Job 13:1-28
13 “Oo, nakita ng mata ko ang lahat ng ito,Narinig ito ng tainga ko at naintindihan ito.
2 Alam ko rin ang alam ninyo;Hindi ako nakabababa sa inyo.
3 Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto kong kausapin ang Makapangyarihan-sa-Lahat;Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa harap ng Diyos.+
4 Pero dinurungisan ninyo ang reputasyon ko ng mga kasinungalingan ninyo;Kayong lahat ay walang-silbing manggagamot.+
5 Kung mananahimik lang sana kayo,Makapagpapakita kayo ng karunungan.+
6 Pakinggan ninyo, pakisuyo, ang mga argumento koAt bigyang-pansin ang pakiusap ng mga labi ko.
7 Magsasalita ba kayo ng masama alang-alang sa Diyos,At magsasalita ba kayo nang may panlilinlang para sa kaniya?
8 Papanig ba kayo sa kaniya?*Ipaglalaban ba ninyo ang usapin ng tunay na Diyos?
9 Maganda kaya ang makikita niya kung susuriin niya kayo?+
Malilinlang ba ninyo siya gaya ng taong mortal?
10 Tiyak na sasawayin niya kayoKung palihim kayong magpapakita ng paboritismo.+
11 Hindi ba kayo masisindak sa kaluwalhatian niyaAt matatakot sa kaniya?
12 Ang inyong malalalim* na kasabihan ay parang abo;Ang inyong mga pananggalang* ay kasinrupok ng luwad.
13 Tumahimik kayo para makapagsalita ako.
Pagkatapos, handa na ako anuman ang mangyari sa akin!
14 Bakit ko isinasapanganib ang sarili ko*At itinataya* ang buhay ko?
15 Kahit na maaari niya akong patayin, maghihintay pa rin ako;+Ipagtatanggol ko ang sarili* ko sa harap niya.
16 At siya ang magiging tagapagligtas ko,+Dahil ang di-makadiyos na tao ay hindi* puwedeng humarap sa kaniya.+
17 Makinig kayong mabuti sa sasabihin ko;Bigyang-pansin ninyo ang ipahahayag ko.
18 Tingnan ninyo, naihanda ko na ang usapin ko sa batas;Alam kong ako ang tama.
19 Sino ang lalaban sa akin?
Mamamatay ako kung tatahimik lang ako!*
20 O Diyos, dalawang bagay lang ang hihilingin ko sa iyo*Para hindi ako magtago sa iyo:
21 Ilayo mo sa akin ang mabigat mong kamay,At huwag mo na akong takutin.+
22 Tumawag ka at sasagot ako,O kaya ay pagsalitain mo ako at ikaw ang sumagot.
23 Ano ang mga pagkakamali at kasalanan ko?
Ipaalám mo sa akin ang pagsuway at kasalanan ko.
24 Bakit mo ako tinatalikuran*+At itinuturing na kaaway?+
25 Tatakutin mo ba ang isang dahon na tinatangay ng hanginO hahabulin ang tuyong pinaggapasan?
26 Dahil patuloy mong inililista ang mabibigat na akusasyon sa akin,At pinagbabayad mo ako sa mga kasalanan ko noong kabataan pa ako.
27 Inilalagay mo ang mga paa ko sa pangawan,Sinusuri mong mabuti ang lahat ng landas na nilalakaran ko,At tinutunton mo ang bawat bakas ng paa ko.
28 Kaya ang tao* ay naging gaya ng bagay na nabubulok,Gaya ng damit na inuubos ng insekto.*
Talababa
^ O “Kikilingan ba ninyo siya?”
^ O “di-malilimot.”
^ Lit., “Ang mga umbok sa inyong kalasag.”
^ Lit., “Bakit ko dala-dala ang aking laman sa mga ngipin ko?”
^ O “inilalagay sa mga kamay ko.”
^ O “ang mga paraan.”
^ O “Dahil walang apostata na.”
^ O posibleng “Kung mayroon, mananahimik ako at mamamatay.”
^ Lit., “Dalawang bagay lang ang huwag mong gawin sa akin.”
^ Lit., “Bakit mo itinatago ang iyong mukha.”
^ Lit., “siya.” Posibleng tumutukoy kay Job.
^ O “tangà,” isang insekto na kumakain ng tela.