joel 2:32, kung saan ginamit ang pangalan ng Diyos nang tatlong beses. Dito naman sa Gawa 2:47, makikita sa konteksto na sa Diyos tumutukoy ang salitang Kyʹri·os. Gayundin, ang pariralang isinaling “ang mga inililigtas” ay kahawig ng huling bahagi ng Joel 2:32, na ang unang bahagi ay sinipi ni Pedro sa Gawa 2:21. Kaya dahil sa konteksto, pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong Kyʹri·os, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.—Tingnan ang paliwanag sa Gawa 2:39.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 2:47 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sa Apendise 98, “Divine Names and Titles in New Testament,” ng The Companion Bible, na may mga komentaryo ni E. W. Bullinger, na inilimbag noong 1999, inilista ang Gawa 2:47 sa pahina 143 sa ilalim ng “PANGINOON . . . Tumutukoy kay Jehova.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 31-33, 37, 41, 44, 48, 65, 94, 99-102, 115, 125, 144-147, 167, 172, 187, 201, 202, 250, 263, 265, 271, 310

GAWA 3:19 “dumating ang mga panahon ng pagpapaginhawa mula mismo kay Jehova”

DAHILAN: Ang mababasa sa natitirang mga manuskritong Griego sa ngayon ay “mula sa mukha ng Panginoon.” Pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos. Ang salitang Griego para sa “Panginoon” (Kyʹri·os) ay ginamit din sa Gawa 3:22 na sumipi mula sa Deuteronomio 18:15, kung saan lumitaw ang Tetragrammaton sa orihinal na tekstong Hebreo. (Tingnan ang study note sa Gawa 3:22.) Sinasabi ni Pedro na kung magsisi ang mga Judio na nagtakwil kay Jesus dahil sa kawalang-alam, patatawarin sila ng Diyos. Kaya makikita sa konteksto, sa Gawa 3:17-22, na ang Panginoong binabanggit sa Gawa 3:19 ay ang Diyos na Jehova. Sa Hebreong Kasulatan, ang pariralang “mukha ni Jehova” ay kombinasyon ng salitang Hebreo para sa “mukha” at ng Tetragrammaton. (Exodo 34:24, talababa; Awit 34:16, talababa) Kahit na Kyʹri·os ang mababasa sa mga talatang ito sa mga natitirang kopya ng Septuagint, may mga manuskritong nagpapatunay na mababasa sa mga unang kopya ng Septuagint ang pangalan ng Diyos. Kaya batay sa konteksto at sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, makikita na ang Kyʹri·os dito ay ipinampalit sa pangalan ng Diyos.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng The Interpretation of the Acts of the Apostles, ni R.C.H. Lenski, 1934, sa pahina 141, tungkol sa talatang ito: “Mga panahon ng pagpapaginhawa o pagpaparepresko sa presensiya ng Panginoon (si Yahweh).”

  • Sinasabi ng The Anchor Yale Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1998, (Tomo 31) sa isang komentaryo sa Gawa 3:20 tungkol sa ekspresyong mababasa sa Gawa 3:19: “Ang Kyrios ay tumutukoy kay Yahweh, ang Diyos ng Lumang Tipan, gaya sa 2:39; Lucas 1:16, 32, 68; 4:12; 10:27; 20:37.”

  • Ang The Companion Bible, na may mga komentaryo ni E. W. Bullinger, na inilimbag noong 1999, ay gumamit ng malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa PANGINOON sa mismong teksto ng Gawa 3:19 para ipakita na tumutukoy ito kay Jehova.

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J14-18, 22, 23, 28-32, 34, 35, 38, 40, 41, 43, 44, 46, 47, 52, 65, 88, 93, 95, 96, 100-102, 105, 106, 114, 115, 138, 144-147, 154, 167, 172, 186, 187, 201, 202, 250, 265, 271, 273, 275, 295, 306, 310, 323, 324

GAWA 4:29 “ngayon, Jehova, bigyang-pansin mo ang mga banta nila”

DAHILAN: “Panginoon” (Kyʹri·os) ang mababasa sa mga natitirang manuskritong Griego sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos. Halimbawa, ang pananalitang ito ay bahagi ng panalangin sa “Kataas-taasang Panginoon” (Gawa 4:24b), na salin para sa salitang Griego na de·spoʹtes, na ginamit din sa pagtawag sa Diyos sa panalangin na nakaulat sa Lucas 2:29. Sa panalangin sa Gawa 4:24b-30, tinawag si Jesus na “iyong banal na lingkod.” Ipinapakita nito na ang Kyʹri·os dito ay tumutukoy sa Diyos na Jehova, hindi kay Jesus. Sinipi ng mga alagad sa panalangin nila sa ulat na ito ang Awit 2:1, 2, kung saan ginamit ang pangalan ng Diyos. (Tingnan ang study note sa Gawa 4:26.) Gayundin, sa pakiusap nila kay Jehova na “bigyang-pansin . . . ang mga banta [ng Sanedrin],” gumamit sila ng mga terminong kahawig ng mga ginamit sa mga panalanging nakaulat sa Hebreong Kasulatan. Ang ilang halimbawa ay makikita sa 2 Hari 19:16, 19 at Isaias 37:17, 20, kung saan ginamit ang pangalan ng Diyos.—Tingnan ang paliwanag sa Gawa 1:24.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng The Expositor’s Greek Testament, ni W. Robertson Nicoll, 2002, (Tomo II, p. 68) tungkol sa Gawa 1:24: “Maliwanag na sa [Gaw 4:29], ang Κύριος [Kyʹri·os] ay ginamit sa panalangin sa Panginoong Jehova.”

  • Sinasabi ng The Anchor Yale Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1998, (Tomo 31) tungkol sa Gawa 4:29: “Ihambing ang 2 Hari 19:19. Nananalangin ang mga Kristiyano na bigyang-pansin ng Diyos ang mga banta ng Sanedrin kina Pedro at Juan, na masasabing banta na rin nila sa lahat ng Kristiyano. Nakikiusap sila sa Diyos na pansinin ang ‘mga banta’ sa kanila.” Ginamit ang pangalan ng Diyos sa tekstong Hebreo ng 2 Hari 19:19.

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 4:29 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 29-36, 40, 41, 43, 46, 61, 65, 66, 88, 93, 100-102, 114, 115, 132, 145-147, 222, 237, 250, 265, 271, 275, 283, 295, 306, 310, 323, 324

GAWA 5:9 “espiritu ni Jehova”

DAHILAN: “Espiritu ng Panginoon” (to pneuʹma Ky·riʹou) ang mababasa dito sa karamihan ng manuskritong Griego, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos. Ang ekspresyong ito ay mababasa rin sa Lucas 4:18 na sumipi mula sa Isaias 61:1, kung saan ginamit sa orihinal na tekstong Hebreo ang Tetragrammaton kasama ang salita para sa “espiritu.” (Tingnan ang study note sa Lucas 4:18.) Ang ekspresyong “espiritu ni Jehova” ay lumitaw nang maraming beses sa Hebreong Kasulatan. (Ang ilang halimbawa ay mababasa sa Hukom 3:10; 6:34; 11:29; 13:25; 14:6; 15:14; 1 Samuel 10:6; 16:13; 2 Samuel 23:2; 1 Hari 18:12; 2 Hari 2:16; 2 Cronica 20:14; Isaias 11:2; 40:13; 63:14; Ezekiel 11:5; Mikas 3:8.) Isang beses lang lumitaw sa Hebreong Kasulatan ang kombinasyon ng mga salitang Hebreo para sa “espiritu” at “Panginoon.” At sa nag-iisang pagkakataong iyon, ginamit din ang Tetragrammaton, at ang mababasa ay “espiritu ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.” (Isaias 61:1) Kapansin-pansin din na sa talatang ito (Gawa 5:9), walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os (Panginoon), na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Kaya ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan at ang kawalan ng tiyak na pantukoy bago ang Kyʹri·os ay nagpapakitang ang Kyʹri·os ay ipinalit sa pangalan ng Diyos.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng The Anchor Yale Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1998, (Tomo 31) tungkol sa Gawa 5:9: “Ang ganitong ‘panunubok’ sa Diyos ay mababasa rin sa Lumang Tipan, sa Exo 17:2; Bil 20:13, 24 (ang rebelyosong panunubok ng Israel sa Diyos sa ilang); Aw 106:32. Ginamit dito ni Lucas ang pandiwa (peirazein) na ginamit din para sa Israel sa Deu 33:8 (LXX). Ang Kyrios ay tumutukoy kay Yahweh, na ang Espiritu ay sinubok.”

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 5:9 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sinabi ni Margaret E. Thrall sa aklat niya na A Critical and Exegetical Commentary on the Second Epistle to the Corinthians tungkol sa ekspresyong ito na lumitaw rin sa 2 Corinto 3:17: “Dito lang tinukoy [ni Pablo] ang Espiritu bilang πνεῦμα κυρίου [pneuʹma ky·riʹou], at ipinapakita nito na nasa isip pa rin niya ang pagkakagamit nito sa Lumang Tipan, dahil ang πνεῦμα κυρίου ay madalas lumitaw sa LXX bilang panumbas sa ruaḥ yhwh, ang Espiritu ni Yahweh.”

  • Sa ΙΗΣΟΥΣ ΚΥΡΙΟΣ [I·e·sousʹ Kyʹri·os] Their Usage and Sense in Holy Scripture, ni Herman Heinfetter, 1857, nakalista ang Gawa 5:9 sa mga teksto kung saan “ang Kawalan ng Pantukoy bago ang Κυριος [Kyʹri·os] . . . ay nagpapakitang ang Titulo ay tumutukoy sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.”

  • Ang The Companion Bible, na may mga komentaryo ni E. W. Bullinger, na inilimbag noong 1999, ay gumamit ng malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa PANGINOON sa mismong teksto ng Gawa 5:9 para ipakita na tumutukoy ito kay Jehova. Sa Apendise 98, “Divine Names and Titles in New Testament,” nakalista ang Gawa 5:9 sa pahina 143, sa ilalim ng “PANGINOON . . . Tumutukoy kay Jehova.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-18, 22-24, 29-34, 40-43, 46, 47, 52, 61, 65, 66, 88, 93-96, 100-102, 106, 114, 115, 132, 145-147, 154, 187, 201, 222, 250, 265, 271, 273, 290, 293, 323, 324

GAWA 5:19 “anghel ni Jehova”

DAHILAN: “Anghel ng Panginoon” ang mababasa sa mga natitirang manuskritong Griego sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos. Maraming beses na ginamit sa Hebreong Kasulatan ang ekspresyong ito, at ang unang paglitaw nito ay sa Genesis 16:7. Kombinasyon ito ng salitang Hebreo para sa “anghel” at ng Tetragrammaton. Kapag ang ekspresyong ito ay lumilitaw sa unang mga kopya ng Septuagint, ang salitang Griego na agʹge·los (anghel; mensahero) ay sinusundan ng pangalan ng Diyos sa letrang Hebreo. Ganiyan ang makikita sa Zacarias 3:5, 6 sa isang kopya ng Septuagint na natagpuan sa isang kuweba sa Nahal Hever, Israel, sa Disyerto ng Judea, na mula pa noong 50 B.C.E. hanggang 50 C.E. Kapansin-pansin na sa mas bagong mga kopya ng Griegong Septuagint, nang palitan ang pangalan ng Diyos ng terminong Kyʹri·os (Panginoon) sa talatang ito at sa marami pang ibang teksto, walang tiyak na pantukoy, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Kaya dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan at sa kawalan ng tiyak na pantukoy, pangalan ng Diyos ang ginamit sa mismong teksto. Maraming salin ng Bibliya ang gumamit ng pangalan ng Diyos para sa ekspresyong “anghel ni Jehova” sa talatang ito.

