Jonas 2:1-10
2 At nanalangin si Jonas kay Jehova na kaniyang Diyos habang nasa loob ng tiyan ng isda.+
2 Sinabi niya:
“Tumawag ako kay Jehova nang nasa kagipitan ako, at sinagot niya ako.+
Humingi ako ng tulong mula sa kailaliman* ng Libingan.*+
Narinig mo ang tinig ko.
3 Nang ihagis mo ako sa kalaliman, sa pusod ng dagat,Tinangay ako ng malalakas na agos.+
Nilamon ako ng iyong malalaking alon.+
4 At sinabi ko, ‘Pinalayas ako sa iyong harapan!
Paano ko muling makikita ang iyong banal na templo?’
5 Nilamon ako ng tubig at muntik na akong* mamatay;+Lumubog ako sa malalim na katubigan.
Nakapulupot sa ulo ko ang damong-dagat.
6 Lumubog ako hanggang sa pinakasahig ng dagat.*
At kung tungkol sa lupa, ikinulong ako ng mga halang nito magpakailanman.
Pero iniahon mo akong buháy mula sa kalaliman,* O Jehova na aking Diyos.+
7 Nang malapit na akong mamatay, si Jehova ang naalaala ko.+
At nakarating ang panalangin ko sa iyo, sa loob ng iyong banal na templo.+
8 Itinatakwil ng mga sumasamba sa walang-silbing mga idolo ang nagpapakita ng tapat na pag-ibig sa kanila.*
9 Pero ako, pupurihin kita at maghahandog ako sa iyo.
Tutuparin ko ang aking pangako.*+
Ang kaligtasan ay mula kay Jehova.”+
10 Pagkatapos, inutusan ni Jehova ang isda na iluwa si Jonas sa tuyong lupa.
Talababa
^ Lit., “tiyan.”
^ Lit., “sa pinakapaanan ng mga bundok.”
^ Lit., “iniahon mo ang buhay ko mula sa hukay.”
^ O posibleng “Tinalikuran ng mga sumasamba sa walang-silbing mga idolo ang katapatan nila.”
^ O “panata.”