Mga Kawikaan 24:1-34

24  Huwag kang mainggit sa masasamang tao,At huwag mong hangaring makasama sila,+  2  Dahil karahasan ang laman* ng puso nila,At kapahamakan ang lumalabas sa mga labi nila.  3  Naitatayo ang bahay* dahil sa karunungan,+At nagiging matatag ito dahil sa kaunawaan.  4  Dahil sa kaalaman, napupuno ang mga silid nitoNg lahat ng klase ng magaganda at mahahalagang kayamanan.+  5  Ang taong marunong ay malakas,+At dahil sa kaalaman, lalo pa siyang lumalakas.  6  Makipaglaban ka nang may mahusay na patnubay,+At may tagumpay* kapag marami ang tagapayo.+ 7  Hindi maaabot ng mangmang ang tunay na karunungan;+Wala siyang nasasabi sa pintuang-daan ng lunsod.  8  Sinumang nagpaplano ng masamaAy tatawaging pasimuno ng kasamaan.*+  9  Ang mga plano ng mangmang* ay umaakay sa kasalanan,At nasusuklam ang mga tao sa manunuya.+ 10  Kapag nanghihina ang loob mo sa panahon ng problema,*Mababawasan din ang lakas mo. 11  Iligtas mo ang mga dinadala sa kamatayan,At pigilan mo ang mga sumusuray-suray papunta sa katayan.+ 12  Kung sasabihin mo, “Pero hindi namin alam iyon,” Hindi ba alam ng Tagasuri ng puso* kung ano ang totoo?+ Oo, malalaman iyon ng Isa na nagbabantay sa iyoAt gagantihan niya ang bawat tao ayon sa ginagawa nito.+ 13  Anak ko, kumain ka ng pulot-pukyutan dahil mabuti ito sa iyo;Ang purong pulot-pukyutan ay matamis. 14  Gayundin, tandaan mo na mabuti ang karunungan para sa iyo.+ Kapag nakita mo ito, magiging maganda ang kinabukasan moAt hindi mawawala ang iyong pag-asa.+ 15  Huwag kang mag-abang malapit sa bahay ng matuwid para gawan siya ng masama;Huwag mong wasakin ang tirahan niya. 16  Dahil kahit mabuwal ang matuwid nang pitong ulit, babangon pa rin siya,+Pero ang masasama ay matitisod at lubusang mapapahamak.+ 17  Kapag nabuwal ang kaaway mo, huwag kang matuwa,At kapag natisod siya, huwag magsaya ang puso mo;+ 18  Dahil makikita iyon ni Jehova at hindi Siya matutuwa,At mawawala ang galit Niya sa kaaway mo.+ 19  Huwag kang magalit* dahil sa masasama;Huwag kang mainggit sa kanila, 20  Dahil walang kinabukasan para sa sinumang masama;+Ang lampara ng masasama ay papatayin.+ 21  Anak ko, matakot ka kay Jehova at sa hari.+ At huwag kang makisama sa mga rebelde*+ 22  Dahil bigla silang babagsak.+ Sino ang nakaaalam kung paano nila* sila lilipulin?+ 23  Ang mga pananalitang ito ay para din sa marurunong: Hindi mabuti ang di-patas na paghatol.+ 24  Ang sinumang nagsasabi sa masama, “Matuwid ka,”+ Ay susumpain ng mga bayan at tutuligsain ng mga bansa. 25  Pero mapapabuti ang mga sumasaway sa kaniya;+Pagpapalain sila ng mabubuting bagay.+ 26  Hahalikan ng bayan ang mga labi ng nagsasalita nang tapat.*+ 27  Planuhin mo ang gagawin mo sa labas at ihanda mo ang iyong bukid;At saka ka magtayo ng iyong bahay.* 28  Huwag kang tumestigo laban sa iyong kapuwa nang walang basehan.+ Huwag mong gamitin ang mga labi mo para manlinlang.+ 29  Huwag mong sabihin: “Gagawin ko sa kaniya ang ginawa niya sa akin;Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya.”*+ 30  Dumaan ako sa tabi ng bukid ng taong tamad,+Sa tabi ng ubasan ng taong kulang sa unawa.* 31  Nakita kong tinubuan na ito ng panirang-damo;Natabunan ito ng matitinik na halaman,At giba ang batong pader nito.+ 32  Nakita ko ito at isinapuso;Nakita ko ito at natutuhan ang aral na ito:* 33  Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip,Kaunti pang paghahalukipkip para magpahinga, 34  At biglang darating sa iyo ang kahirapan na parang magnanakaw,At ang kakapusan na parang armadong lalaki.+

Talababa

O “binubulay-bulay.”
O “Nagiging matibay ang sambahayan.”
O “kaligtasan.”
O “eksperto sa mga pakana.”
O “Ang mangmang na mga plano.”
O “sa araw ng kapighatian.”
O “motibo.”
O “mainis; mag-init.”
O “sa mga gusto ng pagbabago.”
Si Jehova at ang hari.
O posibleng “Ang deretsahang pagsagot ay gaya ng paghalik.”
O “magtatag ng sambahayan.”
O “Gaganti ako.”
Lit., “kapos ang puso.”
Lit., “tinanggap ko ang disiplina:”

Study Notes

Media