REPERENSIYA:

  • Tungkol sa ekspresyong “anghel ng Panginoon,” ganito rin ang komento ni R.C.H. Lenski sa The Interpretation of St. Luke’s Gospel (p. 128-129) sa Lucas 2:9: “Κύριος [Kyʹri·os] ang terminong Griego para sa Yahweh, at bumubuo ito ng isang konsepto kapag nasa anyong possessive at idinikit sa ibang pangngalan: ‘anghel-Jehova,’ ‘kaluwalhatian-Jehova.’ . . . Anghel ni Jehova ang nagpakita sa kanila na gaya ng liwanag.”

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329), nakalista ang Gawa 5:19; 8:26; 12:7, 23 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit sa Bagong Tipan para tumukoy kay Yahweh o sa Diyos.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-18, 22-24, 28-35, 41, 43, 46, 47, 52, 61, 65, 66, 88, 93-95, 100-104, 106, 114, 115, 117, 128, 132, 138, 144-147, 154, 164, 165, 187, 201, 202, 237, 250, 265, 271, 273, 290, 310, 322-324

GAWA 7:31 “tinig ni Jehova”

DAHILAN: “Tinig ng Panginoon” (pho·neʹ Ky·riʹou) ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Ang tinutukoy dito ni Esteban (Gawa 7:30-33) ay ang ulat sa Exodo 3:2-10. Sa konteksto ng ulat na iyon, maliwanag na si Jehova ang nagsasalita sa pamamagitan ng kaniyang anghel. Sa Exodo 3:6, makikita na si Jehova ang nagsabi kay Moises ng bahaging sinipi ng Gawa 7:32. Maraming beses na ginamit sa Hebreong Kasulatan ang pariralang “tinig ni Jehova,” at kombinasyon ito ng salitang Hebreo para sa “tinig” at ng Tetragrammaton. (Ang ilang halimbawa nito ay nasa Genesis 3:8; Exodo 15:26; Deuteronomio 5:25; 8:20; 15:5; 18:16; 26:14; 27:10; 28:1, 62; Josue 5:6; 1 Samuel 12:15; 1 Hari 20:36; Awit 106:25; Isaias 30:31; Jeremias 3:25; Daniel 9:10; Zacarias 6:15.) Kapansin-pansin na nang lumitaw ang ekspresyong “tinig ni Jehova” sa Deuteronomio 26:14; 27:10; 28:1, 62 sa isang piraso ng Griegong Septuagint (Papyrus Fouad Inv. 266) na mula noong unang siglo B.C.E., nakasulat ang pangalan ng Diyos sa kuwadradong mga letrang Hebreo. Ang ekspresyong “tinig ni Jehova” ay lumitaw rin sa Awit 29:3 sa isang codex na tinatawag na Ambrosian O 39 sup., na mula noong katapusan ng ikasiyam na siglo C.E. Ang manuskritong iyon ay nasa Ambrosian Library sa Milan, Italy. Ang codex ay may limang kolum na may iba’t ibang Griegong salin ng Hebreong Kasulatan, at sa lahat ng kolum na iyon, ang pangalan ng Diyos ay tinumbasan ng Tetragrammaton na nakasulat sa kuwadradong mga letrang Hebreo (). Kapansin-pansin na dito sa Gawa 7:31, walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Kaya ang konteksto, pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, mga manuskritong nagpapakita ng sinaunang mga salin ng ekspresyong ito, at kawalan ng Griegong tiyak na pantukoy ay sumusuporta sa paggamit ng pangalan ng Diyos sa tekstong ito.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng The Anchor Yale Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1998, (Tomo 31) tungkol sa Gawa 7:31: “Lit., ‘narinig ang tinig ng Panginoon.’ Muli, ang Kyrios ay ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 7:31 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sinasabi ng Word Pictures in the New Testament, ni Archibald Thomas Robertson, 1930, (Tomo III) tungkol sa talatang ito: “Dito, ang anghel ni Jehova sa talata 30 ay sinabing si Jehova mismo.” Sa talata 30, sinasabi nito: “Sa Ex. 3:20, si Jehova ang nagsasalita.”

  • Sinasabi ng The Expositor’s Greek Testament, ni W. Robertson Nicoll, 2002, (Tomo II, p. 191) tungkol sa Gawa 7:30: “Masasabi nating si Jehova mismo ang nagsasalita sa pamamagitan ng Anghel.”

  • Sa ΙΗΣΟΥΣ ΚΥΡΙΟΣ [I·e·sousʹ Kyʹri·os] Their Usage and Sense in Holy Scripture, ni Herman Heinfetter, 1857, nakalista ang Gawa 7:31 sa mga teksto kung saan “ang Kawalan ng Pantukoy bago ang Κυριος [Kyʹri·os] . . . ay nagpapakitang ang Titulo ay tumutukoy sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.”

  • Ang The Companion Bible, na may mga komentaryo ni E. W. Bullinger, na inilimbag noong 1999, ay gumamit ng malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa PANGINOON sa mismong teksto ng Gawa 7:31 para ipakita na tumutukoy ito kay Jehova. Sa Apendise 98, “Divine Names and Titles in New Testament,” nakalista ang Gawa 7:31 sa pahina 143, sa ilalim ng “PANGINOON . . . Tumutukoy kay Jehova.”

  • Ginamit sa Complete Jewish Bible, ni David H. Stern, 1998, ang malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa salitang “ADONAI sa talatang ito. Sa introduksiyon ng Bibliyang ito, sinabi ng tagapagsalin: “Ang salitang ‘ADONAI ay ginagamit . . . kapag naniniwala ako bilang tagapagsalin na ang salitang Griego na ‘kurios’ ay ipinampalit sa tetragrammaton.”

  • Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa Gawa 7:31: “Walang pantukoy sa pangungusap na ito kaya mas madiin ang mensahe. Ang ‘Panginoon’ ay isang sagradong titulo. Ang ekspresyong ito ay katumbas ng ‘narinig ang sinabi ni Jehova.’”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J11, 12, 14-18, 22-24, 28-36, 38, 40-44, 46, 47, 52, 61, 65, 66, 80, 88-90, 93-96, 100-103, 105, 106, 114, 115, 117, 125, 130, 132, 144, 146, 152, 154, 160, 167, 172, 181, 185-187, 199, 201, 217, 222, 243, 244, 246, 250, 265, 268, 271, 273, 275-277, 283, 290, 293, 295-297, 306, 310, 323, 324

GAWA 7:33 “Sinabi ni Jehova”

DAHILAN: “Panginoon” (ho Kyʹri·os) ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego sa ngayon, pero ang pinagkunan ng pahayag ni Esteban (Gawa 7:30-34) ay sumusuporta sa paggamit ng pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Ang konteksto ng ulat na isinasalaysay ni Esteban ay nasa Exodo 3:2-10, kung saan maliwanag na si Jehova ang nagsasalita sa pamamagitan ng Kaniyang anghel. Kahit na ang kalakhang bahagi ng talatang ito ay galing sa Exodo 3:5, ang katumbas na panimulang parirala nito ay nasa Exodo 3:7 sa orihinal na tekstong Hebreo, kung saan literal na mababasa: “At sinabi ni Jehova.” Kaya ang konteksto, ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, at ang pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong Kyʹri·os ay nagbibigay ng makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa tekstong ito.

REPERENSIYA: Tingnan ang paliwanag sa Gawa 7:31.

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 7:33 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Ang The New King James Version, na unang inilimbag noong 1979, ay gumamit ng malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa “PANGINOON” sa mismong teksto ng Gawa 7:33. Sinabi sa Paunang Salita ng edisyong ito: “Ang pangalang ginamit ng Diyos sa pakikipagtipan, na nasa wikang Hebreo, ay karaniwan nang isinasaling ‘PANGINOON’ (na nasa malalaking letra, gaya ng makikita rito) sa Lumang Tipan ng King James. Ganiyan din ang ginawa sa edisyong ito. Ginagamit ang malalaking letra kapag ang pangalang iyon ay sinipi ng Bagong Tipan mula sa Lumang Tipan.”

  • Sa NLT Study Bible, (Ikalawang Edisyon), 2008, ginamit ang “PANGINOON” na nasa malaking letra at pinaliit na malalaking letra sa mismong teksto ng Gawa 7:33. Sinasabi sa “Introduction to the New Living Translation”: “Ang salitang Griego na kurios ay laging isinasaling ‘Panginoon,’ pero isinasalin itong ‘PANGINOON’ kapag malinaw na sumisipi ang Bagong Tipan mula sa Lumang Tipan.” Ipinaliwanag din sa introduksiyon ng Bibliyang ito kung bakit ito ginawa: “Karaniwan na, isinasalin naming ‘PANGINOON’ ang tetragrammaton (YHWH), gamit ang anyo na may pinaliit na malalaking letra, na karaniwan sa mga saling Ingles.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J11, 12, 14-18, 22, 23, 27-36, 38, 40-44, 46, 47, 52, 61, 65, 66, 80, 88, 93-95, 100-102, 105, 106, 114, 115, 117, 130, 132, 144, 146, 152, 154, 160, 164-167, 172, 181, 185-187, 199, 201, 217, 222, 243, 244, 246, 250, 265, 271, 273, 275-277, 283, 290, 293, 295-297, 300, 306, 323, 324

GAWA 7:60 “Jehova, huwag mong singilin sa kanila ang kasalanang ito”

DAHILAN: Sa mga natitirang manuskritong Griego, “Panginoon” (Kyʹri·os) ang ginamit dito, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Dito, inulit lang ni Esteban ang sinabi ni Jesus sa kaniyang Ama na nasa Lucas 23:34: “Ama, patawarin mo sila, dahil hindi nila alam ang ginagawa nila.” Nang iulat ni Lucas sa Gawa 7:2-53 ang sinabi ni Esteban, tatlong beses niyang ginamit ang terminong Kyʹri·os—lahat ay mula sa Hebreong Kasulatan at maliwanag na tumutukoy sa Diyos. (Tingnan ang paliwanag sa Gawa 7:31, 33 at study note sa Gawa 7:49.) Maraming komentarista at tagapagsalin ang naniniwala na sa mga kontekstong ito, ang Kyʹri·os ay tumutukoy kay Jehova. Lumitaw rin ang terminong Kyʹri·os sa Gawa 7:59, kung saan maliwanag na ang tinatawag ni Esteban ay ang “Panginoong Jesus.” Gayunman, hindi ibig sabihin nito na kay Jesus din tumutukoy ang Kyʹri·os sa Gawa 7:60, gaya ng sinasabi ng ilan. Ang mga sinabi ni Esteban sa talata 59 at talata 60 ay hindi magkarugtong. Nakatayo noong una si Esteban, kaya noong lumuhod siya sa harap ng mga kaaway niya, malamang na ginawa niya ito para manalangin kay Jehova. (Ihambing ang Lucas 22:41; Gawa 9:40; 20:36; 21:5, kung saan ang pagluhod ay iniuugnay sa pananalangin sa Diyos.) Kaya lumilitaw na ang huling mga sinabi ni Esteban ay panalangin sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat, si Jehova. Bukod diyan, sinasabi sa Gawa 7:56 na nakita ni Esteban na “bukás ang langit at nakatayo sa kanan ng Diyos ang Anak ng tao,” kaya makatuwirang isipin na kausap niya si Jesus sa talata 59 at si Jehova naman sa talata 60. Maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit ng Tetragrammaton sa talata 60, pero hindi ito ginamit sa talata 59 para ipanumbas sa ekspresyong “Panginoong Jesus.”

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng The Expositor’s Greek Testament, ni W. Robertson Nicoll, 2002, (Tomo II, p. 204) tungkol sa pahayag ni Esteban: “Nagsimula si Esteban sa paghahayag ng kadakilaan ni Jehova.”

