Pag-ayos sa Di-pagkakaunawaan
Kapag may nakasakit sa atin, bakit dapat nating iwasang magalit o maghiganti?
Kaw 20:22; 24:29; Ro 12:17, 18; San 1:19, 20; 1Pe 3:8, 9
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
1Sa 25:9-13, 23-35—Ininsulto ni Nabal si David at ang mga tauhan niya at tumangging tulungan sila, kaya nagalit si David at nagpasiyang patayin ito at ang mga lalaki sa sambahayan nito; napigilan si David na maghiganti dahil sa matalinong payo ni Abigail
-
Kaw 24:17-20—Sinabi ni Haring Solomon sa bayan ng Diyos na ayaw ni Jehova na matuwa sila kapag nagdurusa ang kaaway nila; nagtitiwala tayo na si Jehova ang bahalang humatol sa masasama
-
Kung may nakasamaan ng loob ang isang Kristiyano, tama bang umiwas siya o maghinanakit?
Lev 19:17, 18; 1Co 13:4, 5; Efe 4:26
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Mat 5:23, 24—Ipinaliwanag ni Jesus na dapat nating gawin ang lahat para makipagkasundo sa isang kapatid na may sama ng loob sa atin
-
Ano ang pinakamagandang gawin kapag nasaktan tayo?
Bakit dapat nating patawarin kahit ang mga paulit-ulit na nagkakasala sa atin kung talagang nagsisisi sila?
Kung seryoso ang nagawa sa atin ng isang kapatid at hindi natin iyon mapalampas—halimbawa, siniraan tayo o dinaya—sino dapat ang makipag-usap sa kaniya, at bakit?
Kapag kinausap natin ang kapatid na nanira o nandaya sa atin pero ayaw pa rin niyang magsisi, ano ang dapat nating gawin?