Apocalipsis kay Juan 8:1-13
8 Nang buksan niya+ ang ikapitong tatak,+ nagkaroon ng katahimikan sa langit nang mga kalahating oras.
2 At nakita ko ang pitong anghel+ na nakatayo sa harap ng Diyos, at binigyan sila ng pitong trumpeta.
3 Isa pang anghel, na may hawak na gintong lalagyan* ng insenso, ang dumating at tumayo sa may altar,+ at binigyan siya ng maraming insenso+ para ihandog iyon kasama ng mga panalangin ng lahat ng banal sa gintong altar+ na nasa harap ng trono.
4 At ang usok ng insenso mula sa kamay ng anghel ay pumailanlang kasama ng mga panalangin+ ng mga banal sa harap ng Diyos.
5 Pero agad na kinuha ng anghel ang lalagyan ng insenso, at pinuno niya iyon ng baga* mula sa altar at inihagis iyon sa lupa. At nagkaroon ng mga kulog at mga tinig at mga kidlat+ at isang lindol.
6 At ang pitong anghel na may pitong trumpeta+ ay naghanda para hipan ang mga iyon.
7 Hinipan ng una ang trumpeta niya. At umulan sa lupa ng yelo* at apoy na may halong dugo;+ at nasunog ang sangkatlo ng lupa, at nasunog ang sangkatlo ng mga puno, at nasunog ang lahat ng berdeng pananim.+
8 Hinipan ng ikalawang anghel ang trumpeta niya. At isang bagay na gaya ng isang malaking bundok na nagliliyab ang inihagis sa dagat.+ At ang sangkatlo ng dagat ay naging dugo;+
9 at ang sangkatlo ng buháy na mga nilalang sa dagat ay namatay,+ at ang sangkatlo ng mga barko ay nawasak.
10 Hinipan ng ikatlong anghel ang trumpeta niya. At isang malaking bituin na nagniningas na gaya ng lampara ang nahulog mula sa langit, at nahulog ito sa sangkatlo ng mga ilog at sa mga bukal ng tubig.+
11 Ang pangalan ng bituin ay Ahenho. At ang sangkatlo ng tubig ay naging ahenho, at maraming tao ang namatay dahil sa tubig, dahil ito ay naging mapait.+
12 Hinipan ng ikaapat na anghel ang trumpeta niya. At ang sangkatlo ng araw ay hinampas+ at ang sangkatlo ng buwan at ang sangkatlo ng mga bituin, para ang sangkatlo sa kanila ay magdilim+ at hindi magkaroon ng liwanag sa sangkatlo ng maghapon, at ganoon din sa gabi.
13 At nakita ko ang isang agila na lumilipad sa himpapawid, at narinig ko itong sumigaw: “Kapahamakan, kapahamakan, kapahamakan+ sa mga nakatira sa lupa dahil sa tunog ng trumpeta ng tatlo pang anghel na malapit nang humihip sa trumpeta nila!”+