  • May kinalaman sa paggamit ng terminong Griego na Kyʹri·os (Panginoon) sa Gaw 7:59, 60, sinabi ng isang reperensiyang German tungkol sa aklat ng Gawa, ang Kommentar und Studien zur Apostelgeschichte (Wissenschaftliche Untersuchungen zum Neuen Testament, 22), ni Otto Bauernfeind, 1980, (p. 120): “Sa talata 59, si Jesus ang κύριος; sa talata 60, posibleng ang Diyos.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J17, 18, 22, 23, 41, 46, 95, 96, 100, 101, 132, 145, 147, 310, 323, 324

GAWA 8:22 “magsumamo ka kay Jehova”

DAHILAN: Sa maraming manuskritong Griego, ang mababasa dito ay “Panginoon” (tou Ky·riʹou); “Diyos” naman sa iba. Pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Dito, ipinapakita ng konteksto na sa Diyos dapat magsumamo si Simon. Gustong bilhin ni Simon ang “walang-bayad na regalo ng Diyos.” (Gawa 8:20) At sinabi ni Pedro na “hindi tapat ang puso [ni Simon] sa paningin ng Diyos.” (Gawa 8:21) Gayundin, ang pandiwang Griego para sa “magsumamo” ay ginagamit ng Septuagint sa mga ulat na may kaugnayan sa mga panalangin, kahilingan, at pakiusap kay Jehova. At sa mga talatang iyon, pangalan ng Diyos ang madalas gamitin sa mga tekstong Hebreo. (Genesis 25:21; Exodo 32:11; Bilang 21:7; Deuteronomio 3:23; 1 Hari 8:59; 13:6) “Diyos” ang ginamit dito sa ilang sinaunang salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan at Tetragrammaton naman sa ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Kaya sa konteksto at sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, makikita na ang “Panginoon” (tou Ky·riʹou) sa talatang ito ay tumutukoy sa Diyos at ipinampalit lang sa pangalan niya.—Tingnan ang paliwanag sa Gawa 8:24.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 8:22 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J18, 22, 23, 36, 43, 46, 48, 65, 94, 95, 100, 101, 125, 132, 146, 275, 306, 323, 324

GAWA 8:24 “Magsumamo kayo kay Jehova para sa akin”

DAHILAN: Sa maraming manuskritong Griego, ang mababasa dito ay “Panginoon” (ton Kyʹri·on); “Diyos” naman sa iba. Pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo; dito, makikita sa konteksto na ang “Panginoon” ay tumutukoy sa Diyos. (Tingnan ang paliwanag sa Gawa 8:22.) “Diyos” ang ginamit dito sa ilang sinaunang salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan at Tetragrammaton naman sa ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Kaya sa konteksto at sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, makikita na ang “Panginoon” (ton Kyʹri·on) sa talatang ito ay tumutukoy sa Diyos at ipinampalit lang sa pangalan niya.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 8:24 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sinasabi ng ΙΗΣΟΥΣ ΚΥΡΙΟΣ [I·e·sousʹ Kyʹri·os] Their Usage and Sense in Holy Scripture, ni Herman Heinfetter, 1857, tungkol sa Gawa 8:24: “Kung pagbabatayan ang konteksto, hindi natin puwedeng sabihin na naisip ni Simon na nagkasala siya kay Jesus; o na dapat siyang manalangin kay Jesus (tingnan ang tal. 22) para mapatawad siya dahil sa hangarin ng puso niya.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-18, 22, 23, 36, 43, 46, 65, 94, 95, 100, 101, 132, 201, 237, 250, 310, 323, 324

GAWA 8:25 “salita ni Jehova”

DAHILAN: “Salita ng Panginoon” (ton loʹgon tou Ky·riʹou) ang mababasa dito sa maraming manuskritong Griego; sa ilang manuskrito naman, “salita ng Diyos.” Pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Mababasa rin sa aklat ng Gawa ang kaparehong ekspresyon na “salita ng Diyos,” na sumusuporta sa konklusyong ang Kyʹri·os sa Gawa 8:25 ay tumutukoy sa Diyos. (Gawa 4:31; 6:2, 7; 8:14; 11:1; 13:5, 7, 46; 17:13; 18:11) Parehong ginagamit sa Hebreong Kasulatan ang dalawang ekspresyong ito. Pero ang ekspresyong “salita ni Jehova,” na kombinasyon ng terminong Hebreo para sa “salita” at ng Tetragrammaton, ay lumitaw nang di-hamak na mas maraming beses kaysa sa ekspresyong “salita ng Diyos.” (Ang pariralang “salita ni Jehova” ay lumitaw sa mga 200 talata. Ang ilang halimbawa ay 2 Samuel 12:9; 2 Hari 24:2; Isaias 1:10; 2:3; 28:14; Jeremias 1:4; 2:4; Ezekiel 1:3; 6:1; Oseas 1:1.) Sa lumang kopya ng Septuagint, makikita sa Zacarias 9:1 ang salitang Griego na loʹgos na sinusundan ng pangalan ng Diyos sa sinaunang letrang Hebreo (). Ang pergaminong balumbon na ito, na natagpuan sa Nahal Hever, Israel, sa Disyerto ng Judea malapit sa Dagat na Patay, ay mula pa noong 50 B.C.E. hanggang 50 C.E. Gayundin, maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit ng Tetragrammaton dito. Dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, natagpuang manuskrito na binanggit sa itaas, pagkakagamit ng terminong Kyʹri·os, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong ito, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329), nakalista ang Gawa 8:25 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit sa Bagong Tipan para tumukoy kay Yahweh o sa Diyos.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 17, 18, 32, 41, 43, 46, 61, 65, 66, 95, 100, 101, 106, 114, 115, 132, 145-147, 167, 187, 201, 271, 310, 323, 324

GAWA 8:26 “anghel ni Jehova”

DAHILAN: Maraming beses na ginamit sa Hebreong Kasulatan ang ekspresyong ito, at ang unang paglitaw nito ay sa Genesis 16:7. Kapag lumilitaw ito sa mga lumang kopya ng Septuagint, ang salitang Griego na agʹge·los (anghel; mensahero) ay sinusundan ng pangalan ng Diyos sa letrang Hebreo. Kapansin-pansin na sa mas bagong mga kopya ng Griegong Septuagint, nang palitan ang pangalan ng Diyos ng terminong Kyʹri·os (Panginoon) sa talatang ito at sa maraming iba pang teksto, madalas na walang tiyak na pantukoy, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Kaya ang kawalan ng tiyak na pantukoy dito at sa iba pang teksto ay posibleng nagpapatunay na ang Kyʹri·os ay ipinampalit lang sa pangalan ng Diyos.

REPERENSIYA: Tingnan ang paliwanag sa Mateo 1:20; Lucas 1:11; at Gawa 5:19; 12:11.

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-18, 22-24, 28-36, 40-43, 46, 47, 61, 65, 66, 88, 90, 93, 95, 100-103, 106, 114, 115, 117, 125, 128, 132, 144-147, 187, 201, 250, 263, 265, 271, 273, 290, 310, 322-324

GAWA 8:39 “espiritu ni Jehova”

DAHILAN: “Espiritu ng Panginoon” (pneuʹma Ky·riʹou) ang mababasa dito sa karamihan ng manuskritong Griego, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos. Ang ekspresyong ito ay mababasa rin sa Lucas 4:18 na sumipi mula sa Isaias 61:1, kung saan ginamit sa orihinal na tekstong Hebreo ang Tetragrammaton kasama ang salita para sa “espiritu.” (Tingnan ang study note sa Lucas 4:18.) Ang ekspresyong “espiritu ni Jehova” ay lumitaw nang maraming beses sa Hebreong Kasulatan. (Ang ilang halimbawa ay mababasa sa Hukom 3:10; 6:34; 11:29; 13:25; 14:6; 15:14; 1 Samuel 10:6; 16:13; 2 Samuel 23:2; 1 Hari 18:12; 2 Hari 2:16; 2 Cronica 20:14; Isaias 11:2; 40:13; 63:14; Ezekiel 11:5; Mikas 3:8.) Isang beses lang lumitaw sa Hebreong Kasulatan ang kombinasyon ng mga salitang Hebreo para sa “espiritu” at “Panginoon.” At sa nag-iisang pagkakataong iyon, ginamit din ang Tetragrammaton, at ang mababasa ay “espiritu ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.” (Isaias 61:1) Kapansin-pansin din na sa talatang ito (Gawa 8:39), walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Kaya ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan at ang kawalan ng tiyak na pantukoy bago ang Kyʹri·os ay nagpapakitang ang Kyʹri·os ay ipinalit sa pangalan ng Diyos.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 8:39 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sa ΙΗΣΟΥΣ ΚΥΡΙΟΣ [I·e·sousʹ Kyʹri·os] Their Usage and Sense in Holy Scripture, ni Herman Heinfetter, 1857, nakalista ang Gawa 8:39 sa mga teksto kung saan “ang Kawalan ng Pantukoy bago ang Κυριος [Kyʹri·os] . . . ay nagpapakitang ang Titulo ay tumutukoy sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.”

  • Sinasabi ng The Scofield Reference Bible, ni C. I. Scofield, 1909, sa isang marginal note sa Gawa 8:39: “Jehova.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J15-18, 22-24, 28-34, 36, 40-42, 46, 47, 52, 61, 65, 66, 88, 93-96, 100-102, 106, 114, 115, 125, 128, 132, 145-147, 187, 201, 202, 222, 236, 237, 243, 250, 263, 265, 271, 273, 322-324

GAWA 9:31 “takot kay Jehova”

DAHILAN: “Takot sa Panginoon” (toi phoʹboi tou Ky·riʹou) ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang terminong Kyʹri·os (Panginoon) ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo. Pero ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan ay nagbibigay ng makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Ang ekspresyong “takot kay Jehova” ay lumitaw nang maraming beses sa Hebreong Kasulatan. Kombinasyon ito ng salitang Hebreo para sa “takot” at ng Tetragrammaton. (Ang ilang halimbawa ay mababasa sa 2 Cronica 19:7, 9; Awit 19:9; 111:10; Kawikaan 2:5; 8:13; 9:10; 10:27; 19:23; Isaias 11:2, 3.) Pero ang ekspresyong “takot sa Panginoon” ay hindi kailanman lumitaw sa Hebreong Kasulatan. Sa lumang mga kopya ng Septuagint, sinundan ang pananalita ng tekstong Hebreo at ginamit ang pangalan ng Diyos, pero sa mas bagong mga kopya, madalas itong palitan ng Kyʹri·os. Ipinapakita nito na ang Kyʹri·os ay naging pamalit sa pangalan ng Diyos. Marami ring Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit ng pangalan ng Diyos sa talatang ito.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng The Anchor Yale Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1998, (Tomo 31) tungkol sa Gawa 9:31: “Dito unang nabanggit ang isa pang pagkakakilanlan ng kongregasyong Kristiyano: ang ‘takot sa Panginoon’ na galing sa Lumang Tipan (Kaw 1:7, 29; 2:5; 9:10; 19:23; Aw 19:9).” Sa orihinal na tekstong Hebreo, lumitaw ang pangalan ng Diyos sa lahat ng tekstong nabanggit.

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15, 16, 18, 22, 32, 40-43, 65, 66, 96, 100, 101, 106, 114, 115, 132, 144-147, 172, 187, 271, 293, 306, 310, 322-324

GAWA 10:33 “iniutos ni Jehova na sabihin”

DAHILAN: “Panginoon” (tou Ky·riʹou) ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Makikita sa konteksto na ang Kyʹri·os dito ay tumutukoy sa Diyos. Sa Gawa 10:31, sinabi ni Pedro na ang mga ginawa ni Cornelio ay ‘hindi nakakalimutan ng Diyos.’ Sinabi pa niya: “Ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat ituring na marumi ang sinuman.” (Gawa 10:28) Sinabi ni Cornelio: “Nagkakatipon kaming lahat sa harap ng Diyos.” (Gawa 10:33) May ilan ding manuskritong Griego na gumamit ng salitang Griego na The·osʹ (“Diyos”) sa talatang ito, kaya karagdagang patunay ito na ang Kyʹri·os dito ay tumutukoy sa Diyos. Isa pa, may ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na gumamit ng Tetragrammaton sa talatang ito. Kaya dahil sa konteksto at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng Kyʹri·os, ginamit ang pangalan ng Diyos.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng The Anchor Yale Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1998, (Tomo 31) tungkol sa Gawa 10:33: “Ang Kyrios ay puwedeng tumukoy sa binuhay-muling si Kristo, pero para kay Cornelio na hindi pa nakakarinig ng turo ng mga Kristiyano, mas makatuwirang isipin na si Yahweh ang tinutukoy niya; tingnan ang NOTES sa 2:20, 36.” Sinasabi ng note sa Gawa 2:20: “Ang Kyrios ay tumutukoy kay Yahweh, gaya ng sa LXX.”

