Job 40:1-24

40  Ipinagpatuloy ni Jehova ang pagsagot kay Job:  2  “Dapat bang makipagtalo sa Makapangyarihan-sa-Lahat ang mapaghanap ng mali?+ Sagutin iyon ng gustong sumaway sa Diyos.”+  3  Sumagot si Job kay Jehova:  4  “Hindi ako karapat-dapat.+ Ano ang isasagot ko sa iyo? Tinakpan ko ng kamay ang bibig ko.+  5  Paulit-ulit akong nagsalita, pero hindi na ako sasagot;Wala na akong idaragdag.”  6  At sinagot ni Jehova si Job mula sa buhawi:+  7  “Ihanda mo ang sarili mo, pakisuyo, gaya ng isang lalaki;Tatanungin kita, at sagutin mo ako.+  8  Kukuwestiyunin* mo ba ang katarungan ko? Sasabihin mo bang mali ako para ikaw ang maging tama?+  9  May bisig ka ba na kasinlakas ng sa tunay na Diyos,+O mapadadagundong mo ba ang boses mo na gaya ng sa kaniya?+ 10  Pakisuyo, gayakan mo ang sarili mo ng kaluwalhatian at karingalan;Damtan mo ang sarili mo ng dangal at karilagan. 11  Ilabas mo ang iyong matinding galit;Tingnan mo ang bawat isa na nagmamataas, at ibaba mo siya. 12  Tingnan mo ang bawat isa na nagmamataas, at pabagsakin mo siya,At tapakan mo ang masasama sa kinatatayuan nila. 13  Ibaon mo silang lahat sa lupa;Itali mo sila* sa tagong lugar, 14  At maniniwala ako*Na maililigtas ka ng kanang kamay mo. 15  Tingnan mo ang Behemot,* na nilikha ko gaya mo rin. Kumakain ito ng damo gaya ng toro. 16  Tingnan mo kung gaano kalakas ang balakang nitoAt kalamnan sa tiyan! 17  Napapatigas nito ang buntot nito na parang sedro;Parang nakatirintas ang mga litid sa mga hita nito. 18  Gaya ng tanso ang mga buto nito;Gaya ng bakal ang mga binti nito. 19  Ito ang nangunguna sa* mga gawa ng Diyos;Ang Maylikha lang nito ang makalalapit dito dala ang kaniyang espada. 20  Ang mga bundok kung saan naglalaro ang lahat ng mababangis na hayopAng nagbibigay rito ng pagkain. 21  Humihiga ito sa ilalim ng mga punong lotusAt nanganganlong sa mga tambo sa latian. 22  Nilililiman ito ng mga punong lotusAt pinapalibutan ng mga punong alamo sa lambak.* 23  Hindi ito natataranta kapag lumalakas ang agos ng ilog. Panatag ito kahit rumaragasa sa bibig nito ang Jordan.+ 24  May makahuhuli ba rito habang nakatingin ito,O may makapaglalagay ba ng kawit* sa ilong nito?

Talababa

O “Ipawawalang-bisa.”
Lit., “ang mga mukha nila.”
O “pupurihin kita.”
Posibleng hipopotamus.
Lit., “Ito ang pasimula ng.”
O “wadi.”
Lit., “silo.”

Study Notes

Media