Mga Awit 24:1-10
Awit ni David.
24 Kay Jehova ang lupa at ang lahat ng narito,+Ang mabungang lupain at ang mga naninirahan dito.
2 Dahil ginawa niya ito nang matibay sa mga dagat+At itinayo itong matatag sa mga ilog.
3 Sino ang makaaakyat sa bundok ni Jehova,+At sino ang makatatayo sa kaniyang banal na lugar?
4 Ang sinumang walang-sala* at may dalisay na puso,+Na hindi nanunumpa ng kasinungalingan sa Aking pangalan*O nananata nang may panlilinlang.+
5 Tatanggap siya ng mga pagpapala mula kay Jehova+At ituturing na matuwid ng* kaniyang Diyos ng kaligtasan.+
6 Ito ang henerasyon ng mga humahanap sa kaniya,Ng mga humahanap sa iyong mukha, O Diyos ni Jacob. (Selah)
7 Iangat ninyo ang inyong ulo, mga pintuang-daan;+Bumukas* kayo, mga lumang pasukan,Para makapasok ang maluwalhating Hari!+
8 Sino ang maluwalhating Haring ito?
Si Jehova na malakas at makapangyarihan,+Si Jehova na hindi matatalo sa digmaan.+
9 Iangat ninyo ang inyong ulo, mga pintuang-daan;+Bumukas kayo, mga lumang pasukan,Para makapasok ang maluwalhating Hari!
10 Sino siya, ang maluwalhating Haring ito?
Si Jehova ng mga hukbo—siya ang maluwalhating Hari.+ (Selah)
Talababa
^ Lit., “walang-sala ang mga kamay.”
^ O “Aking buhay.” Tumutukoy sa buhay ni Jehova na ginagamit ng isa sa panunumpa.
^ O “At ng katarungan mula sa.”
^ Lit., “Tumaas.”