  • Sinasabi ng The Interpretation of the Acts of the Apostles, ni R.C.H. Lenski, 1934, sa pahina 417, tungkol sa talatang ito: “Ang mga nagkakatipon noon ay handang sumunod sa iuutos ng Panginoon (tumutukoy rito sa Diyos) na ibibigay niya sa pamamagitan ni Pedro.”

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 10:33 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J17, 18, 23, 33, 40, 43, 48, 65, 94, 95, 100, 101, 125, 132, 145-147, 163, 167, 275, 323, 324

GAWA 11:21 “kamay ni Jehova”

DAHILAN: Ang pariralang “kamay ni Jehova” ay madalas lumitaw sa Hebreong Kasulatan. Kombinasyon ito ng salitang Hebreo para sa “kamay” at ng Tetragrammaton. (Ang ilang halimbawa ay makikita sa Exodo 9:3, talababa; Bilang 11:23; Hukom 2:15; Ruth 1:13; 1 Samuel 5:6; 7:13; Job 12:9; Isaias 19:16; 40:2; Ezekiel 1:3, talababa.) Sa mga manuskritong Griego ng Gawa na makukuha sa ngayon, Kyʹri·os (Panginoon) ang nasa talatang ito, pero dahil sa pagkakagamit ng terminong ito sa Hebreong Kasulatan, makatuwiran lang na gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. May kinalaman sa Gawa 11:21, napansin ng mga iskolar na walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Mahalagang obserbasyon iyan, dahil kahit pinalitan ng Kyʹri·os sa mas bagong mga kopya ng Septuagint ang pangalan ng Diyos, na mababasa sa mga lumang kopya nito, madalas na wala pa ring tiyak na pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. (Ganiyan ang ginawa sa mga talata sa itaas.) Ang kawalan ng tiyak na pantukoy ay isa pang patunay na ang Kyʹri·os ay ipinampalit sa pangalan ng Diyos. Ang ekspresyong Griego na isinaling “kamay ni Jehova” ay mababasa rin sa Lucas 1:66 at Gawa 13:11.—Tingnan ang paliwanag sa Lucas 1:6, 66.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng The Interpretation of the Acts of the Apostles, ni R.C.H. Lenski, 1934, sa pahina 451, tungkol sa talatang ito: “Dahil ito sa ‘kamay ng Panginoon,’ ang Κύριος [Kyʹri·os] na walang pantukoy, na tumutukoy kay Yahweh. Ipinakita ni Lucas na iba ito sa Κύριος na may pantukoy, na lumitaw bago at pagkatapos nito.”

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329), nakalista ang Gawa 11:21 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit sa Bagong Tipan para tumukoy kay Yahweh o sa Diyos.”

  • Sinasabi ng A Translator’s Handbook on the Acts of the Apostles, nina Barclay M. Newman at Eugene A. Nida, 1972, United Bible Societies, tungkol sa Gawa 11:21: “Ang kapangyarihan ng Panginoon ay salin ng pariralang ‘kamay ng Panginoon’ na mula sa Lumang Tipan at posibleng tumutukoy sa Diyos na Ama imbes na kay Jesus. Pero sa pariralang sumunod sa Panginoon, ang Panginoong Jesus ang tinutukoy.”

  • Sa ΙΗΣΟΥΣ ΚΥΡΙΟΣ [I·e·sousʹ Kyʹri·os] Their Usage and Sense in Holy Scripture, ni Herman Heinfetter, 1857, nakalista ang Gawa 11:21 sa mga teksto kung saan “ang Kawalan ng Pantukoy bago ang Κυριος [Kyʹri·os] . . . ay nagpapakitang ang Titulo ay tumutukoy sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-18, 22, 23, 28, 29, 32, 34, 41, 47, 65, 93, 95, 96, 100-102, 106, 115, 132, 146, 187, 201, 310, 322-324

GAWA 12:7 “anghel ni Jehova”

DAHILAN: “Anghel ng Panginoon” (agʹge·los Ky·riʹou) ang mababasa sa mga natitirang manuskritong Griego sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos. Maraming beses na ginamit sa Hebreong Kasulatan ang ekspresyong “anghel ni Jehova,” at ang unang paglitaw nito ay sa Genesis 16:7. Kombinasyon ito ng salitang Hebreo para sa “anghel” at ng Tetragrammaton. Kapag ang ekspresyong ito ay lumilitaw sa unang mga kopya ng Septuagint, ang salitang Griego na agʹge·los (anghel; mensahero) ay sinusundan ng pangalan ng Diyos sa letrang Hebreo. Ganiyan ang makikita sa Zacarias 3:5, 6 sa isang kopya ng Septuagint na natagpuan sa isang kuweba sa Nahal Hever, Israel, sa Disyerto ng Judea, na mula pa noong 50 B.C.E. hanggang 50 C.E. Kapansin-pansin na sa mas bagong mga kopya ng Griegong Septuagint, nang palitan ang pangalan ng Diyos ng terminong Kyʹri·os sa talatang ito at sa marami pang ibang teksto, walang tiyak na pantukoy, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Gayundin, maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng Tetragrammaton. Kaya dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan at sa kawalan ng tiyak na pantukoy, pangalan ng Diyos ang ginamit sa mismong teksto. Gaya ng makikita sa ibaba, maraming iba pang salin ng Bibliya ang gumamit din ng pangalan ng Diyos sa talatang ito.

REPERENSIYA: Tingnan ang paliwanag sa Mateo 1:20; Lucas 1:11; at Gawa 5:19; 12:11.

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-18, 22-24, 28-34, 36, 41-43, 47, 61, 65, 66, 88, 90, 93, 95, 100-102, 104, 106, 114, 115, 117, 125, 128, 132, 139, 144-147, 185, 187, 201, 202, 250, 265, 271, 273, 290, 306, 310, 322-324

GAWA 12:11 “isinugo ni Jehova ang anghel niya”

DAHILAN: Kyʹri·os (Panginoon) ang ginamit sa karamihan ng manuskritong Griego, pero maraming makatuwirang dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Una, gaya ng binanggit sa paliwanag sa Gawa 12:7, ang terminong Kyʹri·os sa talatang iyon ay makatuwirang isipin na ipinampalit lang sa pangalan ng Diyos. Kaya ang Kyʹri·os sa talatang ito, na nasa konteksto ng Gawa 12:7 at tumutukoy sa iisang pangyayari, ay makatuwirang isipin na katumbas ng personal na pangalan ng Diyos. Ikalawa, ang pariralang ‘isinugo ang anghel niya’ ay nagpapaalala ng ganito ring mga pagliligtas na binanggit sa Hebreong Kasulatan. Halimbawa, sa Daniel 3:28; 6:22, sinabing ‘isinugo ng Diyos ang anghel niya’ para iligtas si Daniel at ang mga kasama nito. (Ihambing ang Awit 34:7.) Ikatlo, sa mga sinaunang maaasahang manuskritong Griego, walang tiyak na pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Karagdagang patunay ito na ang Kyʹri·os sa talatang ito ay ipinampalit lang sa pangalan ng Diyos. Isa pa, maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng pangalan ng Diyos. Dahil sa konteksto, sa pagkakagamit ng terminong ito sa Hebreong Kasulatan, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong Kyʹri·os, ginamit dito ang pangalan ng Diyos.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng The Interpretation of the Acts of the Apostles, ni R.C.H. Lenski, 1934, sa pahina 475, tungkol sa talatang ito: “Ang Κύριος [Kyʹri·os] (si Yahweh) talaga ang nagpadala sa anghel niya.”

  • Sinasabi ng The Expositor’s Greek Testament, ni W. Robertson Nicoll, 2002, (Tomo II, p. 275) tungkol sa Gawa 12:11: “Ang Κύριος [Kyʹri·os], tingnan ang mga komentaryo, kung walang pantukoy, . . . tumutukoy sa Diyos, si Jehova.”

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 12:11 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sa ΙΗΣΟΥΣ ΚΥΡΙΟΣ [I·e·sousʹ Kyʹri·os] Their Usage and Sense in Holy Scripture, ni Herman Heinfetter, 1857, nakalista ang Gawa 12:11 sa mga teksto kung saan “ang Kawalan ng Pantukoy bago ang Κυριος [Kyʹri·os] . . . ay nagpapakitang ang Titulo ay tumutukoy sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15, 16, 18, 23, 28-34, 36, 41, 42, 47, 61, 65, 66, 88, 93, 95, 96, 100-102, 106, 115, 132, 139, 144-147, 187, 201, 202, 250, 265, 271, 306, 310, 323, 324

GAWA 12:17 “inilabas ni Jehova sa bilangguan”

DAHILAN: “Panginoon” (ho Kyʹri·os) ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Gaya ng binanggit sa paliwanag sa Gawa 12:7, ang terminong Kyʹri·os sa talatang iyon ay makatuwirang isipin na ipinampalit lang sa pangalan ng Diyos. Kaya ang Kyʹri·os sa talatang ito, na nasa konteksto ng Gawa 12:7 at tumutukoy sa iisang pangyayari, ay makatuwirang isipin na katumbas ng personal na pangalan ng Diyos. Sa ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, ginamit dito ang pangalan ng Diyos. Dahil sa konteksto, sa pinagmulan ng ekspresyong ito, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong Kyʹri·os, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 12:17 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 28-32, 41, 65, 93, 100-102, 106, 115, 132, 144-147, 187, 201, 310

GAWA 12:23 “anghel ni Jehova”

DAHILAN: Maraming beses na ginamit sa Hebreong Kasulatan ang ekspresyong ito, at ang unang paglitaw nito ay sa Genesis 16:7. Kapag lumilitaw ito sa mga lumang kopya ng Septuagint, ang salitang Griego na agʹge·los (anghel; mensahero) ay sinusundan ng pangalan ng Diyos sa letrang Hebreo. Kapansin-pansin na sa mas bagong mga kopya ng Griegong Septuagint, nang palitan ang pangalan ng Diyos ng terminong Kyʹri·os (Panginoon) sa talatang ito at sa maraming iba pang teksto, madalas na walang tiyak na Griegong pantukoy, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Kaya ang kawalan ng tiyak na pantukoy dito at sa iba pang teksto ay posibleng nagpapatunay na ang Kyʹri·os ay ipinampalit lang sa pangalan ng Diyos.

REPERENSIYA: Tingnan ang paliwanag sa Mateo 1:20 at Lucas 1:11.

