Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Karunungan

Karunungan

Ano ang kailangan para magkaroon tayo ng tunay na karunungan?

Saan tayo makakakuha ng tunay na karunungan?

Angkop ba na humingi tayo ng karunungan sa Diyos?

Col 1:9; San 1:5

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Cr 1:​8-12—Humingi si Haring Solomon ng karunungan para mapamahalaan niya nang tama ang Israel; nagustuhan ni Jehova ang hiling niya kaya ibinigay Niya ito

    • Kaw 2:​1-5—Itinulad ang karunungan at kaunawaan sa nakatagong kayamanan na sulit hanapin; pinagpapala ni Jehova ang mga nagsisikap na makita ito

Paano tayo binibigyan ni Jehova ng karunungan?

Isa 11:2; 1Co 1:​24, 30; 2:13; Efe 1:17; Col 2:​2, 3

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Kaw 8:​1-3, 22-31—Inilarawan na gaya ng isang tao ang karunungan; eksaktong-eksakto ang paglalarawang iyan sa Anak ng Diyos, ang panganay sa lahat ng nilalang

    • Mat 13:​51-54—Takang-taka ang maraming tagapakinig ni Jesus kung paano siya nagkaroon ng napakalalim na karunungan, samantalang nakita nila kung paano siya lumaki

Paano natin maipapakita na mayroon tayong karunungan mula sa Diyos?

Paano tayo ginagabayan at pinoprotektahan ng karunungan?

Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng karunungan mula sa Diyos?

Kaw 3:​13, 14; 8:11

Tingnan din ang Job 28:18

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Job 28:​12, 15-19—Kahit noong nagdadalamhati at nagdurusa si Job, sinabi niyang nagpapasalamat siya sa karunungan mula sa Diyos

    • Aw 19:​7-9—Sinabi ni Haring David na dahil sa kautusan at paalaala ni Jehova, puwedeng maging marunong ang isang tao kahit wala siyang karanasan

Bakit puwede tayong mapahamak dahil sa karunungan ng sanlibutan, na bumabale-wala sa Diyos?