Mga Awit 86:1-17
Panalangin ni David.
86 Makinig ka,* O Jehova, at sagutin mo ako,Dahil ako ay dukha at nagdurusa.+
2 Ingatan mo ang buhay ko, dahil ako ay tapat.+
Iligtas mo ang lingkod mo na nagtitiwala sa iyo,Dahil ikaw ang aking Diyos.+
3 Kaawaan mo ako, O Jehova,+Dahil tumatawag ako sa iyo buong araw.+
4 Pasayahin mo ang puso ng iyong lingkod,Dahil sa iyo ako umaasa, O Jehova.
5 Ikaw, O Jehova, ay mabuti+ at handang magpatawad;+Sagana ang iyong tapat na pag-ibig sa lahat ng tumatawag sa iyo.+
6 Dinggin mo, O Jehova, ang panalangin ko;At pakinggan mo ang paghingi ko ng tulong.+
7 Tatawag ako sa iyo sa araw ng pagdurusa ko,+Dahil sasagutin mo ako.+
8 Walang gaya mo sa mga diyos, O Jehova,+Walang katulad ang mga gawa mo.+
9 Ang lahat ng bansa na ginawa moAy darating at yuyukod sa iyo, O Jehova,+At luluwalhatiin nila ang pangalan mo.+
10 Dahil ikaw ay dakila at gumagawa ng kamangha-manghang mga bagay;+Ikaw ang Diyos, ikaw lang.+
11 O Jehova, turuan mo ako tungkol sa iyong daan.+
Lalakad ako sa iyong katotohanan.+
Tulungan mo akong matakot sa pangalan mo nang buong puso.*+
12 Pinupuri kita, O Jehova na aking Diyos, nang buong puso ko,+At luluwalhatiin ko ang pangalan mo magpakailanman,
13 Dahil malaki ang tapat na pag-ibig mo sa akin,At iniligtas mo ang buhay ko mula sa kailaliman ng Libingan.*+
14 O Diyos, sinasalakay ako ng mga taong pangahas;+Gusto akong patayin ng mga taong malupit,At wala silang pakialam sa iyo.*+
15 Pero ikaw, O Jehova, ay Diyos na maawain at mapagmalasakit,*Hindi madaling magalit at sagana sa tapat na pag-ibig at katapatan.*+
16 Bigyang-pansin mo ako at kaawaan.+
Bigyan mo ng lakas ang lingkod mo,+At iligtas mo ang anak ng alipin mong babae.
17 Magpakita ka sa akin ng tanda* ng iyong kabutihan,Para makita iyon ng mga napopoot sa akin at mapahiya sila.
Dahil ikaw, O Jehova, ang tumutulong at umaaliw sa akin.
Talababa
^ O “Yumuko ka at makinig.”
^ O “Pagkaisahin mo ang puso ko na matakot sa pangalan mo.”
^ O “At hindi ka nila inilalagay sa harap nila.”
^ O “magandang-loob.”
^ O “katotohanan.”
^ O “katibayan.”