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-18, 22-24, 28-36, 41-43, 47, 48, 65, 66, 88, 90, 93, 95, 96, 100-102, 104, 106, 114, 115, 117, 125, 128, 132, 138, 144-147, 163, 167, 187, 201, 250, 265, 271, 273, 275, 293, 310, 322-324

GAWA 12:24 “salita ni Jehova”

DAHILAN: “Salita ng Panginoon” ang mababasa dito sa ilang sinaunang manuskrito at salin at “salita ng Diyos” naman sa iba. Pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Ang dalawang ekspresyong ito ay parehong ginagamit sa Hebreong Kasulatan, kung saan ang ekspresyong “salita ni Jehova,” na kombinasyon ng terminong Hebreo para sa “salita” at ng Tetragrammaton, ay lumitaw nang di-hamak na mas maraming beses kaysa sa ekspresyong “salita ng Diyos.” Ang pariralang “salita ni Jehova” ay lumitaw sa mga 200 talata. (Ang ilang halimbawa ay 2 Samuel 12:9; 2 Hari 24:2; Isaias 1:10; 2:3; 28:14; Jeremias 1:4; 2:4; Ezekiel 1:3; 6:1; Oseas 1:1.) Sa lumang kopya ng Septuagint, makikita sa Zacarias 9:1 ang salitang Griego na loʹgos na sinusundan ng pangalan ng Diyos sa sinaunang letrang Hebreo (). Ang pergaminong balumbon na ito, na natagpuan sa Nahal Hever, Israel, sa Disyerto ng Judea malapit sa Dagat na Patay, ay mula pa noong 50 B.C.E. hanggang 50 C.E. Gayundin, maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit ng Tetragrammaton dito. Dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, natagpuang manuskrito na binanggit sa itaas, pagkakagamit ng terminong Kyʹri·os, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong ito, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329), nakalista ang Gawa 12:24 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit sa Bagong Tipan para tumukoy kay Yahweh o sa Diyos.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 23, 32, 33, 37, 48, 65, 94, 100, 101, 115, 125, 132, 144, 146, 163, 310

GAWA 13:2 “naglilingkod sila kay Jehova”

DAHILAN: “Panginoon” (toi Ky·riʹoi) ang mababasa sa natitirang mga manuskritong Griego sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Ang salitang Griego na lei·tour·geʹo, na isinaling “naglilingkod” sa talatang ito, ay dapat unawain ayon sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan. Kapag ginagamit sa Septuagint ang terminong ito para tumukoy sa paglilingkod sa Diyos ng mga saserdote at Levita sa tabernakulo o templo (Exodo 28:35; Bilang 8:22; 1 Hari 8:11), madalas na lumilitaw ito kasama ng pangalan ng Diyos sa orihinal na tekstong Hebreo. Halimbawa, ang ekspresyong Griego na “naglilingkod sa Panginoon” sa Gawa 13:2 ang ginamit ng Septuagint sa 2 Cronica 13:10 para isalin ang pariralang Hebreo na “naglilingkod kay Jehova.” Sa 2 Cronica 35:3, ganiyan din ang ekspresyong Griego na ginamit para isalin ang pariralang Hebreo na “maglingkod . . . kay Jehova.” (Tingnan din ang 1 Samuel 2:11; 3:1; Ezekiel 45:4; Joel 2:17.) Kapansin-pansin na sa isang piraso ng Griegong Septuagint na natagpuan noong unang siglo B.C.E. (Papyrus Fouad Inv. 266), nang gamitin ang ekspresyong ito para isalin ang pariralang Hebreo na “maglingkod sa ngalan ni Jehova” sa Deuteronomio 18:5, ginamit ang pangalan ng Diyos na nakasulat sa kuwadradong letrang Hebreo. Kaya dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, sa mga manuskritong nagpapakita ng sinaunang mga salin ng ekspresyong ito, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong Kyʹri·os, ginamit dito ang pangalan ng Diyos.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 13:2 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sinasabi ng Did the First Christians Worship Jesus? ni James D. G. Dunn, 2010, tungkol sa talatang ito: “Ang ‘Panginoon’ ba rito ay si Jesus (gaya ng madalas na pagkakagamit nito sa Gawa)? O ang tinutukoy ni Lucas ay ang pagsamba sa Panginoong Diyos? Mahirap masabi, pero gaya sa iba pang paglitaw ng ‘Panginoon’ sa Gawa kung saan tumutukoy ito sa Diyos, makikita sa paggamit ng pariralang ito sa Lumang Tipan na pagsamba sa Diyos ang nasa isip ni Lucas.”

  • Sinasabi ng The Acts of the Apostles—A Commentary, ni Ernst Haenchen, 1971, tungkol sa ekspresyong ito: “Ang ginamit ni Lucas na ekspresyong ‘naglilingkod sa Panginoon’ ay kinuha niya sa isang sagradong ekspresyon sa LXX [Septuagint] para tumukoy, higit sa lahat, sa panalangin.” Makikita sa talababa ng komentaryo ang sumusunod na teksto: “II Cro. 5.14, 13.10 at 35.3; . . . Joel 1.13 at 2.17; Ezek. 40.46, 44.16 at 45.4; Dan. 7.10.”

  • Sinasabi ng The Anchor Yale Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1998, (Tomo 31) tungkol sa ekspresyong ito sa Gawa 13:2: “Muli, ang Kyrios ay tumutukoy sa Diyos ng Israel, hindi sa binuhay-muling si Kristo.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-18, 22, 23, 32, 34, 41, 43, 65, 95, 100, 101, 106, 115, 125, 132, 145-147, 201, 219, 250, 310, 322-324

GAWA 13:10 “matuwid na mga daan ni Jehova”

DAHILAN: Kyʹri·os (Panginoon) ang mababasa sa natitirang mga manuskritong Griego sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Napansin ng mga iskolar na makikita sa sagot ni Pablo sa Judiong mangkukulam na si Bar-Jesus (nakaulat sa talata 10 at 11) ang ilang ekspresyon na mula sa Hebreong Kasulatan. Ito ang ilang halimbawa: Ang pariralang Griego rito na isinaling “pagpilipit sa . . . mga daan” ay makikita rin sa salin ng Septuagint sa Kawikaan 10:9 (“liko ang daan”). Ang mga salitang Griego para sa pariralang “matuwid na mga daan ni Jehova” ay makikita rin sa salin ng Septuagint sa Oseas 14:9. Sa talatang iyon, ginamit ang pangalan ng Diyos sa orihinal na tekstong Hebreo (“Dahil matuwid ang daan ni Jehova”). Napansin din ng mga iskolar na sa maraming maaasahang manuskritong Griego, walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang salitang Kyʹri·os sa talatang ito (Gawa 13:10), na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Gayundin, sa sumunod na talata (Gawa 13:11), ang Kyʹri·os ay lumitaw sa isang ekspresyon (“kamay ni Jehova”) na maliwanag na galing sa Hebreong Kasulatan at masasabing katumbas ng pangalan ng Diyos. Maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng pangalan ng Diyos. Kaya ang konteksto (ang kinakausap ay isang Judio) at ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan ay sumusuporta sa paggamit ng pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng Critical and Exegetical Handbook to the Acts of the Apostles, ni Heinrich August Wilhelm Meyer, 1884, tungkol sa Gawa 13:10: “Ang Κυρίου [Ky·riʹou, isang anyo ng Kyʹri·os] ay hindi si Kristo, kundi ang Diyos, na kinakalaban ng anak ng diyablo, gaya ng ipinapakita ng tal. 11.”

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329), nakalista ang Gawa 13:10 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit sa Bagong Tipan para tumukoy kay Yahweh o sa Diyos.”

  • Idinagdag ng The NET Bible, New English Translation, 1996, ang komentaryong ito sa ekspresyong “daan ng Panginoon” sa Gawa 13:10: “Ang pagsaway na ito ay gaya ng mga ginamit ng mga propeta sa Lumang Tipan: Jer 5:27; Gen 32:11; Kaw 10:7; Os 14:9. . . . Ipinapakita ng retorikal na tanong sa dulo ng tal. 10 (“hindi ka ba titigil . . . ?”) na talagang laban [si Elimas] sa daan ng Diyos.”

  • Sinasabi ng The Anchor Yale Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1998, (Tomo 31) tungkol sa Gawa 13:10: “Kyrios: ang Diyos o ang binuhay-muling si Kristo; malamang na ang una, gaya sa tal 11.”

  • Sa ΙΗΣΟΥΣ ΚΥΡΙΟΣ [I·e·sousʹ Kyʹri·os] Their Usage and Sense in Holy Scripture, ni Herman Heinfetter, 1857, nakalista ang Gawa 13:10 sa mga teksto kung saan “ang Kawalan ng Pantukoy bago ang Κυριος [Kyʹri·os] . . . ay nagpapakitang ang Titulo ay tumutukoy sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.”

  • Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa ekspresyong “matuwid na mga daan ng Panginoon” sa Gawa 13:10: “Posibleng si ‘Jehova.’”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-18, 22, 23, 28-34, 42, 43, 47, 65, 66, 93-96, 100-102, 106, 114, 115, 132, 144-147, 154, 163, 167, 172, 187, 201, 250, 273, 293, 310, 323, 324

GAWA 13:11 “kamay ni Jehova”

DAHILAN: Ang pariralang “kamay ni Jehova” ay madalas lumitaw sa Hebreong Kasulatan. Kombinasyon ito ng salitang Hebreo para sa “kamay” at ng Tetragrammaton. (Ang ilang halimbawa ay makikita sa Exodo 9:3, talababa; Bilang 11:23; Hukom 2:15; Ruth 1:13; 1 Samuel 5:6; 7:13; Job 12:9; Isaias 19:16; 40:2; Ezekiel 1:3, talababa.) Sa mga manuskritong Griego ng Gawa na makukuha sa ngayon, Kyʹri·os (Panginoon) ang nasa talatang ito, pero dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, makatuwiran lang na gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. May kinalaman sa Gawa 13:11, napansin ng mga iskolar na walang tiyak na Griegong pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. Ipinapakita lang nito na ang Kyʹri·os ay katumbas ng isang pantanging pangalan. Mahalagang obserbasyon iyan, dahil kahit pinalitan ng Kyʹri·os sa mas bagong mga kopya ng Septuagint ang pangalan ng Diyos, na mababasa sa pinakalumang mga kopya nito, madalas na wala ring tiyak na pantukoy bago ang Kyʹri·os, na dapat sana ay mayroon batay sa tamang gramatika. (Ganiyan ang ginawa sa mga talata sa itaas.) Ang kawalan ng tiyak na pantukoy ay isa pang patunay na ang Kyʹri·os ay ipinampalit sa pangalan ng Diyos. Ang ekspresyong Griego na isinaling “kamay ni Jehova” ay mababasa rin sa Lucas 1:66 at Gawa 11:21.

REPERENSIYA:

  • Sa ΙΗΣΟΥΣ ΚΥΡΙΟΣ [I·e·sousʹ Kyʹri·os] Their Usage and Sense in Holy Scripture, ni Herman Heinfetter, 1857, nakalista ang Gawa 13:11 sa mga teksto kung saan “ang Kawalan ng Pantukoy bago ang Κυριος [Kyʹri·os] . . . ay nagpapakitang ang Titulo ay tumutukoy sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.”

