Genesis 46:1-34
46 Kaya dinala ni Israel ang lahat ng sa kaniya at umalis. Nang dumating siya sa Beer-sheba,+ naghandog siya sa Diyos ng ama niyang si Isaac.+
2 Isang gabi, kinausap ng Diyos si Israel sa pamamagitan ng pangitain at sinabi: “Jacob, Jacob!” Sumagot ito: “Narito ako!”
3 Sinabi niya: “Ako ang tunay na Diyos, ang Diyos ng iyong ama.+ Huwag kang matakot na pumunta sa Ehipto, dahil gagawin kitang isang malaking* bansa roon.+
4 Sasamahan kita sa pagpunta mo sa Ehipto, at ibabalik kita sa lupaing ito,+ at ipapatong ni Jose ang kamay niya sa mga mata mo.”*+
5 Pagkatapos, umalis si Jacob sa Beer-sheba, at isinakay ng mga anak ni Israel ang kanilang amang si Jacob, pati na ang mga anak at asawa nila, sa mga karwaheng ipinadala ng Paraon para sa paglalakbay ni Jacob.
6 Dinala nila ang kanilang mga kawan at mga pag-aari, na natipon nila sa lupain ng Canaan. Nang maglaon, nakarating sila sa Ehipto, si Jacob at ang lahat ng kasama niyang supling.
7 Isinama niya sa Ehipto ang kaniyang mga anak na lalaki at apong lalaki, mga anak na babae at apong babae—lahat ng supling niya.
8 Ito ang pangalan ng mga anak ni Israel na pumunta sa Ehipto,+ si Jacob at ang mga anak niya: Ang panganay ni Jacob ay si Ruben.+
9 Ang mga anak ni Ruben ay sina Hanok, Palu, Hezron, at Carmi.+
10 Ang mga anak ni Simeon+ ay sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jakin, Zohar, at si Shaul+ na anak ng isang babaeng Canaanita.
11 Ang mga anak ni Levi+ ay sina Gerson, Kohat, at Merari.+
12 Ang mga anak ni Juda+ ay sina Er, Onan, Shela,+ Perez,+ at Zera.+ Pero sina Er at Onan ay namatay sa lupain ng Canaan.+
Ang mga anak ni Perez ay sina Hezron at Hamul.+
13 Ang mga anak ni Isacar ay sina Tola, Puva, Iob, at Simron.+
14 Ang mga anak ni Zebulon+ ay sina Sered, Elon, at Jahleel.+
15 Ito ang mga anak na lalaki ni Lea kay Jacob na ipinanganak nito sa Padan-aram, kasama ang anak niyang babae na si Dina.+ Ang lahat ng kaniyang anak na lalaki at babae ay 33.
16 Ang mga anak ni Gad+ ay sina Zipion, Hagi, Suni, Ezbon, Eri, Arodi, at Areli.+
17 Ang mga anak ni Aser+ ay sina Imnah, Isva, Isvi, at Berias, at si Sera ang kapatid nilang babae.
Ang mga anak ni Berias ay sina Heber at Malkiel.+
18 Ito ang mga nagmula kay Zilpa,+ na ibinigay ni Laban sa anak niyang si Lea. Ang lahat ng nagmula kina Zilpa at Jacob ay 16.*
19 Ang mga anak ng asawa ni Jacob na si Raquel ay sina Jose+ at Benjamin.+
20 Naging anak ni Jose sa lupain ng Ehipto sina Manases+ at Efraim,+ na isinilang ni Asenat+ na anak ni Potipera na saserdote ng On.*
21 Ang mga anak ni Benjamin+ ay sina Bela, Beker, Asbel, Gera,+ Naaman, Ehi, Ros, Mupim, Hupim,+ at Ard.+
22 Ito ang mga nagmula kina Raquel at Jacob: 14 lahat.
23 Ang anak* ni Dan+ ay si Husim.+
24 Ang mga anak ni Neptali+ ay sina Jahzeel, Guni, Jezer, at Silem.+
25 Ito ang mga nagmula kay Bilha, na ibinigay ni Laban sa anak niyang si Raquel. Ang lahat ng nagmula kina Bilha at Jacob ay pito.
26 Ang lahat ng nagmula kay Jacob at sumama sa kaniya sa Ehipto, bukod pa sa mga asawa ng mga anak ni Jacob, ay 66.+
27 Ang mga anak na lalaki ni Jose na isinilang sa Ehipto ay dalawa. Ang lahat ng miyembro ng sambahayan ni Jacob na pumunta sa Ehipto ay 70.+
28 Pinauna ni Jacob si Juda+ para sabihin kay Jose na papunta na siya sa Gosen. Nang makarating sila sa lupain ng Gosen,+
29 ipinahanda ni Jose ang karwahe niya para salubungin sa Gosen ang ama niyang si Israel. Nang magkita sila, niyakap niya agad ang* kaniyang ama at umiyak siya nang umiyak.*
30 Pagkatapos, sinabi ni Israel kay Jose: “Handa na akong mamatay; nakita ko na ang iyong mukha at nalaman kong buháy ka pa.”
31 At sinabi ni Jose sa mga kapatid niya at sa sambahayan ng kaniyang ama: “Aalis muna ako para mag-ulat sa Paraon,+ at sasabihin ko sa kaniya, ‘Dumating na ang mga kapatid ko at ang sambahayan ng aking ama mula sa lupain ng Canaan.+
32 Ang mga lalaki ay pastol,+ at nag-aalaga sila ng mga hayop,+ at dinala nila rito ang kanilang mga kawan, mga bakahan, at lahat ng pag-aari nila.’+
33 Kapag ipinatawag kayo ng Paraon at nagtanong siya, ‘Ano ang hanapbuhay ninyo?’
34 sabihin ninyo, ‘Ang iyong mga lingkod ay nag-aalaga ng mga hayop mula pagkabata hanggang ngayon, kami at ang mga ninuno namin,’+ para makapanirahan kayo sa lupain ng Gosen,+ dahil namumuhi ang mga Ehipsiyo sa mga pastol ng tupa.”+
Talababa
^ O “dakilang.”
^ Para isara ang mga iyon kapag namatay na si Jacob.
^ Heliopolis.
^ Lit., “mga anak.”
^ Lit., “sumubsob siya sa leeg ng.”
^ O “at umiyak siya sa leeg nito nang paulit-ulit.”