Isaias 63:1-19

63  Sino itong dumarating mula sa Edom,+Mula sa Bozra+ na matingkad* ang damit,Na napakaganda ng kasuotanAt paparating na may malakas na kapangyarihan? “Ako iyon, ang nagsasalita ayon sa katuwiran,Ang may malakas na kapangyarihan para magligtas.”  2  Bakit pula ang damit mo,At bakit ang suot mo ay gaya ng sa tumatapak sa pisaan ng ubas?+  3  “Mag-isa kong tinapakan ang mga ubas. Wala akong kasamang sinuman mula sa mga bayan. Paulit-ulit ko silang tinapakan dahil sa galit ko,At paulit-ulit ko silang niyurakan dahil sa poot ko.+ Natalsikan ng dugo nila ang suot ko,At namantsahan ang buong damit ko.  4  Dahil ang araw ng paghihiganti ay nasa puso ko,+At ang taon ng mga tinubos ko ay dumating na.  5  Tumingin ako, pero walang naroon para tumulong;Nagulat ako na walang nag-alok ng tulong. Kaya ang bisig ko ang nagligtas,*+At ang poot ko ang umalalay sa akin.  6  Sa galit ko ay niyurakan ko ang mga bayan,Nilasing ko sila ng poot ko+At pinadanak ang dugo nila sa lupa.”  7  Sasabihin ko ang tungkol sa ipinakitang tapat na pag-ibig ni Jehova,Ang kapuri-puring mga ginawa ni Jehova,Dahil sa lahat ng ginawa ni Jehova para sa atin,+Ang maraming mabubuting bagay na ginawa niya para sa sambahayan ng Israel,Ayon sa kaniyang awa at dakila at tapat na pag-ibig.  8  Dahil sinabi niya: “Talagang sila ang bayan ko, mga anak na hindi magtataksil.”+ Kaya siya ang naging Tagapagligtas nila.+  9  Sa lahat ng paghihirap nila ay nahihirapan siya.+ At iniligtas sila ng sarili niyang mensahero.*+ Dahil sa pag-ibig at habag niya ay tinubos niya sila,+At binuhat niya sila at dinala sa buong panahong lumipas.+ 10  Pero nagrebelde sila+ at pinighati ang banal na espiritu niya.+ Kaya siya ay naging kaaway nila,+At nakipaglaban siya sa kanila.+ 11  At naalaala nila ang mga araw noong unang panahon,Noong panahon ng lingkod niyang si Moises: “Nasaan ang nagpatawid sa kanila sa dagat+ kasama ng mga pastol ng kawan niya?+ Nasaan ang naglagay sa kaniya ng Kaniyang banal na espiritu,+ 12  Ang may maluwalhating bisig na tumulong sa kanang kamay ni Moises,+Ang humati sa tubig sa harap nila+Para gumawa ng walang-hanggang pangalan para sa sarili niya,+ 13  Ang nagpalakad sa kanila sa dumadaluyong* na tubig,Kaya nakalakad sila nang hindi nabubuwal,Gaya ng isang kabayo sa kapatagan?* 14  Gaya ng mga hayop kapag bumababa sila sa kapatagan,Ang espiritu ni Jehova ang nagbibigay sa kanila ng kapahingahan.”+ Gayon mo inakay ang bayan mo,Para makagawa ka ng maringal na* pangalan para sa iyong sarili.+ 15  Tumanaw ka mula sa langit at tumingin kaMula sa iyong mataas na tirahan ng kabanalan at kaluwalhatian.* Nasaan ang iyong sigasig at lakas,Ang iyong habag*+ at awa?+ Ipinagkait sa akin ang mga ito. 16  Dahil ikaw ang Ama namin;+Maaaring hindi kami kilala ni AbrahamAt maaaring hindi kami makilala ni Israel,Pero ikaw, O Jehova, ang Ama namin. Aming Manunubos ang pangalan mo mula pa noong unang panahon.+ 17  O Jehova, bakit mo kami hinayaang malihis* sa iyong mga daan? Bakit mo hinayaang tumigas* ang puso namin at hindi kami matakot sa iyo?+ Bumalik ka, alang-alang sa mga lingkod mo,Ang mga tribo ng iyong mana.+ 18  Sandali lang itong naging pag-aari ng iyong banal na bayan. Niyurakan ng mga kalaban namin ang santuwaryo mo.+ 19  Sa loob ng mahabang panahon ay naging gaya kami ng mga hindi mo pinamahalaan,Gaya ng mga hindi tinawag sa pangalan mo.

Talababa

O posibleng “matingkad na pula.”
O “nagbigay sa akin ng tagumpay.”
O “ng anghel ng presensiya niya.”
O “malalim.”
O “ilang.”
O “ng magandang.”
Lit., “Ang pagkaligalig ng iyong mga panloob na bahagi.”
O “kagandahan.”
O “bakit mo kami pinalihis.”
Lit., “Bakit mo pinatigas.”

Study Notes

Media