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 13:11 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sinasabi ng The ‘Holy Scriptures,’ ni J. N. Darby, 1949, sa isang talababa sa ekspresyong “kamay ng Panginoon” sa Gawa 13:11: “Posibleng si ‘Jehova.’”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-18, 22-24, 28-34, 36, 42, 43, 47, 65, 66, 93-96, 100-102, 104, 114, 115, 132, 144-147, 154, 172, 187, 201, 219, 250, 273, 293, 310, 322-324

GAWA 13:12 “turo ni Jehova”

DAHILAN: “Turo ng Panginoon” (tei di·da·kheiʹ tou Ky·riʹou) ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Sa naunang dalawang talata, dalawang beses lumitaw ang Kyʹri·os. Pareho itong tumutukoy sa Diyos, at masasabing ipinampalit ito sa pangalan ng Diyos. (Tingnan ang paliwanag sa Gawa 13:10, 11.) Ang ekspresyong “turo ni Jehova” ay kasingkahulugan ng “salita ng Diyos,” na ginamit sa Gawa 13:5. Sinabi sa talatang iyon na nang dumating si Pablo at ang mga kasama niya sa Ciprus, “sinimulan nilang ihayag ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio.” Kaya ‘gustong-gustong marinig’ ng proconsul na si Sergio Paulo ang “salita ng Diyos.” (Gawa 13:7) Makatuwiran lang isipin na pagkakita sa mga ginawa ni Pablo at pagkarinig sa mga sinabi nito, manghang-mangha si Sergio Paulo sa mga natutuhan niya tungkol sa Diyos na Jehova at sa mga turong nagmumula sa Kaniya. Sa ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, ginamit dito ang pangalan ng Diyos. Dahil sa konteksto, sa pinagmulan ng ekspresyong ito, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong Kyʹri·os, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 13:12 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Ang Holy Bible From the Ancient Eastern Text—George M. Lamsa’s Translation From the Aramaic of the Peshitta ay gumamit ng malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa “PANGINOON” sa talatang ito, at sinabi nito sa isang talababa: “Gawa 13:10, 11, 12, 49 - Ang Pangalan ng Diyos sa Syriac at Aramaiko, ‘Mar-Yah’ o ‘Mor-Yah,’ ay literal na nangangahulugang ‘Panginoong Yah,’ o ‘Yahweh,’ ‘YHWH.’”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 29-31, 41, 43, 93, 100, 101, 106, 132, 144, 146, 187, 201, 250, 310

GAWA 13:44 “salita ni Jehova”

DAHILAN: “Salita ng Panginoon” (ton loʹgon tou Ky·riʹou) ang mababasa dito sa maraming sinaunang manuskritong Griego; sa ilang manuskrito naman, “salita ng Diyos” (ton loʹgon tou The·ouʹ). Pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Mababasa rin sa aklat ng Gawa ang kaparehong ekspresyon na “salita ng Diyos,” gaya ng makikita sa Gawa 13:46, na sumusuporta sa konklusyong ang Kyʹri·os dito sa talata 44 ay tumutukoy sa Diyos. (Makikita rin ang ekspresyong ito sa Gawa 4:31; 6:2, 7; 8:14; 11:1; 13:5, 7; 17:13; 18:11.) Parehong ginagamit sa Hebreong Kasulatan ang dalawang ekspresyong ito. Pero ang ekspresyong “salita ni Jehova,” na kombinasyon ng terminong Hebreo para sa “salita” at ng Tetragrammaton, ay lumitaw nang di-hamak na mas maraming beses kaysa sa ekspresyong “salita ng Diyos.” (Ang pariralang “salita ni Jehova” ay lumitaw sa mga 200 talata. Ang ilang halimbawa ay 2 Samuel 12:9; 2 Hari 24:2; Isaias 1:10; 2:3; 28:14; Jeremias 1:4; 2:4; Ezekiel 1:3; 6:1; Oseas 1:1.) Sa lumang kopya ng Septuagint, makikita sa Zacarias 9:1 ang salitang Griego na loʹgos na sinusundan ng pangalan ng Diyos sa sinaunang letrang Hebreo (). Ang pergaminong balumbon na ito, na natagpuan sa Nahal Hever, Israel, sa Disyerto ng Judea malapit sa Dagat na Patay, ay mula pa noong 50 B.C.E. hanggang 50 C.E. Gayundin, may ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na gumamit dito ng pangalan ng Diyos. Dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, natagpuang manuskrito na binanggit sa itaas, pagkakagamit ng terminong Kyʹri·os, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong ito, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 13:44 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J17, 22, 32, 33, 37, 48, 65, 94, 100, 101, 115, 125, 146, 167, 322, 324

GAWA 13:47 “ibinigay ni Jehova ang utos na ito sa amin”

DAHILAN: “Panginoon” (ho Kyʹri·os) ang mababasa sa mga natitirang manuskritong Griego sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Ang kasunod na pananalita nito ay sinipi mula sa Isaias 49:6, kung saan maliwanag na makikita sa konteksto ng orihinal na tekstong Hebreo na si Jehova ang nagsasalita. (Isaias 49:5; ihambing ang Isaias 42:6.) Ang hulang ito ay tungkol sa gagawin ng Lingkod ni Jehova, si Jesu-Kristo, at ng mga tagasunod nito. (Isaias 42:1; tingnan ang study note sa Lucas 2:32.) Kaya ang Kyʹri·os sa talatang ito ay tiyak na tumutukoy sa Diyos. Dahil sa konteksto at sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, ginamit ang pangalan ng Diyos para maiwasan ang kalituhan.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng The Interpretation of the Acts of the Apostles, ni R.C.H. Lenski, 1934, sa pahina 551, tungkol sa talatang ito: “Kailangan muna nilang harapin ang Lingkod ni Jehova, ang dakilang ʽEbed Yahweh, na siya mismong nagsabi ng mensahe ni Jehova . . . At ngayon, ginagawa ng mga mensahero ni Jesus ang kaloobang iyan ni Jehova.”

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 13:47 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sinasabi ng The Acts of the Apostles Explained (Ikatlong Edisyon), ni Joseph Addison Alexander, 1872, tungkol sa talatang ito: “Ang Panginoon, ayon sa pagkakagamit nito sa Bagong Tipan, ay puwedeng tumukoy sa Panginoong Jesu-Kristo . . . Pero dahil sa Mesiyas sinabi ang sumunod na pananalita, ang Panginoon ay posibleng ipinanumbas kay Jehova, gaya ng karaniwang ginagawa nila.”

  • Sinasabi ng Commentary on the Book of the Acts, ni F. F. Bruce, 1954, pahina 283, tungkol sa talatang ito at sa pagsipi mula sa Isaias 49:6: “Kapansin-pansin na sa konteksto ng hulang ito (ang ikalawang Awit ng Lingkod), ang bansang Israel ang unang tinukoy bilang lingkod ni Jehova . . . Pero ang Israel sa pangkalahatan ay isang masuwaying lingkod, kaya ang Mesiyas ang tumupad sa hulang ito.”

  • Ginamit sa Complete Jewish Bible, ni David H. Stern, 1998, ang malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa salitang “ADONAI sa talatang ito. Sa introduksiyon ng Bibliyang ito, sinabi ng tagapagsalin: “Ang salitang ‘ADONAI ay ginagamit . . . kapag naniniwala ako bilang tagapagsalin na ang salitang Griego na ‘kurios’ ay ipinampalit sa tetragrammaton.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 17, 22, 23, 32, 35, 41, 43, 65, 68, 94, 100, 101, 106, 114, 115, 117, 132, 138, 144, 146, 201, 251, 256, 257, 293

GAWA 13:48 “salita ni Jehova”

DAHILAN: “Salita ng Panginoon” (ton loʹgon tou Ky·riʹou) ang mababasa dito sa karamihan ng manuskritong Griego; sa ilang manuskrito naman, “salita ng Diyos” (ton loʹgon tou The·ouʹ). Pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Batay sa konteksto, ang Diyos na Jehova ang tinutukoy dito na “Panginoon.” Sa naunang talata, ang Kyʹri·os ay tumutukoy sa nagbigay ng utos sa Isaias 49:6, si Jehova. (Tingnan ang paliwanag sa Gawa 13:47.) Gaya ng makikita sa paliwanag sa Gawa 13:44, may iba pang patunay na dapat gamitin ang pangalan ng Diyos sa ekspresyong “salita ni Jehova.” Marami ring Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng Tetragrammaton.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329), nakalista ang Gawa 13:48 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit sa Bagong Tipan para tumukoy kay Yahweh o sa Diyos.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-17, 22, 23, 32, 33, 37, 41, 42, 65, 66, 94, 96, 100, 101, 106, 114, 115, 125, 132, 144, 146, 163, 167, 201, 250, 310, 323, 324

GAWA 13:49 “salita ni Jehova”

DAHILAN: “Salita ng Panginoon” (ho loʹgos tou Ky·riʹou) ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto, gaya ng makikita sa paliwanag sa Gawa 13:44, 48. Marami ring Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng Tetragrammaton.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329), nakalista ang Gawa 13:49 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit sa Bagong Tipan para tumukoy kay Yahweh o sa Diyos.”

  • Ang Holy Bible From the Ancient Eastern Text—George M. Lamsa’s Translation From the Aramaic of the Peshitta ay gumamit ng malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa “PANGINOON” sa talatang ito, at sinabi nito sa isang talababa: “Gawa 13:10, 11, 12, 49 - Ang Pangalan ng Diyos sa Syriac at Aramaiko, ‘Mar-Yah’ o ‘Mor-Yah,’ ay literal na nangangahulugang ‘Panginoong Yah,’ o ‘Yahweh,’ ‘YHWH.’”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-18, 22, 23, 28-32, 41, 65, 66, 93-95, 100, 101, 106, 114, 115, 125, 132, 144, 146, 167, 201, 250, 293, 310, 323, 324

GAWA 14:3 “dahil sa awtoridad na ibinigay ni Jehova”

DAHILAN: Lit., “sa Panginoon.” Kyʹri·os (Panginoon) ang mababasa sa mga manuskritong Griego na makukuha sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Batay sa konteksto, ang “Panginoon” dito ay tumutukoy sa Diyos. Sa aklat ng Gawa, ang ekspresyong “walang-kapantay na kabaitan” ay madalas na iniuugnay sa Diyos (Gawa 11:23; 13:43; 14:26; 20:24), at binabanggit sa Gawa 20:32 ang “Diyos at . . . salita ng kaniyang walang-kapantay na kabaitan.” Gayundin, sinabi sa Gawa 15:12 na sa Diyos nagmumula ang “maraming tanda at kamangha-manghang bagay.” (Tingnan din ang Gawa 2:19; 19:11.) Makikita sa konteksto ng Gawa 14:3 na ginamit ang pang-ukol na e·piʹ (isinaling “dahil sa”) para ipakita ang dahilan kung bakit nangangaral nang may katapangan ang mga alagad. Makikita sa talata na ang Diyos mismo ang nagpapatotoo na ang ipinapangaral nila ay ang salita niya at na sinusuportahan niya sila. (Ihambing ang Gawa 4:29-31.) Ang ekspresyong Griego para sa “sa Panginoon” ay ginamit din ng Septuagint sa mga parirala kung saan lumitaw ang Tetragrammaton sa orihinal na tekstong Hebreo. (Awit 31:6 [30:7, LXX]; Jeremias 17:7) Dahil dito, sinasabi ng ilan na ang ekspresyon ay nangangahulugan ding nagsasalita sila “nang may pagtitiwala kay Jehova.” Kaya dahil sa konteksto at sa pagkakagamit ng terminong Kyʹri·os, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-18, 23, 29-31, 41, 93-95, 100, 101, 106, 132, 146, 201, 310, 323, 324

GAWA 14:23 “ipinagkatiwala ang mga ito kay Jehova”

DAHILAN: “Panginoon” (toi Ky·riʹoi) ang mababasa sa mga manuskritong Griego na makukuha sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os (Panginoon) ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Batay sa konteksto, ang “Panginoon” dito ay tumutukoy sa Diyos. Sa Gawa 14:26, ginamit ang kahawig na ekspresyong “ipinagkatiwala . . . sa walang-kapantay na kabaitan ng Diyos.” Ang pandiwang Griego na ginamit dito (Gawa 14:23) ay ginamit din sa Gawa 20:32 sa pariralang “ipinagkakatiwala ko kayo sa Diyos.” Ayon sa isang diksyunaryo, ang pariralang ito ay nangangahulugang “ipagkatiwala ang isa sa pangangalaga o proteksiyon ng isa . . . Sa proteksiyon ng Diyos . . . Gaw 14:23; ihambing ang 20:32” Ginamit din ang kaparehong pandiwa sa Lucas 23:46 para isalin ang sinabi ni Jesus: “Ama, ipinagkakatiwala ko na ang buhay ko sa mga kamay mo.” Sinipi ito mula sa Awit 31:5, kung saan ginamit ng Septuagint (30:6, LXX) ang kaparehong salitang Griego para sa “ipinagkakatiwala” at kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos sa orihinal na tekstong Hebreo. Maraming beses na mababasa sa Hebreong Kasulatan na ipinagkakatiwala ng isa ang sarili niya kay Jehova. (Awit 22:8; 37:5; Kawikaan 16:3) Dahil sa konteksto, pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong Kyʹri·os, ginamit sa ulat na ito ang pangalan ng Diyos. Marami ring Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng pangalan ng Diyos.

