Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kasalanan

Kasalanan

Ano ang kasalanan, at bakit naaapektuhan tayong lahat nito?

Paano tinitiyak ng Bibliya na kaya nating paglabanan ang mga maling pagnanasa?

Ro 6:​12-14

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Sa 11:​2-5, 14, 15, 26, 27; 12:​1-13​—Nang makagawa si Haring David ng malulubhang kasalanan, tumanggap siya ng mabigat na disiplina at sinikap niyang itama ang mga nagawa niyang mali

    • Ro 7:​15-24—Magandang halimbawa si apostol Pablo ng pananampalataya at makadiyos na debosyon, pero sinabi niyang kailangan pa rin niyang paglabanan ang mga maling pagnanasa

Bakit nagkakasala ang maraming tao?

Bakit seryosong bagay ang pamimihasa sa kasalanan?

Ano ang posibleng gamitin ni Satanas para tuksuhin ang mga lingkod ng Diyos na magkasala?

Kaw 1:​10, 11, 15; Mat 5:28; San 1:​14, 15

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 3:​1-6—Nang tuksuhin ni Satanas si Eva gamit ang ahas, sinamantala niya ang pagnanasa nito; dahil dito, nawala ang tiwala ni Eva kay Jehova

    • Kaw 7:​6-10, 21-23—Inilarawan ni Haring Solomon ang isang kabataang lalaki na kulang sa unawa at nagpadala sa pang-aakit ng isang imoral na babae

Paano natin malalabanan ang mga tukso ni Satanas?

Efe 4:27; 6:​10-18; San 4:​7, 8

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Kaw 5:​1-14—Gaya ng isang ama na nakikipag-usap sa anak, nagbigay si Haring Solomon ng magandang payo mula kay Jehova kung bakit at paano iiwasan ang imoralidad

    • Mat 4:​1-11—Nagpakita si Jesus ng magandang halimbawa kung paano lalabanan ang mga tukso ni Satanas gamit ang Salita ng Diyos

Ano ang ilang malulubhang kasalanan na dapat iwasan ng mga Kristiyano?

Tingnan ang “Maling Paggawi

Pagtatapat ng kasalanan

Bakit hindi natin dapat itago ang mga kasalanan natin?

Kanino natin dapat ipagtapat ang lahat ng kasalanan natin?

Sino ang “katulong” na namamagitan sa atin at kay Jehova?

Paano maipapakita ng isang tao na nagsisisi siya sa nagawa niya?

Gaw 26:20; San 4:​8-10

Tingnan din ang “Pagsisisi

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Exo 22:​1-12—Sa Kautusang Mosaiko, ang isang taong nagnakaw ay kailangang magbayad sa biktima

    • Luc 19:​8, 9—Ipinakita ng pinuno ng mga maniningil ng buwis na si Zaqueo na nagsisi siya nang magbago siya at bayaran ang mga nabiktima niya

Bakit makakapagtiwala tayo na papatawarin tayo ni Jehova?

Tingnan ang “Pagpapatawad

Anong kaayusan ang inilaan ni Jehova para magbigay ng tulong at maprotektahan ang kongregasyon kapag may nakagawa ng malubhang kasalanan?

Ano ang puwedeng maging epekto ng malubhang kasalanan sa pamilya natin o sa kongregasyon?

Heb 12:​15, 16

Tingnan din ang Deu 29:18

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Jos 7:​1-13, 20-26—Napahamak ang buong Israel dahil nakagawa ng malubhang kasalanan si Acan at tinangka niyang itago ito

    • Jon 1:​1-16—Dahil hindi sinunod ni propeta Jonas si Jehova, naisapanganib niya ang buhay ng mga kasama niya sa barko

    • 1Co 5:​1-7—Inilantad ni apostol Pablo ang isang kaso ng malubhang kasalanan sa Corinto na nakakasamâ sa buong kongregasyon

Bakit hindi dapat makapigil sa atin ang takot sa disiplina para humingi ng tulong sa mga elder?

Bakit dapat tayong magtiwala na pinatawad na tayo ng Diyos imbes na patuloy na makonsensiya dahil sa nagawa nating kasalanan noon?

Tingnan ang “Pagpapatawad

Kung alam nating nakagawa ng malubhang kasalanan ang isang tao, bakit dapat nating tiyakin na ipagtatapat niya iyon sa mga elder?

Lev 5:1

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Deu 13:​6-9; 21:​18-20—Ayon sa Kautusang Mosaiko, dapat ipaalam sa matatandang lalaki ang isang malubhang kasalanan, kahit pa kapamilya o mahal sa buhay ang nakagawa nito