Mikas 7:1-20
7 Kaawa-awa ako! Gaya ako ng isang taongPagkatapos ng pag-aani ng prutas na pantag-arawAt ng paghihimalay* na kasunod ng anihan ng ubasAy walang makaing kumpol ng mga ubas,Walang makuhang masarap na* igos na pinananabikan ko.*
2 Ang mga tapat ay naglaho na sa lupa;Wala nang natirang matuwid.+
Silang lahat ay nag-aabang para pumatay.+
Hinuhuli ng bawat isa ang sarili niyang kapatid sa pamamagitan ng lambat.
3 Ang mga kamay nila ay magaling sa paggawa ng masama;+Ang namamahala ay may hinihingi,Ang hukom ay humihiling ng gantimpala,+Sinasabi ng prominente ang mga gusto niya,+At nagsasabuwatan sila.*
4 Ang pinakamabuti sa kanila ay gaya ng matinik na halaman,Ang pinakamatuwid sa kanila ay masahol pa sa bakod na tinik.
Ang araw na sinasabi sa iyo ng iyong mga bantay, ang araw ng paghatol sa iyo, ay darating.+
Ngayon ay matataranta sila.+
5 Huwag kang magtiwala sa kasama moO sa isang matalik na kaibigan.+
Mag-ingat ka sa sinasabi mo sa kayakap mo.
6 Dahil hinahamak ng anak na lalaki ang kaniyang ama,Ang anak na babae ay lumalaban sa kaniyang ina,+At ang manugang na babae sa kaniyang biyenang babae;+Ang mga kaaway ng isang tao ay ang sarili niyang pamilya.+
7 Pero patuloy akong maghihintay kay Jehova.+
Matiyaga akong maghihintay* sa Diyos na aking tagapagligtas.+
Pakikinggan ako ng aking Diyos.+
8 Huwag kang magsaya dahil sa akin, O kaaway* ko.
Bumagsak man ako, babangon ako;Kahit nasa kadiliman ako, si Jehova ang magiging liwanag ko.
9 Ang galit ni Jehova ay titiisin ko—Dahil nagkasala ako sa kaniya+—Hanggang sa ipagtanggol niya ang kaso ko at bigyan niya ako ng katarungan.
Dadalhin niya ako sa liwanag;Makikita ko ang kaniyang katuwiran.
10 Makikita rin ito ng kaaway ko,At mababalot ng kahihiyan ang nagsasabi sa akin:
“Nasaan si Jehova na Diyos mo?”+
Titingin ako sa kaniya.
Ngayon ay tatapak-tapakan siyang gaya ng putik sa lansangan.
11 Iyon ay magiging araw ng pagtatayo ng iyong mga batong pader;Sa araw na iyon ay lalawak ang saklaw ng hangganan.*
12 Sa araw na iyon ay pupunta sila sa iyoMula sa Asirya at sa mga lunsod ng Ehipto,Mula sa Ehipto hanggang sa Ilog;*Mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagat, at mula sa isang bundok hanggang sa isa pang bundok.+
13 At ang lupain ay magiging tiwangwang dahil sa mga nakatira dito,Dahil sa ginawa nila.*
14 Pastulan mo ang iyong bayan gamit ang iyong baston, ang kawan na iyong minana,+Ang mag-isang nakatira sa kagubatan—sa gitna ng taniman.
Pakainin mo sila sa Basan at sa Gilead+ gaya noong unang panahon.
15 “Gaya noong lumabas ka sa lupain ng Ehipto,Magpapakita ako sa kaniya ng kamangha-manghang mga bagay.+
16 Makikita ito ng mga bansa at mapapahiya sila sa kabila ng kanilang kalakasan.+
Itatakip nila ang kamay nila sa kanilang bibig;Ang mga tainga nila ay mabibingi.
17 Hihimurin nila ang alabok gaya ng ahas;+Gaya ng reptilya sa lupa ay lalabas silang nangangatog mula sa kanilang mga balwarte.
Haharap silang nanginginig kay Jehova na aming Diyos,At matatakot sila sa iyo.”+
18 Sino ang Diyos na tulad mo,Nagpapaumanhin sa kamalian at nagpapalampas ng kasalanan+ ng nalabi sa kaniyang mana?+
Hindi mananatili ang galit niya magpakailanman,Dahil nalulugod siya sa tapat na pag-ibig.+
19 Muli niya tayong pagpapakitaan ng awa;+ dadaigin* niya ang ating mga pagkakamali.
Ihahagis mo sa kalaliman ng dagat ang lahat ng kanilang kasalanan.+
20 Magpapakita ka ng katapatan kay Jacob,Ng tapat na pag-ibig kay Abraham,Gaya ng ipinangako mo sa mga ninuno namin noong unang panahon.+
Talababa
^ O “unang aning.”
^ Lit., “hinahabi nila itong magkakasama.”
^ O “Magpapakita ako ng mapaghintay na saloobin.”
^ Sa Hebreo, ang salita para sa “kaaway” ay nasa kasariang pambabae.
^ O posibleng “ay magiging malayo ang batas.”
^ Eufrates.
^ Lit., “Dahil sa bunga ng mga gawa nila.”
^ O “tatapakan.”