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15, 16, 41, 65, 100, 101, 106, 132, 163, 167, 201

GAWA 15:17a “para buong pusong hanapin si Jehova ng mga taong nalabi”

DAHILAN: “Panginoon” (ton Kyʹri·on) ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Sa Gawa 15:14, sinabi ni Santiago na inilahad ni Symeon na “binigyang-pansin . . . ng Diyos ang ibang mga bansa,” at sa talata 19, may binanggit si Santiago na “mga bumabaling sa Diyos na mula sa ibang mga bansa.” Dito, sumipi si Santiago mula sa Amos 9:11, 12. Sa orihinal na tekstong Hebreo, lumitaw nang isang beses ang pangalan ng Diyos, sa ekspresyong “ang sabi ni Jehova.” Kaya batay sa konteksto, sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, at sa pagkakagamit ng terminong Kyʹri·os sa Septuagint, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa unang paglitaw ng Kyʹri·os sa talatang ito, kahit na wala itong direktang katumbas sa tekstong Hebreo.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 15:17a kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sinasabi ng Critical and Exegetical Handbook to the Acts of the Apostles, ni Heinrich August Wilhelm Meyer, 1884, tungkol sa Gawa 15:14-17: “Inihula ni Amos na . . . magpapasailalim dito [sa pamamahala ng Diyos sa pamamagitan ng linya ni David] ang ibang mga bansa at magpapakumberte sa pagsamba kay Jehova. . . . Itinakwil na ni Jehova ang bayan Niya; pero nangangako Siya ngayon sa pamamagitan ng propeta Niya: Babalik ako at itatayong muli ang nawasak at tiwangwang na tabernakulo ni David.”

  • Sinasabi ng The Jerome Biblical Commentary, na inedit nina Raymond E. Brown, Joseph A. Fitzmyer, at Roland E. Murphy, 1968, tungkol sa Gawa 15:17: “Ang ekspresyong ito mula sa Lumang Tipan (tingnan ang 2 Cro. 6:35; 7:14) ay nagpapahiwatig ng pagiging nakaalay kay Yahweh; kaya ang tinutukoy dito ni Amos ay ang mga bansang nakaalay sa Diyos.”

  • Ang The New King James Version, na unang inilimbag noong 1979, ay dalawang beses na gumamit ng malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa “PANGINOON” sa mismong teksto ng Gawa 15:17. Sinabi sa Paunang Salita ng edisyong ito: “Ang pangalang ginamit ng Diyos sa pakikipagtipan, na nasa wikang Hebreo, ay karaniwan nang isinasaling ‘PANGINOON’ (na nasa malalaking letra, gaya ng makikita rito) sa Lumang Tipan ng King James. Ganiyan din ang ginawa sa edisyong ito. Ginagamit ang malalaking letra kapag ang pangalang iyon ay sinipi ng Bagong Tipan mula sa Lumang Tipan.”

  • Sa NLT Study Bible, (Ikalawang Edisyon), 2008, dalawang beses na ginamit ang “PANGINOON” na nasa malaking letra at pinaliit na malalaking letra sa mismong teksto ng Gawa 15:17. Sinasabi sa “Introduction to the New Living Translation”: “Ang salitang Griego na kurios ay laging isinasaling ‘Panginoon,’ pero isinasalin itong ‘PANGINOON’ kapag malinaw na sumisipi ang Bagong Tipan mula sa Lumang Tipan.” Ipinaliwanag din sa introduksiyon ng Bibliyang ito kung bakit ito ginawa: “Karaniwan na, isinasalin naming ‘PANGINOON’ ang tetragrammaton (YHWH), gamit ang anyo na may pinaliit na malalaking letra, na karaniwan sa mga saling Ingles.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J11, 12, 14-18, 22, 23, 28-31, 34, 35, 38, 41-43, 47, 59, 61, 65, 66, 88, 90, 93, 94, 96, 100-102, 104-106, 114, 115, 126, 132, 145-147, 149, 154, 164, 178, 186, 187, 201, 228, 236, 244, 250, 265, 267, 271, 273, 275, 283, 290, 293, 295-297, 300, 306, 310, 322-324

GAWA 15:35 “salita ni Jehova”

DAHILAN: “Salita ng Panginoon” (ton loʹgon tou Ky·riʹou) ang mababasa dito sa karamihan ng manuskritong Griego, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Mababasa rin sa aklat ng Gawa ang kaparehong ekspresyon na “salita ng Diyos,” na sumusuporta sa konklusyong ang Kyʹri·os sa Gawa 15:35 ay tumutukoy sa Diyos. (Gawa 4:31; 6:2, 7; 8:14; 11:1; 13:5, 7, 46; 17:13; 18:11.) Parehong ginagamit sa Hebreong Kasulatan ang dalawang ekspresyong ito. Pero ang ekspresyong “salita ni Jehova,” na kombinasyon ng terminong Hebreo para sa “salita” at ng Tetragrammaton, ay lumitaw nang di-hamak na mas maraming beses kaysa sa ekspresyong “salita ng Diyos.” (Ang pariralang “salita ni Jehova” ay lumitaw sa mga 200 talata. Ang ilang halimbawa ay 2 Samuel 12:9; 2 Hari 24:2; Isaias 1:10; 2:3; 28:14; Jeremias 1:4; 2:4; Ezekiel 1:3; 6:1; Oseas 1:1.) Sa lumang kopya ng Septuagint, makikita sa Zacarias 9:1 ang salitang Griego na loʹgos na sinusundan ng pangalan ng Diyos sa sinaunang letrang Hebreo (). Ang pergaminong balumbon na ito, na natagpuan sa Nahal Hever, Israel, sa Disyerto ng Judea malapit sa Dagat na Patay, ay mula pa noong 50 B.C.E. hanggang 50 C.E. Gayundin, maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng Tetragrammaton. Sa Syriac na Peshitta naman, ginamit ang ekspresyong “salita ng Diyos.” Dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, natagpuang manuskrito na binanggit sa itaas, pagkakagamit ng terminong Kyʹri·os, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong ito, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329), nakalista ang Gawa 15:35 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit sa Bagong Tipan para tumukoy kay Yahweh o sa Diyos.”

  • Sa The New Testament in Basic English, 1946, ginamit ang “salita ng Diyos.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J17, 18, 22, 23, 31, 32, 41, 65, 66, 94, 95, 100, 101, 106, 115, 132, 146, 201, 310, 323, 324

GAWA 15:36 “salita ni Jehova”

DAHILAN: “Salita ng Panginoon” (ton loʹgon tou Ky·riʹou) ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego, pero gaya ng paliwanag sa Gawa 15:35, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa ekspresyong “salita ni Jehova.” Makikita sa konteksto na si Jehova ang Pinagmulan ng salita. Marami ring Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng Tetragrammaton. Ginamit naman ng Syriac na Peshitta ang ekspresyong “salita ng Diyos.”

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329), nakalista ang Gawa 15:36 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit sa Bagong Tipan para tumukoy kay Yahweh o sa Diyos.”

  • Sa The New Testament in Basic English, 1946, ginamit ang “salita ng Diyos.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 17, 18, 22, 23, 32, 41, 65, 66, 94, 95, 100, 101, 106, 115, 132, 146, 201, 310, 323, 324

GAWA 15:40 “walang-kapantay na kabaitan ni Jehova”

DAHILAN: “Panginoon” (tou Ky·riʹou) ang mababasa sa maraming manuskritong Griego; sa iba naman, “Diyos.” Pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os (Panginoon) ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Batay sa konteksto, ang “Panginoon” dito ay tumutukoy sa Diyos. Sa aklat ng Gawa, ang ekspresyong “walang-kapantay na kabaitan” ay pinakamadalas na iniuugnay sa Diyos. (Gawa 11:23; 13:43; 20:24) Sa Gawa 14:26, mababasa ang katulad na ekspresyon na “ipinagkatiwala . . . sa walang-kapantay na kabaitan ng Diyos. Gayundin, sa ilang sinaunang manuskrito at salin, “Diyos” (The·osʹ) ang ginamit dito sa halip na “Panginoon” (Kyʹri·os), na sumusuporta sa konklusyong ang “walang-kapantay na kabaitan” na binabanggit dito ay mula sa Diyos. Marami ring Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng pangalan ng Diyos. Kaya dahil sa konteksto, sa pagkakagamit ng terminong Kyʹri·os, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong ito, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 15:40 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Ginamit ng The Orthodox Jewish Bible, 2011, ang “Hashem” para ipanumbas sa pangalan ng Diyos sa Gawa 15:40. Ang terminong “Hashem” ay galing sa ekspresyong Hebreo na hash·Shemʹ, na nangangahulugang “ang Pangalan,” na madalas na ginagamit ng mga Judio bilang pamalit sa YHWH.

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J17, 18, 22, 32, 48, 65, 94, 95, 100, 101, 115, 125, 132, 144, 146, 167, 322-324

GAWA 16:14 “binuksan ni Jehova ang puso niya”

DAHILAN: “Panginoon” (ho Kyʹri·os) ang mababasa sa mga manuskritong Griego na makukuha sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Batay sa konteksto, ang “Panginoon” dito ay tumutukoy sa Diyos na Jehova. Tinawag si Lydia na “mananamba ng Diyos,” isang ekspresyon na nagpapakitang isa siyang Judiong proselita. (Ihambing ang Gawa 13:43.) Noong araw ng Sabbath, kasama siya ng ilang babae na nagtitipon para manalangin sa tabi ng ilog na nasa labas ng Filipos. (Gawa 16:13) Posibleng natuto si Lydia tungkol kay Jehova sa bayang pinagmulan niya, ang Tiatira, kung saan maraming Judio at may isang lugar na pinagtitipunan ng mga Judio. Kaya dahil sa konteksto, sa pinagmulan ni Lydia, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong Kyʹri·os, ginamit dito ang pangalan ng Diyos. Maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng Tetragrammaton.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 16:14 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Ginamit ng The Orthodox Jewish Bible, 2011, ang “Hashem” para ipanumbas sa pangalan ng Diyos sa Gawa 16:14. Ang terminong “Hashem” ay galing sa ekspresyong Hebreo na hash·Shemʹ, na nangangahulugang “ang Pangalan,” na madalas na ginagamit ng mga Judio bilang pamalit sa YHWH.

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 17, 18, 23, 32, 33, 48, 65, 94, 95, 100, 101, 105, 106, 115, 125, 130, 144, 146, 163, 167, 201, 250, 310, 323, 324

GAWA 16:15 “mananampalataya ni Jehova”

DAHILAN: “Panginoon” (toi Ky·riʹoi) ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego; sa ilan naman, “Diyos.” Pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Batay sa konteksto, ang tinutukoy dito na “Panginoon” ay ang Diyos na Jehova. Gaya ng makikita sa paliwanag sa Gawa 16:14, maliwanag na si Jehova ang nasa isip ni Lydia dahil isa siyang Judiong proselita. Ngayon lang niya narinig ang tungkol kay Jesu-Kristo sa pangangaral ni Pablo, at wala pa siyang pananampalataya kay Jesus. Kaya makatuwiran lang isipin na ang tinutukoy niya ay ang pananampalataya niya kay Jehova, ang Diyos na sinasamba niya. Kaya dahil sa konteksto, sa pinagmulan ni Lydia, sa pagkakagamit ng terminong Kyʹri·os, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong ito, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 16:15 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Ginamit ng The Orthodox Jewish Bible, 2011, ang “Hashem” para ipanumbas sa pangalan ng Diyos sa Gawa 16:15. Ang terminong “Hashem” ay galing sa ekspresyong Hebreo na hash·Shemʹ, na nangangahulugang “ang Pangalan,” na madalas na ginagamit ng mga Judio bilang pamalit sa YHWH.

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 32, 41, 65, 94, 100, 101, 106, 115, 144-147, 172, 201, 250, 310

GAWA 16:32 “salita ni Jehova”

DAHILAN: “Salita ng Panginoon” (ton loʹgon tou Ky·riʹou) ang mababasa sa karamihan ng sinaunang manuskrito. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os (Panginoon) ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Binanggit si Jesus sa naunang talata bilang “Panginoong Jesus” (ton Kyʹri·on I·e·sounʹ), pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa talatang ito. “Salita ng Diyos” (ton loʹgon tou The·ouʹ) ang mababasa sa ilang manuskritong Griego. Sa aklat ng Gawa, pareho ng ibig sabihin ang mga ekspresyong “salita ng Panginoon” at “salita ng Diyos,” na sumusuporta sa konklusyong ang Kyʹri·os sa Gawa 16:32 ay tumutukoy sa Diyos. (Gawa 4:31; 6:2, 7; 8:14; 11:1; 13:5, 7, 46; 17:13; 18:11) Parehong ginagamit sa Hebreong Kasulatan ang dalawang ekspresyong ito. Pero ang ekspresyong “salita ni Jehova,” na kombinasyon ng terminong Hebreo para sa “salita” at ng Tetragrammaton, ay lumitaw nang di-hamak na mas maraming beses kaysa sa ekspresyong “salita ng Diyos.” (Ang pariralang “salita ni Jehova” ay lumitaw sa mga 200 talata. Ang ilang halimbawa ay 2 Samuel 12:9; 2 Hari 24:2; Isaias 1:10; 2:3; 28:14; Jeremias 1:4; 2:4; Ezekiel 1:3; 6:1; Oseas 1:1.) Sa lumang kopya ng Septuagint, makikita sa Zacarias 9:1 ang salitang Griego na loʹgos na sinusundan ng pangalan ng Diyos sa sinaunang letrang Hebreo (). Ang pergaminong balumbon na ito, na natagpuan sa Nahal Hever, Israel, sa Disyerto ng Judea malapit sa Dagat na Patay, ay mula pa noong 50 B.C.E. hanggang 50 C.E. Gayundin, maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng pangalan ng Diyos. Dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, natagpuang manuskrito na binanggit sa itaas, pagkakagamit ng terminong Kyʹri·os, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong ito, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 16:32 kung saan ang Kyʹri·os ay posibleng “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 17, 18, 22, 23, 28-30, 32, 41, 65, 66, 93-95, 100, 101, 106, 115, 146, 163, 167, 310, 323, 324

GAWA 18:21 “Kung loloobin ni Jehova”

DAHILAN: Sa mga manuskritong Griego na makukuha sa ngayon, ang literal na mababasa ay “kung loloobin ng Diyos”; isinalin din ang ekspresyong ito na “kung kalooban ng Diyos.” Sa mga ekspresyong ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, parehong ginagamit ang terminong Kyʹri·os (Panginoon) at ang terminong The·osʹ (Diyos). (Gawa 21:14; 1 Corinto 4:19; 16:7; Hebreo 6:3; Santiago 4:15) Sa Septuagint, ang pandiwang Griego na isinalin ditong “loloobin” at ang pangngalang Griego para sa “kalooban” ay madalas gamitin kapag isinasalin ang mga ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos. Gayundin, may ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na gumamit dito ng Tetragrammaton. Kaya dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan at sa kahawig na mga ekspresyong lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, angkop lang na gamitin dito ang pangalan ng Diyos.—Tingnan ang paliwanag sa Gawa 21:14.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng A Handbook on the Letter From James, nina I-Jin Loh at Howard A. Hatton, na inilathala ng United Bible Societies, 1997, tungkol sa ekspresyong “kung loloobin ng Panginoon” na lumitaw sa Santiago 4:15: “Ang kung loloobin ng Panginoon . . . ay hindi lang basta bukambibig, kundi pagpapakita ng pananampalataya at pagkilala na ang Diyos ang masusunod sa lahat ng bagay at na ang kinabukasan ay nasa kamay ng Diyos . . . Ang Panginoon dito ay hindi tumutukoy kay Jesus gaya sa 2.1, kundi sa Diyos.”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J17, 32, 33, 37, 48, 65, 94, 100, 101, 115, 125, 144-147, 163, 167, 323, 324

GAWA 18:25 “daan ni Jehova”

DAHILAN: “Daan ng Panginoon” (ten ho·donʹ tou Ky·riʹou) ang mababasa sa mga manuskritong Griego na makukuha sa ngayon, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Makikita sa konteksto na ang “Panginoon” dito ay tumutukoy sa Diyos. Sa Gawa 18:26, ginamit ang kahawig na ekspresyong “daan ng Diyos.” Gaya ng makikita sa aklat ng Gawa, ang buhay ng isang Kristiyano ay umiikot sa pagsamba sa tanging tunay na Diyos, si Jehova, at sa pananampalataya sa kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. Ang ganitong paraan ng pamumuhay ay tinatawag na “Daan” o “Daang ito.” (Gawa 19:9, 23; 22:4; 24:22; tingnan ang study note sa Gawa 9:2.) Apat na beses ding lumitaw sa Ebanghelyo ang ekspresyong “dadaanan ni Jehova” (walang tiyak na Griegong pantukoy), na sinipi mula sa Isaias 40:3. (Tingnan ang study note sa Mateo 3:3; Marcos 1:3; Lucas 3:4; Juan 1:23.) Sa Isaias 40:3, ginamit ang Tetragrammaton sa orihinal na tekstong Hebreo. Ang ekspresyong “daan ni Jehova” ay lumitaw rin sa Hukom 2:22 at Jeremias 5:4, 5. Isa pa, maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng pangalan ng Diyos o ng katumbas ng Tetragrammaton, at ang mababasa ay “daan ni Jehova.” Kaya dahil sa konteksto at sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329), nakalista ang Gawa 18:25 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit sa Bagong Tipan para tumukoy kay Yahweh o sa Diyos.”

  • Ang Holy Bible From the Ancient Eastern Text—George M. Lamsa’s Translation From the Aramaic of the Peshitta ay gumamit ng malaking letra at pinaliit na malalaking letra para sa “PANGINOON” sa talatang ito, at sinabi nito sa isang talababa: “Ang Pangalan ng Diyos sa Syriac at Aramaiko, ‘Mar-Yah’ o ‘Mor-Yah,’ ay literal na nangangahulugang ‘Panginoong Yah,’ o ‘Yahweh,’ ‘YHWH.’”

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15, 16, 24, 29, 30, 32, 41, 42, 48, 65, 93, 94, 96, 100, 101, 115, 125, 132, 144, 146, 172, 201, 310

GAWA 19:20 “salita ni Jehova”

DAHILAN: “Panginoon” (tou Ky·riʹou) ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Sa aklat ng Gawa, ginagamit din ang kaparehong ekspresyong “salita ng Diyos,” na sumusuporta sa konklusyong ang Kyʹri·os sa Gawa 19:20 ay tumutukoy sa Diyos. (Gawa 4:31; 6:2, 7; 8:14; 11:1; 13:5, 7, 46; 17:13; 18:11) Parehong ginagamit sa Hebreong Kasulatan ang dalawang ekspresyong ito. Pero ang ekspresyong “salita ni Jehova,” na kombinasyon ng terminong Hebreo para sa “salita” at ng Tetragrammaton, ay lumitaw nang di-hamak na mas maraming beses kaysa sa ekspresyong “salita ng Diyos.” (Ang pariralang “salita ni Jehova” ay lumitaw sa mga 200 talata. Ang ilang halimbawa ay 2 Samuel 12:9; 2 Hari 24:2; Isaias 1:10; 2:3; 28:14; Jeremias 1:4; 2:4; Ezekiel 1:3; 6:1; Oseas 1:1.) Sa lumang kopya ng Septuagint, makikita sa Zacarias 9:1 ang salitang Griego na loʹgos na sinusundan ng pangalan ng Diyos sa sinaunang letrang Hebreo (). Ang pergaminong balumbon na ito, na natagpuan sa Nahal Hever, Israel, sa Disyerto ng Judea malapit sa Dagat na Patay, ay mula pa noong 50 B.C.E. hanggang 50 C.E. Gayundin, maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng pangalan ng Diyos. Sa Latin na Vulgate at sa Syriac na Peshitta, ang mababasa ay “salita ng Diyos.” Dahil sa pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, natagpuang manuskrito na binanggit sa itaas, pagkakagamit ng terminong Kyʹri·os, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong ito, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.

REPERENSIYA:

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329), nakalista ang Gawa 19:20 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit sa Bagong Tipan para tumukoy kay Yahweh o sa Diyos.”

  • Ginamit ng The Orthodox Jewish Bible, 2011, ang “Hashem” para ipanumbas sa pangalan ng Diyos sa Gawa 19:20. Ang terminong “Hashem” ay galing sa ekspresyong Hebreo na hash·Shemʹ, na nangangahulugang “ang Pangalan,” na madalas na ginagamit ng mga Judio bilang pamalit sa YHWH.

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 15-18, 23, 31, 32, 41, 48, 65, 94-96, 100, 101, 115, 125, 146, 323, 324

GAWA 21:14 “Mangyari nawa ang kalooban ni Jehova”

DAHILAN: “Kalooban ng Panginoon” ang mababasa sa karamihan ng manuskritong Griego, pero may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os (Panginoon) ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Kapag ginagamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang terminong Griego para sa “kalooban” (theʹle·ma) ay pinakamadalas na iniuugnay sa kalooban ng Diyos. (Mateo 7:21; 12:50; Marcos 3:35; Roma 12:2; 1 Corinto 1:1; Hebreo 10:36; 1 Pedro 2:15; 4:2; 1 Juan 2:17) Kaya makatuwiran lang isipin na ang Kyʹri·os sa ekspresyong ito ay tumutukoy sa Diyos. Sa Septuagint, ang terminong Griego na theʹle·ma ay madalas na ginagamit na panumbas sa mga ekspresyong Hebreo para sa kalooban, o kagustuhan, ng Diyos, at makikita ito sa mga talata kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos. (Awit 40:8, 9 [39:9, 10, LXX]; 103:21 [102:21, LXX]; 143:9-11 [142:9-11, LXX]; Isaias 44:24, 28; Jeremias 9:24 [9:23, LXX]; Malakias 1:10) Kaya dahil sa pagkakagamit sa Bibliya ng salitang Griego para sa “kalooban,” pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, pagkakagamit ng terminong Kyʹri·os, at sa pangangailangang gawing malinaw kung sino ang tinutukoy ng terminong ito, ginamit ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto. Gayundin, may ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na gumamit dito ng pangalan ng Diyos.

REPERENSIYA:

  • Sinasabi ng The Anchor Yale Bible, ni Joseph A. Fitzmyer, 1998, (Tomo 31) tungkol sa Gawa 21:14: “Dito, ang Kyrios ay tumutukoy sa Diyos, ang Ama.”

  • Sa Exegetical Dictionary of the New Testament, 1991, (Tomo 2, p. 329-330), nakalista ang Gawa 21:14 kung saan ang Kyʹri·os ay “ginamit para tumukoy kay Yahweh.”

  • Sinasabi ng The New Testament in Basic English, 1946: “Mangyari nawa ang layunin ng Diyos.”

  • Ginamit ng The Orthodox Jewish Bible, 2011, ang “Hashem” para ipanumbas sa pangalan ng Diyos sa Gawa 21:14. Ang terminong “Hashem” ay galing sa ekspresyong Hebreo na hash·Shemʹ, na nangangahulugang “ang Pangalan,” na madalas na ginagamit ng mga Judio bilang pamalit sa YHWH.

SUMUSUPORTANG REPERENSIYA: J7, 8, 10, 17, 18, 23, 32, 43, 65, 94-96, 100, 101, 115, 132, 144-147, 167, 187, 201, 310, 323, 324